Abril 5, 2015
Pagmimisa sa Araw ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Mga Gawa 10, 34a. 37-43/Salmo 117/Colosas 3, 1-4 (o kaya: 1 Corinto 5, 6b-8)/Juan 20, 1-9
Hindi nagtapos ang lahat sa kamatayan ng Panginoong Hesukristo. Sa ikatlong araw, ang Panginoong Hesus ay muling nabuhay, katulad ng Kanyang sinabi. Kahit na nakatakip ang libingan ng Panginoon at kahit binantayan pa ito ng mga kawal na ipinadala ni Pilato, hindi ito naging hadlang sa Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Si Hesus ay muling nabuhay. Walang laman ang libingan. Wala na sa libingan ang bangkay ng Panginoon. Hindi na mahanap ang bangkay ni Hesus sapagkat Siya'y muling nabuhay.
Ang akala ng mga kaaway ni Hesus at ng marami na tapos na ang lahat para kay Hesus noong Siya ay namatay. Pati ang Kanyang mga alagad, inakala nilang tapos na ang lahat sa pagkamatay ni Hesus. Nawala, naguho ang lahat, nang si Hesus ay namatay. Hindi lamang iyon, ginusto pa ng mga kaaway ni Hesus na panatilihing patay si Hesus. Kaya, humingi sila ng mga kawal mula kay Pilato para bantayan ang libingan ng Panginoon. Gusto nilang manatiling patay si Hesus. Hindi sapat para sa kanila na mamatay si Hesus.
Subalit, hindi mapigilan ng mga kaaway ni Hesus ang Kanyang Muling Pagkabuhay. Kahit na binantayang maigi ng mga kawal ang libingan, hindi nila mapigilan ang Muling Pagkabuhay ni Hesus. Hindi kinaya ng kapangyarihan ng kamatayan ang kapangyarihan ni Hesus. Hindi kinaya ng libingang panatilihin si Hesus sa loob nito. Bagkus, napagtagumpayan ni Hesus ang kasamaan at kamatayan. Nagtagumpay ang Panginoon.
Natunghayan natin sa Ebanghelyo na pumunta si Santa Maria Magdalena sa libingan ng Panginoon noong madilim-dilim pa. Natagpuan niyang walang laman ang libingan. Hindi niya matagpuan ang bangkay ng Panginoon. Ang akala niya ay may nagnakaw sa bangkay ng Panginoon. Kaya, pinuntahan niya sina San Pedro Apostol at ang alagad na minamahal ni Hesus at ibinalita ang kanyang nakita.
Inakala nilang lahat na ninakaw ang bangkay ng Panginoon. Subalit, noong dumating sina San Pedro Apostol at ang minamahal na alagad, natagpuan ng dalawang alagad na ito na imposibleng ninakaw ang bangkay ng Panginoon. Bakit? Nakatiklop ang mga kayong lino at magkahiwalay pa iyon sa panyong ibinalot sa ulo. Walang pakialam ang mga magnanakaw sa mga kayong lino at ang panyong ibinalot sa ulo kung may nanakawin silang bangkay.
Hindi pa nila naunawaan noon na kinailangan pang muling mabuhay si Hesus. Subalit, ang alagad na minamahal ni Hesus ay naniwala na si Hesus ay muling nabuhay. Katulad ng sinabi ni Hesus noong kasama pa Niya ang mga alagad, muling Siyang mabubuhay sa ikatlong araw. Nagkatotoo, natupad ang lahat ng mga sinabi ng Panginoon sa kanila. Muling nabuhay ang Panginoon.
Ang Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo ay ang pagbubuo at ang pagkukumpleto sa Kanyang tagumpay at kaluwalhatian. Nagtagumpay na si Hesus, habang nagdurusa pa Siya sa krus. Kinumpleto ng Muling Pagkabuhay ang Kanyang tagumpay. Kung hindi muling nabuhay si Kristo, hindi magiging kumpleto ang Kanyang tagumpay. Mawawalan ng saysay ang pag-aalay ni Kristo ng Kanyang sarili sa krus kung hindi Siya muling nabuhay.
