18 Disyembre 2015
Ikatlong Araw ng Simbang Gabi/Misa de Gallo (ABK)
Jeremias 23, 5-8/Salmo 71/Mateo 1, 18-24
Binibigyang diin ng Ebanghelyo ngayong Ikatlong Araw ng Simbang Gabi o Misa de Gallo ang salaysay ng pagtanggap ni San Jose sa Mahal na Birheng Maria at sa Panginoong Hesus. Tinanggap ni Jose sina Maria at Hesus sa kanyang buhay bilang kanyang pamilya. May plano ang Diyos para kay Jose - tumayo bilang ama ni Hesus dito sa sanlibutan. Pinili ng Diyos na lumaki bilang anak ng isang lalaki at isang babae. Pinili ng Diyos na magkaroon ng isang pamilya.
Walang balak si Maria na mabuntis sa maagang edad. Si Maria'y isang dalaga na namumuhay ng payak sa Nazaret. Namumuhay siya kasama ng kanyang mga magulang na sina Santa Ana at San Joaquin noong kapanahunang yaon. Ayon pa nga sa Ebanghelyo, ikakasal si Maria kay Jose nang siya'y magdalantao. Hindi pinlano ni Maria na magdalantao sa murang edad. Kung kailan hindi pa nagaganap ang kasal, saka pa nabuntis si Maria. Isang mabigat na eskandalo ito sa kapanahunang yaon. Aakusahan si Maria ng pakikiapid sapagkat siya'y natagpuang buntis sa labas ng kasal.
Si Jose naman ay isang karpintero sa Nazaret. Galing siya sa Betlehem, subalit nakatira siya sa Nazaret noong kapanahunang yaon. Masipag siya sa kanyang hanapbuhay bilang karpintero. Naghahanap-buhay si Jose para sa kanyang kasalukuyang pamilya, at sa kanyang magiging pamilya. Ikakasal na si Jose kay Maria, kaya puspusan na siguro ang kanyang paghahanap-buhay upang maayos ang pagsisimula ng kanilang buhay mag-asawa.
Noong nabalitaan ni San Jose na nabuntis ang Mahal na Ina sa labas ng kasal, nagkaroon na siya ng pagdududa. Bakit nabuntis si Maria sa labas ng kasal? Malapit na silang ikasal, bakit ngayon pa siya nabuntis? Bakit hindi hinintay ni Maria si Jose? Bakit dinaya o niloko ni Maria si Jose? Bakit nakipagtalik si Maria sa ibang lalaki? Punung-puno ng pagmamahalan ang relasyon nina Jose at Maria. Bakit nagkaganon si Maria? Bakit siya nakipag-relasyon sa ibang lalaki? Bakit siya nakipag-relasyon sa iba, kahit alam niyang ikakasal siya?
Ang pagiging buntis sa labas ng kasal ay mabigat na eskandalo noong kapanahunang yaon. Ito'y isang palatandaan na nakiapid ang isang babae sa ibang lalaki. Nagtalik sila sa labas ng kasal. Dahil sa bigat ng kasalanang ito noong kapanahunang yaon, mabigat ang kaparusahan nito. Ihahatak ang mga nakiapid patungo sa isang pampublikong lugar, katulad ng isang plaza. Pagkatapos, ibabato ang mga nakiapid hanggang sa sila'y namatay.
Isang kumplikadong sitwasyon ito para kina Maria at Jose. Ayon pa nga sa Ebanghelyo, matuwid na tao si Jose. Hindi makakagawa ng ganitong bagay si Jose sapagkat siya'y isang matuwid na Hudyo. Masunurin si Jose sa batas ng mga Hudyo. Buong puso niyang sinusunod ang batas ng mga Hudyo. Ayaw niyang suwayin ang batas ng mga Hudyo. Alam din ni Jose na wala siyang kinalaman sa pagbubuntis ni Maria bago siya ikinasal. Isang napakakumplikado, napakagulo, at nakakalitong sitwasyon. Ano nga ba ang nangyari? Ano ba ang totoo? Sino ang nagsasabi ng katotohanan? Ano ba ang talagang nangyari?