Kinamtan ni Hesus ang tagumpay hindi lamang para sa Kanyang sarili, kundi para sa ating lahat. Inaanyayahan tayong lahat ni Hesus na nagtagumpay laban sa kasamaan at kamatayan sa pamamagitan ng Kanyang Muling Pagkabuhay na makigalak sa Kanyang tagumpay. Sapagkat ang tagumpay na kinamtan ni Hesus ay hindi lamang para sa Kanyang sarili. Tayo ang dahilan kaya kinamtan ni Kristo ang tagumpay laban sa kasamaan at kamatayan. Hindi na tayo mga alipin. Pinalaya tayong lahat ni Kristong Muling Nabuhay.
MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY SA ATING LAHAT!
Kaya’t tinanong ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.” (Juan 6, 67-68)
Linggo, Abril 5, 2015
KAGALAKAN DULOT NG MULING PAGKABUHAY
Abril 5, 2015
Pagmimisa sa Bukang-Liwayway ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Mga Gawa 10, 34a. 37-43/Salmo 117/Colosas 3, 1-4 (o kaya: 1 Corinto 5, 6b-8)/Juan 20, 1-9
Mababasa ba sa Banal na Bibliya ang pagpapakita ng Panginoong Hesukristong Muling Nabuhay sa Mahal na Birheng Maria? Hindi. Walang mababasa sa Banal na Bibliya patungkol sa pagpapakita ng Panginoong Muling Nabuhay sa Mahal na Ina. Tahimik ang Banal na Kasulatan tungkol sa pangyayaring ito. Walang kunkretong salaysay ang Banal na Bibliya tungkol sa pagpapakita ni Kristong Muling Nabuhay sa Mahal na Birheng Maria.
Subalit, bakit nating ipinagdiriwang ang Salubong? Ang tunay na dahilan ng pagdiriwang ng Salubong ay upang magalak tayo sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon, kasama ang Mahal na Ina. Kagalakan ang dulot ng Muling Pagkabuhay ni Kristo sa ating mga Kristiyano. Hindi mapapantayan ninuman ang kagalakang dulot ng Muling Pagkabuhay ni Kristo. Ang kagalakang hatid ng Panginoong Muling Nabuhay ay higit na dakila pa kaysa sa kagalakang dulot ng sanlibutan.
Isa na namang pagtawid ang natunghayan natin sa Salubong. Sa Salubong, ginugunita natin ang pagpapakita ng ating Panginoong Hesus sa Mahal na Birheng Maria pagkatapos na Siya'y muling mabuhay. Ang itim na belo ay sumasagisag sa hapis at lumbay ng Mahal na Inang Maria dahil sa pagpanaw ng kanyang Anak na si Hesus noong Biyernes Santo. Tinanggal ang itim na belo mula sa imahen ng Mahal na Ina. Sa pamamagitan noon, nagwakas na ang kalungkutan ng Mahal na Ina. Mula sa kalungkutan, tumawid ang Mahal na Birheng Maria tungo sa kagalakang hatid ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.
Ang hapis ng Mahal na Birheng Maria ay naging kagalakan. Nagalak ang Mahal na Birheng Maria nang magpakita sa kanya si Hesus na muling nabuhay. Hindi mapapantayan ninuman ang kagalakang nadama ng Mahal na Birheng Maria noong si Hesus ay muling mabuhay. Ang hapis ng Mahal na Birheng Maria dulot ng pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus sa Kalbaryo ay hindi nagtagal. Dahil sa Muling Pagkabuhay ni Hesus, naranasan ng Mahal na Birheng Maria ang kagalakang dulot nito.
"Reyna ng Langit, magalak ka! Aleluya!" Ito ang mensahe ng mga anghel sa Mahal na Birheng Maria patungkol sa Panginoong Muling Nabuhay. Hindi lamang para sa Mahal na Ina ang mensaheng ito ngayong Pasko ng Pagkabuhay. Tayong lahat ay inaanyayahan na makiisa at makigalak sa kagalakang dulot ng Muling Pagkabuhay. Ang araw ng Pasko ng Pagkabuhay ay araw ng kagalakan. Napagtagumpayan na ni Hesus ang kapangyarihan ng kadiliman. Si Hesus ay nagtagumpay laban sa kapangyarihan ng kasamaan at kamatayan.
Tapos na ang paghahapis ng Mahal na Birheng Maria. Ang matinding hapis ng Mahal na Birheng Maria dulot ng pagdurusa at pagkamatay ni Hesus ay nawala na. Napawi na ang hapis ng Mahal na Birheng Maria. Pinawi ni Hesus ang hapis ni Maria sa pamamagitan ng Kanyang Muling Pagkabuhay. Inaanyayahan tayong lahat na makiisa sa kagalakang dulot ng Panginoong Hesus sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng Kanyang Muling Pagkabuhay.
"Huwag ninyong hahayaang mawalan kayo ng pag-asa. Tayo ay isang sambayanan ng Muling Pagkabuhay at Aleluya ang ating awit." - Papa San Juan Pablo II

Sabado, Abril 4, 2015
PAGTAWID MULA SA KADILIMAN PATUNGO SA LIWANAG
Abril 4, 2015
Sabado de Gloria
Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B)
Genesis 1, 1-2, 2 (o kaya: 1, 1. 26-31a)/Salmo 103 (o kaya: Salmo 32)/Genesis 22, 2-18 (o kaya: 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18)/Salmo 15/Exodo 14, 15-15, 1/Exodo 15/Isaias 54, 5-14/Salmo 29/Isaias 55, 1-11/Isaias 12/Baruc 3, 9-15. 32-4, 4/Salmo 18/Ezekiel 36, 16-17a. 18-28/Salmo 41 (o kaya: Salmo 50)/Roma 6, 3-11/Salmo 117/Marcos 16, 1-7
Nagsimula ang Bihiliya ng Pasko ng Pagkabuhay sa kadiliman. Isinasagisag nito ang kadiliman sa libingan ni Hesus. Sinasagisag din ng kadiliman sa simula ng Bihiliya ang mundo kung wala ang Diyos. Kung wala ang Diyos, tayong lahat ay nabubuhay sa kadiliman. Sinasabi nga sa Unang Pagbasa, noong sinimulan ng Diyos ang paglikha sa sanlibutan, kadiliman ang bumabalot sa kalaliman. Ang kadiliman sa simula ng ating pagdiriwang ay sumasagisag din sa kadiliman sa loob ng libingan ni Hesus.
Sa mga huling sandali ng buhay ni Hesus, iniwanan Siya ng Kanyang mga alagad. Walang dumamay kay Hesus sa mga madidilim na sandali ng Kanyang buhay. Bago Siya dinakip ng mga kawal sa Halamanan ng Getsemani, inutusan Niya ang mga alagad na manalangin at magtanod na kasama Niya. Subalit, ano ang ginawa ng mga alagad? Tinulugan nila si Hesus. Sa halip na manalangin at magbantay, natulog sila. Hindi nila dinamayan si Hesus sa Kanyang pananalangin at pagdurusa sa Halamanan.
Mag-isa rin si Hesus noong Siya'y dinakip ng mga kawal. Noong dinakip ang Panginoong Hesukristo ng mga kawal sa Halamanan, nagsitakas ang mga alagad. Iniwanan nilang mag-isa ang Panginoon. Walang sumama kay Hesus noong Siya'y dinakip. Kahit nangako ang mga alagad, lalung-lalo na si San Pedro Apostol, na sasama sila kay Hesus, hindi nangyari iyon. Bagkus, hinarap ni Hesus ang Kanyang kamatayan na mag-isa.
Inilibing si Hesus ni San Jose na taga-Arimatea sa isang libingang malapit sa kinamatayanan ni Hesus. Napakadilim sa loob ng libingan. Subalit, sa kadiliman ng libingan, nagpahinga ang Panginoon. Ang Panginoong Hesus ay nagpahinga pagkatapos ng napakabrutal at napakasakit na wakas sa Kanyang buhay. Kaya, nararapat lamang na simulan natin ang ating Bihiliya sa kadiliman. Dinadamayan natin si Hesus na inilibing sa kadiliman ng libingan at hinihintay din natin ang Kanyang paglabas mula sa libingan.