Bakit nga ba nangyari ito? Si San Mateo ang nagpaliwanag sa pagpapatuloy ng salaysay. Ang Anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa panaginip. Ipinaliwanag ng anghel ang dahilan ng pagdadalantao ni Maria sa labas ng kasal. Hindi nakiapid si Maria sa ibang lalaki. Hinding-hindi niloko ni Maria si Jose. Walang ibang ka-relasyon si Maria. Bagkus, kalooban ng Diyos ang naganap. Nabuntis si Maria dahil kagustuhan ito ng Diyos. Bakit? Sapagkat hindi pangkaraniwan ang sanggol na dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Ang dinadala ni Maria sa kanyang sinapupunan ay ang Anak ng Diyos at ang Mesiyas - si Hesus. Ang pagdadalantao ni Maria ay kalooban ng Diyos, hindi bunga ng pakikipag-relasyon sa ibang lalaki.
Sinugo ng Diyos si Hesus upang maging Tagapagligtas at Mesiyas ng sanlibutan. Hinirang ng Diyos si Maria upang maging ina ni Hesus. Mananahan si Hesus sa sinapupunan ni Maria sa loob ng siyam na buwan. Sa gayon, makikita natin na si Maria ang Kaban ng Bagong Tipan. Dinala ni Maria sa kanyang tiyan si Hesus, ang Bagong Tipan. Hinirang din ng Diyos si Jose upang maging ama-amahan ni Hesus dito sa mundo. Ang Banal na Pamilya nina Hesus, Maria, at Jose ay binuo ng Diyos para sa Kanyang dakilang plano ng pagliligtas sa sanlibutan.
Lumaki si Hesus sa isang pamilya katulad natin. Ipinapakita ni Hesus na kahit Siya ang Diyos, kaisa Niya tayo. Naging tao ang Diyos Anak upang ipakita at ipadama sa atin ang Kanyang awa at habag sa sangkatauhan. Bumaba Siya mula sa langit at nanahan sa tiyan ng isang birhen sa loob ng siyam na buwan. Lumaki ang Panginoong Hesus sa isang pamilya na binuo ng isang babae at isang lalaking magkabiyak sa katauhan ng Mahal na Birheng Maria, ang maluwalhating laging birhen, at ni San Jose na tumayo bilang Kanyang ama-amahan sa daigdig.
Kaya’t tinanong ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.” (Juan 6, 67-68)
Lunes, Disyembre 14, 2015
Linggo, Disyembre 13, 2015
HESUS: NAPABILANG SA ANGKAN NG MGA MAKASALANAN DAHIL SA AWA NG DIYOS
17 Disyembre 2015
Ikalawang Araw ng Simbang Gabi/Misa de Gallo (ABK)
Genesis 49, 2. 8-10/Salmo 71/Mateo 1, 1-17
Ang Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa lahi ng Panginoong Hesukristo. Nagmula ang Panginoong Hesus mula sa angkan ng mga kasalanan. Mga makasalanan ang mga ninuno ni Hesus. Katulad nina Jacob, Juda, David, at Solomon. Ninakaw ni Jacob ang karapatan at basbas ng kanyang amang si Isaac na nakalaan para sa kanyang kambal na si Esau. Si Juda at ang kanyang mga kapatid ang nagbenta sa kanilang nakababatang kapatid na si Jose. Pinagpaslang ni Haring David ang asawa ni Batseba na si Urias, at nakiapid. Si Haring Solomon naman ay nag-asawa ng maraming mga babaeng dayuhan, kahit na labag ito sa Panginoong Diyos. Tinalikuran ni Solomon ang Diyos na Siyang nagbigay ng karunungan sa kanya noong siya'y bagong hari pa lamang.