Ginugunita natin sa gabing ito ang pagtawid ni Hesus mula sa kadiliman patungo sa liwanag. Mula sa pagdurusa, nakamit ni Hesus ang tagumpay at kaluwalhatian. Hindi naging madali para kay Hesus na makamit ang tagumpay. Kinailangan muna Niyang dumaan sa pagdurusa at kamatayan sa Kalbaryo bago makamit ang kaluwalhatian. Pagkatapos ng pagdurusa at kamatayan sa krus ng Kalbaryo, nakamit ni Hesus ang kaluwalhatian.
Tumawid si Hesus mula sa kadiliman ng libingan patungo sa liwanag na dulot ng Kanyang Muling Pagkabuhay. Bumangon at lumabas si Hesus mula sa libingan na nagniningning sa kaluwalhatian. Hindi kinaya ng kapangyarihan ng kadiliman at kamatayan si Hesus. Lumabas Siya mula sa libingan na nagtagumpay. Napagtagumpayan na ni Hesus ang kadiliman dulot ng kapangyarihan ng kasamaan at kamatayan.
Sa pagsisimula ng kapanahunan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, inaanyayahan tayo ni Hesus na tumawid mula sa kadiliman ng ating mga kasalanan patungo sa liwanag ng bagong buhay. Inaanyayahan tayo ni Hesus na magbagong-buhay, lalung-lalo na ngayong Pasko ng Pagkabuhay. Bagong buhay ang dulot ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Katulad ng sinabi ni San Pablo Apostol sa Sulat, ituring natin ang ating mga sarili na patay sa ating mga sarili upang makapamuhay tayo kasama ni Kristo. Talikuran natin ang masasamang pamumuhay. Talikuran natin ang masasamang bisyo. Bitiwan natin ang masasamang bisyo at pamumuhay. Magbagong-buhay tayo. Lumabas tayo mula sa kadiliman ng ating mga libingan - libingan ng kasalanan, bisyo, at marami pang iba.
Sa panahon ng Kuwaresma at Mahal na Araw, tayo ay naglakbay kasama ng ating Panginoong Hesukristo patungo sa Kanyang tagumpay at kaluwalhatian. Ngayong nagtatapos na ang ating paglalakbay, makiisa nawa tayong lahat sa tagumpay at kaluwalhatian na kinamit ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at Muling Pagkabuhay. Kasama ni Hesus, lumabas nawa tayong lahat mula sa kadiliman ng mga libingan ng ating mga kasamaan at kamatayan. Makibahagi nawa tayong lahat sa tagumpay, kaluwalhatian, at ang bagong buhay dulot ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.
REFLECTIVE SONG: "Ito ang Bagong Araw"

Linggo, Marso 29, 2015
MASDAN ANG KARUKHAAN NI HESUS SA KRUS
Abril 3, 2015
Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon
Isaias 52, 13-53, 12/Salmo 30/Hebreo 4, 14-16; 5, 7-9/Juan 18, 1-19, 42
Mula noong isinilang si Hesus sa sanlibutan, namuhay Siyang dukha. Hindi naranasan ng Panginoong Hesus ang karangyaan at kayamanan dito sa mundo. Kahit na Siya'y Diyos at kahit na Siya ang Mesiyas, hindi namuhay si Hesus katulad ng isang hari o prinsipe dito sa mundo. Walang kayamanan si Hesus noong nabubuhay Siya dito sa daigdig. Bagkus, si Hesus ay namuhay ng isang buhay ng karukhaan bilang pakikiisa sa ating karukhaan.
Noong ipinako ang Panginoong Hesukristo sa krus, pinagsapalaran ng mga kawal ang Kanyang damit. Hinubaran ang Panginoon ng Kanyang mga damit bago Siya ipako sa krus. Ang damit ng Panginoon na sinuot Niya buong buhay Niya ay hinubaran at pinagsapalaran ng mga kawal. Walang sinuot ang Panginoon noong Siya ay nakabayubay sa krus.
Kung titingnan po ninyo ang imahen o larawan ni Kristo na nakapako sa krus, maaawa kayo kay Kristo. Suot Niya ang koronang tinik. Wala Siyang damit, bukod pa sa Kanyang kasuutang pang-ilalim. Dumudugo ang Kanyang Katawan. Sa unang tingin, kawawa na talagang tingnan ang Panginoong nakabayubay sa krus.
Hindi lang noong ipinako si Hesus sa krus makikita ang Kanyang karukhaan. Noong iniharap ni Pilato si Hesus sa madla, sinabi niya, "Narito ang tao!" (Juan 19, 5) Dumadaloy ang Dugo mula sa Katawan ni Hesus. Suot Niya ang koronang tinik. Hinampasan pa ang Katawan ni Hesus. Mukhang inosente si Hesus. Mukhang dukha si Hesus. Kawawa si Hesus, sa unang tingin pa lamang.
Ang karukhaang ipinamalas ni Hesus buong buhay Niya at noong Siya ay ipinako sa krus ay nakakabighani. Sino ang hindi maaakit sa karukhaang ipinamalas ni Hesus sa krus? Sino ang hindi maaakit na lumapit kay Hesus na nag-alay ng sarili para sa atin? Sino ang hindi maaakit sa habag, pagdamay at pag-ibig sa atin ng Panginoon na nakabayubay sa krus?
Si Hesus ay nagpakadukha alang-alang sa atin. Nagpakababa Siya, naging tao, at nabuhay ng isang buhay na payak at puno ng karukhaan. Ipinapakita sa atin ni Hesus ang Kanyang pakikiisa sa ating karukhaan. Kahit gaano mang karami ang ating kayamanan dito sa mundo, may pagkadukha din tayo. Kahit gaano mang karami ang ating pera, tayo ay dukha pa rin. Dukha pa rin tayo dahil kailangan natin ang Diyos. Tayong lahat ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Lahat tayo ay mga aba sa paningin ng Diyos.
Ang kayamanan at kapangyarihan ay hindi masama. Subalit, nagiging masama na ito kapag ginamit natin ito sa masasamang paraan. Paano nating ginagamit sa masasamang paraan ang kayamanan? Sa pagiging maramot, ganid, gahaman, at kayabangan. Inaabuso natin ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Sa halip na magbunga ng kabutihan ang mga biyaya ng Diyos sa atin, ginagamit na natin ito sa masasamang paraan.
Pagmasdan natin ang Panginoong Hesus na nakabayubay sa krus. Kahit Siya ay Diyos, hinubaran Niya ang Kanyang pagka-Diyos at naging tao katulad natin. Sa Kanyang pagpapakadukha, ipinapakita ng Panginoong Hesukristo ang Kanyang pakikiisa sa ating lahat. Ipinapakita sa atin ng Panginoon ang taliwas ng pagmamataas at pagmamarot. Hindi nagmayabang o naging maramot ang Panginoon dito sa lupa. Bagkus, nagpakababa ang Panginoon at inihain ang Kanyang buhay para sa ating lahat.
Mahirap magpakababa, lalung-lalo na sa panahon ngayon. Tinuturo tayong lahat ng sistema, lalung-lalo na ang mga kabataan, na may mga pagkakataon kung kailan dapat magyabang. Kapag nakakuha ng bagong sasakyan, pwedeng na niyang ipagyabang. Kapag mas mataas ang grado ng isang estudyante sa kanyang kaibigan, pwede niyang ipagyabang iyon. Kapag naging kasintahan na ng isang lalaki ang crush ng buong tropa, pwede na niyang ipagyabang iyon. Pwede naman nating ipagmalaki iyon, pero huwag naman nating paghaluan ng yabang ang pagmamalaki natin sa ating mga tagumpay sa buhay.
Sa krus ng Kalbaryo, ipinagmalaki ni Hesus ang Kanyang pag-ibig, awa at pagdamay sa ating lahat. Inalay ni Hesus nang buong pagpapakumbaba at pagpapakadukha ang Kanyang buhay para sa ating kaligtasan. Habang Siya'y nakabayubay sa krus, tinuturuan tayo ni Hesus na ang pagpapakumbaba at pagpapakadukha ay tanda ng pagmamahal. Kahit Siya'y dukha noong nabubuhay Siya sa mundo, ibinigay ni Hesus ang pinakamahalagang biyaya - ang pag-aalay ng Kanyang sarili sa krus.