Bakit nga ba pinayagan ng Diyos na maging kabilang sa lahi ng mga makasalanan ang Panginoong Hesukristo? Hindi ba pwedeng isugo na lang si Hesus nang dire-diretsyo? Hindi ba't maaaring bumaba si Hesus mula sa langit sa Kanyang dakila at maningning na Anyo? Kung gugustuhin ni Hesus, maaari sanang bumaba si Hesus mula sa langit, punung-puno ng kadakilaan at kaluwalhatian. Hindi na mapapabilang si Hesus sa lahi ng mga makasalanan kung gayon ang nangyari. Bakit pinayagan ng Diyos na mapabilang si Hesus sa lahi ng mga makasalanan?
Una, ipinapakita ng Diyos ang Kanyang awa sa mga makasalanan. Si Hesus ay naging kabilang ng lahi ng mga makasalanan upang ipakita sa lahat ang Kanyang Banal na Awa sa mga makasalanan. Nais Niyang ipadama ang Kanyang Awa sa mga makasalanan. Kahit gaanong kasama ang kasalanan ng bawat tao, hindi iyan mapapantayan ang Awa ng Diyos. Ang Awa ng Panginoon ay higit na dakila kaysa sa dinami-daming mga makasalanan. Walang kasalanan, kahit gaano pa mang kasama, ang mas makapangyarihan at mananaig laban sa Awa ng Diyos.
Pangalawa, ipinapakita ng Diyos ang Kanyang awa sa mga nagdurusa. Binanggit dito sa talaan ang panahon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia. Panahon iyon nina Propeta Daniel, Haring Nabucodonosor, atbp. Nagdusa ang mga Israelita noong nagkawatak-watak sila dahil sa pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia. Nananalangin ang buong bayang Israel sa Babilonia upang palayain sila mula sa kaalipinan sa Babilonia.
Hindi lamang iyan ang pagkakataon kung kailan nagdusa ang mga Israelita, noong kapanahunan ni Moises. Bagamat hindi ito nabanggit sa talaan ng angkan ni Kristo, makikita natin sa salaysay ng pagpapalaya ng Diyos sa Kanyang bayan mula sa kaalipinan sa Ehipto. Ilang taon nang naranasan ng mga Israelita ang kalupitan ng mga Ehipsiyo. Napakahaba ang panahon ng kanilang paghihirap sa Ehipto. Nanalangin ang buong bayan ng Israel noong kapanahunang yaon na sila'y palayain mula sa kaalipinan sa Ehipto. At nagkatotoo nga. Dahil sa awa ng Diyos, sinugo Niya si Moises upang maging Kanyang tagapagsalita sa Faraon at tagapagpalaya ng mga Israelita.
Sina Adan at Eba, ang unang mga ninuno ng sangkatauhan, ang unang makasalanan. Perpektong-perpekto sana sila, subalit nagkasala sila laban sa Diyos noong kinain nila ang bunga mula sa puno ng karunungan tungkol sa kabutihan at kasamaan, ang puno sa gitna ng halamanan ng Eden. Pumasok ang kasalanan sa daigdig sa pamamagitan ng kasalanan nina Adan at Eba. Nagpadaig sina Adan at Eba sa tukso, sa halip na sundin ang utos ng Diyos.
Maawain ang Diyos sa mga taong marupok. Salamat sa Diyos sa Kanyang Dakilang Awa sa ating lahat, mga taong marupok! Kung hindi maawain ang Diyos, matagal tayong namuhay bilang mga alipin ng kasamaan at kasalanan. Kung walang Awa ng Diyos, hindi sana pumarito si Hesus upang tayo'y tubusin at palayain mula sa ating mga kasalanan. Ang plano ng kaligtasan ng Diyos para sa sangkatauhan dahil sa Kanyang Dakilang Awa ay natupad sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Naparito si Kristo upang tuparin ang kaligtasang ipinangako ng maawaing Diyos sa Kanyang bayan.
Naging tao si Hesus upang ipakita at ipadama sa buong sansinukob ang Banal at Dakilang Awa ng Diyos. Bagamat perpekto, pinili ni Hesus na mapabilang sa angkan ng mga makasalanan dahil sa Awa ng Diyos. Hindi nagkasala kahit kailan si Hesus, noong Siya'y naparito sa mundo. Pinasan Niya ang ating mga kasalanan at inihandog sa Ama alang-alang sa ating lahat, mga mahihinang makasalanan.
Ikalawang Araw ng Simbang Gabi/Misa de Gallo (ABK)
Genesis 49, 2. 8-10/Salmo 71/Mateo 1, 1-17
![]() |
| (Photo courtesy: http://manilacathedral.ph/) |

HESUS: ISINUGO UPANG MAGING MAAWAING TAGAPAGLIGTAS
16 Disyembre 2015
Unang Araw ng Simbang Gabi/Misa de Gallo (ABK)
Isaias 56, 1-3a. 6-8/Salmo 66/Juan 5, 33-36
Sa simula ng Siyam na Araw ng Simbang Gabi o Misa de Gallo, mapapakinggan natin sa Ebanghelyo na nagpapatotoo si Hesus tungkol sa Kanyang sarili. Ipinahayag ng Panginoong Hesus na ginagawa Niya ang ipinapagawa sa Kanya ng Ama. May dahilan ang pagparito ng Panginoong Hesus. Napakahalaga ang kailangang gawin ni Hesus noong Siya'y pumarito sa daigdig. Sinugo ng Ama si Hesus upang tubusin ang Kanyang bayan. Si Hesus ang Mesiyas at ang Manunubos na ipinangako ng Diyos na susuguin sa Kanyang bayan.
Walang ibang dahilan ang pagparito ni Hesus. Iisa lamang ang Kanyang misyon sa mundo - iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Subalit, hindi Siya nagpakita agad. Nauna si San Juan Bautista sa Panginoong Hesus. Noong lumitaw si San Juan Bautista, inihanda niya ang daraanan ng Panginoon hanggang sa Siya'y lumitaw. Itinuro ni San Juan Bautista sa kanyang mga tagapakinig na ang kanyang kamag-anak na si Hesus ang Mesiyas na hinihintay ng bayang Israel.
Ang mga ginagawa ni Hesus ay nagpapakilala kung sino Siya. Hindi lamang ang mga salita ni Juan Bautista tungkol sa Kanya ang nagpapatotoo kung sino si Hesus. Ipinapakilala ni Hesus ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawa. Ang mga gawain ni Hesus ay ang mga pinapagawa sa Kanya ng Ama. Subalit, hindi Siya nakilala o tinanggap ng Kanyang bayan bilang Mesiyas na hinintay nila sa loob ng mahabang panahon.
Noong pumarito si Hesus sa sanlibutan, tinaglay Niya ang awa at liwanag ng Diyos. Ang awa at liwanag ng Diyos ay nakita ng sanlibutan sa pamamagitan ni Hesus, subalit hindi Siya nakilala ng sanlibutan bilang Mukha ng maawaing Diyos na nagbibigay-liwanag. Sa mata ng Kanyang mga kababayan, si Hesus ay anak ni Maria, isang dalaga mula sa Nazaret. Siya ang anak ng isang karpintero na ang pangala'y Jose. Ayon sa Kanyang mga kababayan, si Hesus ay isang karpintero, at isang mabuting Guro. Kaunti lang ang nakakakilala sa Kanya bilang Mesiyas.
Hindi pumarito si Hesus upang kontrolin Siya ng mga tao. Hindi pumarito si Hesus para gawing hari o bigyan ng isang makamundong posisyon sa pulitika. Bagkus, naparito si Hesus upang tuparin ang kaligtasang ipinangako ng Diyos. Nangako ang Diyos na ililigtas Niya ang Kanyang bayan mula sa kaalipinan dulot ng kasamaan at kamatayan, subalit ang paraan ng pagliligtas ng Diyos ay walang katulad. Hindi ito inaasahan ng mga tao. Isang sorpresa mula sa Diyos ang Kanyang plano. May plano ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, subalit hindi ito sa paraan na inaasahan o inaakala ng karamihan.