Ating pagmasdan at tularan ang karukhaan at ang pagpapakumbaba ni Hesus. Ipinakita ni Hesus ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Kanyang pagiging dukha at pagpapakumbaba. Tayo ay nailigtas at nabubuhay ngayon dahil sa pagpapakababa at pagmamahal ni Hesus na nagpakadukha.
REFLECTIVE SONG: "Pagkabighani" (Bukas Palad Music Ministry)

PAG-ALAALA SA KALIGTASAN DULOT NI KRISTO
Abril 2, 2015
Huwebes Santo
Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon
Exodo 12, 1-8. 11-14/Salmo 115/1 Corinto 11, 23-26/Juan 13, 1-15
Sinisimulan natin ang Banal na Tatlong Araw o ang Banal na Triduo. Sa unang araw ng Banal na Triduo, ginugunita natin ang Huling Hapunang pinagsaluhan ng Panginoong Hesukristo at ng Kanyang mga alagad. Napakahalaga ang mga huling sandaling magkakasama ang Panginoong Hesukristo at ang mga alagad. Alam ng Panginoong Hesus na nalalapit na ang oras ng Kanyang kamatayan. Kaya, magkasamang ipinagdiwang ng Panginoong Hesus ang Hapunang Pampaskuwa kasama ang Kanyang mga alagad.
Ang Paskuwa ay ang pinakamahalagang pagdiriwang ng mga Hudyo. Ginugunita nila ang pagpapalaya ng Diyos sa kanilang mga ninuno noong sila'y mga alipin sa Ehipto. Pinalaya ng Diyos ang bayang Israel na naging alipin sa Ehipto sa loob ng mahabang panahon. Iniligtas ng Diyos ang bayang Israel mula sa huling salot sa Ehipto. Pinatay ang isang kordero o bisirong kambing, at ang dugo nito ay inilagay sa pintuan ng kanilang mga tirahan.
Sa pamamagitan ng dugo ng korderong inilagay ng mga Israelita sa mga pintuan ng kanilang mga tirahan, iniligtas sila ng Diyos mula sa pinakahuling salot sa Ehipto. Ang mga panganay na lalaki ay papatayin ng Diyos, kabilang na doon ang panganay na lalaki ng Faraon. Kaya, mahalaga para sa mga Hudyo ang kordero. Sa pamamagitan ng dugo ng kordero, iniligtas at pinalaya ng Diyos ang bayang Israel mula sa kaalipinan sa Ehipto.
Hindi lamang iyon ang dahilan kaya napakahalaga ang kordero para sa mga Hudyo. Ang kordero ay inihahain ng mga Hudyo sa Diyos bilang pagbabayad-puri sa kanilang mga kasalanan. Sa dinami-dami siguro ng mga kasalanang nagawa ng mga tao noon, maraming mga inosenteng kordero ang pinatay. Ang kordero ay kilala bilang isang pinakainosenteng hayop. Kaya, dahil walang dungis ang isang kordero, ito'y inihahain ng mga Hudyo bilang tanda ng paghingi ng kapatawaran sa Diyos mula sa kanilang mga kasalanan.
Isang bagong kordero ang natunghayan natin sa Bagong Tipan - si Hesus. Si Hesus ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, katulad ng sinabi ni San Juan Bautista (Juan 1, 29; Juan 1, 36). Kahit nagkatawang-tao si Hesus katulad natin, hindi Siya nagkasala kahit kailan. Hindi dinungisan ng kasalanan si Hesus. Bagkus, si Hesus ay nanatiling perpekto, walang dungis, at walang kasalanan. Kaya tinatawag natin Siyang, "Kordero ng Diyos."
Sa Huling Hapunang pinagsaluhan ni Hesus at ng mga alagad, kumuha si Hesus ng tinapay at hinati iyon sa dalawa. Kinuha din ni Hesus ang kopa ng alak. Ibinigay ni Hesus ang mga iyon sa mga alagad. Ang tinapay at alak ay naging Katawan at Dugo ni Kristo. Inihain ni Kristo ang Kanyang Katawan sa krus sa Kalbaryo at dumaloy ang Dugo mula sa Kanyang Katawan. Binilin pa ni Kristo sa mga alagad, "Gawin ninyo ito bilang pag-alala sa Akin." (1 Corinto 11, 24)
Nais ni Hesus na maalala natin Siya. Kaya itinatag Niya ang pagdiriwang ng Banal na Misa. Sa tuwing ipinagdiriwang natin ang Banal na Misa, ginugunita natin ang sakripisyo ni Hesus sa Kalbaryo. Inihain ni Kristo ang Kanyang sarili sa Kalbaryo. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang Katawan at Dugo sa krus sa Kalbaryo, iniligtas at pinalaya tayo ni Hesus mula sa kaalipinan ng kasamaan at kasalanan.
Sa pagpapatuloy ng ating paggunita sa Banal na Tatlong Araw, atin pong alalahanin ang kaligtasan dulot ni Kristo. Tinamo ng Panginoon ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang Katawan at Dugo sa Kalbaryo. Sa pamamagitan ng pagkamit ng kaligtasan para sa atin, ipinakita ng Panginoon ang Kanyang paglilingkod at pagmamahal sa atin.

GAANO KAHALAGA SA IYO ANG PANGINOONG HESUS?
Abril 1, 2015
Miyerkules Santo
Isaias 50, 4-9a/Salmo 68/Mateo 26, 14-25
Sa ating Ebanghelyo, natunghayan natin kung paanong sumang-ayon si Hudas Iskariote sa mga Pariseo na ipagkanulo si Hesus. Nakipagkasundo si Hudas Iskariote na ipagkanulo si Hesus kapalit ng tatlumpung pirasong pilak. Tatlumpug pirasong pilak ang halaga ni Hesus. Ibinenta lamang si Hesus ni Hudas Iskariote. Pagkatapos ng matagal na panahon na kanilang pinagsambahan, si Hesus ay binenta ni Hudas Iskariote sa mga Pariseo at mga matatanda ng bayan.
Napakasakit para sa atin bilang tao na talikuran tayo ng ating kaibigan, lalung-lalo na ang pinakamatalik na kaibigan. Pagkatapos ng inyong mahabang samahan, tinalikuran ka bigla ng iyong pinakamatalik na kaibigan. Ang lahat ng mga oras na pinagsamahan ninyo ay binalewala na lamang niya.
Kahit palihim na nakipagkita si Hudas Iskariote sa Sanedrin, alam ng Panginoong Hesus na ipagkakanulo Siya ni Hudas. Hindi na kailangan ng Panginoong Hesus ng makapagsasabi sa Kanya kung ano ang plano ni Hudas. Kahit ano pang gawin ni Hudas, hindi niya maitatago kay Hesus ang kanyang planong ipagkanulo Siya. Alam ng Panginoong Hesukristo na binalewala ni Hudas Iskariote ang matagal nilang pagsasama. Alam ng Panginoong Hesukristo sa simula pa lamang na ipagkakanulo Siya ng isa sa Kanyang mga alagad.
Tatlumpung piraso ng pilak. Napakasakit siguro para kay Hesus na isipin na hindi na kaibigan ang turing sa Kanya ni Hudas Iskariote. Pagkatapos kaibiganin ni Hesus si Hudas Iskariote nang matagal na panahon, ganito ang ginawa ni Hudas. Si Hesus ay nilagyan ni Hudas ng presyo sa ulo.
Naalala ko po tuloy ang kwentong ibinahagi ni Cardinal Tagle noong pinangunahan niya ang Misa ng Linggo ng Palaspas noong nakaraang taon sa Manila Cathedral. Ibinahagi niya ang isang pangyayari noong siya'y Obispo pa lamang ng Imus, Cavite. Sa isang Kumpilan sa basketbolan, tinanong niya ang mga kabataan, "Alin ang mas mahalaga? Ang Misa o tatlumpung milyong dolyar?" Dinaig pa ng koro ang sagot ng mga kabataan, "Tatlumpung milyong dolyar!"