Kahit hindi man nakilala o inaasahan ng mga tao na si Hesus nga ang katuparan ng pangakong binitiwan ng Diyos sa Kanyang bayan, hindi ito nagpaapekto sa Kanya. Hindi nagpaapekto si Hesus sa anumang iisipin ng Kanyang kababayan tungkol sa Kanyang mga gawain. Bagkus, patuloy Niyang sinunod ang kalooban ng Diyos. Tumalima at sumunod Siya sa kagustuhan ng Diyos. Kaya nga pumarito si Hesus - upang tuparin ang kaligtasang ipinangako ng Diyos sa Kanyang bayan.
Isinugo ng Diyos ang Mesiyas sa katauhan ng Diyos Anak na si Hesus. Subalit, naparito ang Diyos Anak upang maging maawaing Mesiyas at Tagapagligtas. Kalooban ito ng Diyos. Bagamat iba ang inaasahan at inaakala ng mga tao patungkol sa Mesiyas, hindi iyon sinunod ni Hesus. Bagkus, sinunod ni Hesus ang kalooban ng Ama. Bilang Mesiyas at Manunubos, ipinahayag Niya sa lahat, sa pamamagitan ng Kanyang mga wika at gawain, ang Liwanag dulot ng Banal at Dakilang Awa ng Panginoong Diyos.

KAGALAKAN SA PANGAKO NG MAAWAING PANGINOON
13 Disyembre 2015
Ikatlong Linggo ng Adbiyento (K)
"Linggo ng Kagalakan" (Linggo ng Gaudete)
Sofonias 3, 14-18a/Isaias 12/Filipos 4, 4-7/Lucas 3, 10-18
Kagalakan ang tema ng Ikatlong Linggo ng Adbiyento. Sa halip na lila ang kulay ng damit ng mga pari ngayong Linggo, kulay rosas ang suot ng mga pari sa Misa ngayon. Ang kulay rosas ay kumakatawan sa kagalakan. Ang Pambungad na Antipona ngayong Linggo ay hango sa mga unang linya ng Ikalawang Pagbasa sa Misa ngayong Linggo, "Magalak nang palagian sa Poon nating marangal. Darating ang hinihintay, ating pinananabikan Panginoon nating mahal." (Filipos 4, 4-5) Ganun din ang tugon sa ating Salmo ngayon, "D'yos na kapiling ng bayan ay masayang papurihan." (Isaias 12, 6)
Ano nga ba ang dapat ikagalak? Dapat nga ba tayong magalak dahil malapit na ang Kapaskuhan? Malapit ba tayong makapagpahinga mula sa ating mga pasok? Matatanggap na natin ang ating mga Christmas bonus mula sa mga trabaho natin? Bakit dapat tayong magalak, kahit sa isang linggo pa ang Pasko?
May isang napakahalagang dahilan kung bakit dapat tayong magalak. Dapat tayong lahat na magalak sapagkat ang Panginoon ay maawain. Nitong mga nakaraang araw, lalung-lalo na noong Dakilang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion ay binuksan natin ang Extraordinaryong Hubileyo ng Awa na may temang, "Maawain tulad ng Ama." Ang Awa ng Panginoong Diyos ay banal at dakila. Ang Awa ng Panginoon ang dahilan ng ating kagalakan. Sa Awa ng Panginoon nagmumula ang lahat, lalung-lalo na ang ating kagalakan.
Ipinahayag ni propeta Sofonias sa Unang Pagbasa na dapat tayong umawit nang buong kagalakan sa Panginoon. Ang Diyos ay dapat awitan nang buong kagalakan. Nangako ang Panginoon na ililigtas Niya ang Kanyang bayang Israel. Nangako ang Panginoon na darating Siya upang iligtas ang Kanyang bayan mula sa mga kaaway. Tinupad nga ng Diyos ang pangakong ito sa pamamagitan ni Hesus. Si Hesus ang tumupad sa pangako ng maawaing Diyos. Si Hesus ang Mesiyas at Tagapagligtas na pinangakong susuguin ng Diyos sa Kanyang bayan.