Tingnan po ninyo, napakadaling pagpalitan ang Diyos. Maaaring piliin nating mag-aral kaysa manood ng TV. Maganda iyan. Kailangang mag-aral tayo nang mabuti. Dapat hindi tayo nagbubulakbol. Pero, tatlumpung milyong dolyar kaysa ang Diyos? Napakasakit isipin iyon! Ang halaga ba ng Diyos, tatlumpung milyong dolyar? Alam kong karamihan sa atin ay hindi mga milyonaryo, pero dapat nating malaman na hindi natin maipagpapalit ang Diyos.
Sa panahon ngayon, halos wala na tayong panahon para sa Diyos. Kahit ang magdasal sa gabi bago matulog, parang balewala lamang iyon. Kahit sabihin pa naman nating, "Katoliko ako!" hindi binibigyan ng panahon ang Diyos. Mahirap ba ang magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati bago matulog?
Pagnilayan natin ang katananungang ito ngayong Miyerkules Santo. Tanungin natin ang ating mga sarili, "Gaano ba kahalaga sa akin ang Panginoong Hesus?" Gaano ba kahalaga ang Panginoon sa buhay mo? May halaga ba ang Panginoon sa buhay mo? Ipagpapalit mo ba ang Panginoon, katulad ng ginawa ni Hudas? Mananatili ka bang tapat sa Panginoon?

Sabado, Marso 28, 2015
KATULAD NI HUDAS AT NI PEDRO, MAY MGA KAHINAAN DIN TAYO
Marso 31, 2015
Martes Santo
Isaias 49, 1-6/Salmo 70/Juan 13, 21-33. 36-38
Alam ni Hesus kung ano ang mangyayari sa Kanya. Alam Niya na dalawa sa Kanyang mga alagad ang may malaking papel sa salaysay ng Kanyang pagpapakasakit at pagkamatay. Ipagkakanulo si Hesus ni Hudas Iskariote. Tatlong beses namang ipagkakaila ni San Pedro Apostol na kilala niya ang Panginoong Hesus. Masakit man isipin iyon, alam ni Hesus na mangyayari ang mga iyon.
Subalit, magkaiba ang nangyari kina San Pedro Apostol at Hudas Iskariote pagkatapos gampanan ang kanilang papel sa Mahal na Pasyon ng Panginoon. Nagsisi silang dalawa pagkatapos magawa nila ang kanilang pagtalikod sa Panginoon. Nanghinayang sila na hindi nila naipagtanggol si Kristo. Pero, magkaiba ang ginawa nila.
Nagpakamatay si Hudas Iskariote dahil para sa kanya, wala nang pag-asa. Hindi siya nanalig sa pag-asa ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Para sa kanya, huli na ang lahat. Hindi na siya makakapagsisi sa kasamaang ginawa niya sa Panginoon. Kaya, nagbigti si Hudas Iskariote.
Iba naman ang ginawa ni San Pedro Apostol pagkatapos niyang ipagkaila nang tatlong ulit ang Panginoong Hesus. Nanangis siya, katulad ni Hudas Iskariote. Pero, sa halip na magpakamatay, si San Pedro Apostol ay nananalangin sa Diyos upang patawarin siya. Nananalig siya na muling mabubuhay ang Panginoon. Hindi pa man naintindihan ni San Pedro Apostol ang mga nangyayari, nananalig siya sa pangako ng Panginoon na Siya'y muling mabubuhay.
Katulad ni Hudas Iskariote at ni San Pedro Apostol, may mga kahinaan din tayo. Alam din iyon ng ating Panginoon. Bilang tao, may mga kahinaan tayo. Subalit, ano ang gagawin natin kapag tayo ay nagkasala laban sa Diyos at kapwa-tao? Nawa'y humingi tayo ng kapatawaran sa ating Panginoon at sa ating kapwa-tao. Walang makakahadlang o makahihigit sa awa at grasya ng Panginoon.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)

.jpg)