Ganito rin ang panawagan ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos. Nananawagan si Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos na laging magalak sa Panginoon. Malapit na ang pagdating ng Panginoon. Malapit nang matupad ang pangako ng Panginoon Niya sa atin. Darating muli ang Panginoon. Bukod pa roon, ang kabutihang-loob ng Diyos ang isa sa napakaraming dahilan upang pasalamatan ang Panginoon. Sa Panginoon nagmula ang lahat ng bagay, at dapat natin Siyang pasalamatan nang buong kagalakan.
Sa Ebanghelyo, natunghayan natin na ipinahayag ni San Juan Bautista sa kanyang mga tagapakinig sa Ilog Jordan ang lahat tungkol sa kanyang sarili. Ipinapakilala ni Juan Bautista ang kanyang sarili sa kanyang mga tagapakinig. Marami na ang nag-aakalang si San Juan Bautista na ang Mesiyas. Kaya, ipinakilala niya ang kanyang sarili at kung bakit siya nagbibinyag. Hindi siya ang Mesiyas, subalit ang Mesiyas ay darating kasunod niya.
Naghintay sa loob ng mahabang panahon ang bayang Israel para sa pagdating ng kanilang Manunubos, ang Mesiyas. Ipinapahayag ngayon ni San Juan Bautista na malapit nang dumating ang Manunubos. Ang pagbibinyag na ginagawa ni San Juan Bautista ay sa tubig bilang tanda ng pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos. Pinaghahandaan ni San Juan Bautista ang lahat para sa pagdating ng Mesiyas na Siyang magliligtas sa bayan ng Diyos. Sa pagdating ng Mesiyas, matutupad ang kaligtasang ipinangako ng Diyos sa Kanyang bayan.
Ang pahayag ni San Juan Bautista tungkol sa pangako ng Panginoong maawain ay dapat ikagalak ng lahat. Matutupad ang pangako ng Panginoon. Tinutupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako sa atin dahil sa Kanyang Dakilang Awa sa atin. Napakadakila ang awa ng Panginoon sa atin. Hinding-hindi Siya nakakalimot sa Kanyang mga pangako sa atin. Lagi Niyang inaalala at tinutupad ang Kanyang mga pangako sa sangkatauhan.
Tapat ang Panginoon sa Kanyang mga pangako sa atin. Dapat nga natin itong ikagalak. Dapat tayong magalak sa mga pangako ng Panginoon. Walang pagkakataong kung saan nakalimot ang Diyos sa Kanyang mga pangako. Lagi Niya itong tinutupad. Sa pagtupad ng Kanyang pangako sa sangkatauhan, ipinapakita Niya sa buong sanlibutan ang Kanyang Banal at Dakilang Awa.

Lunes, Disyembre 7, 2015
MARIA: INA NI HESUS, ANG HABAG NG DIYOS
12 Disyembre 2015
Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe
Zacarias 2, 14-17/Judith 13/Lucas 1, 26-38
"Hindi ba't ako'y narito, akong iyong ina?" (Mga salita ng Mahal na Birheng Maria noong nagpakita siya kay San Juan Diego sa Guadalupe)
Ina rin po natin ang Mahal na Birheng Maria. Si San Juan Apostol ang kumakatawan sa atin, ang sambayanang Kristiyano, noong si Maria ay nasa paanan ng krus ni Hesus. Noong binigkas ni Hesus ang salitang, "Ginang, narito ang iyong anak...Narito ang iyong ina!" (Juan 19, 25-27), ipinapakilala Niya kay Maria ang buong sambayanang Kristiyano at ipinapakilala din tayo ni Hesus sa Kanyang Inang si Maria. Kapatid na rin natin si Hesus.
Noong unang nagpakita ang Mahal na Ina kay San Juan Diego sa Guadalupe, Mexico, ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang ina ng Diyos at ina ng sambayang Kristiyano. Ang tawag pa nga ng Mahal na Birheng Maria kay San Juan Diego, "Mahal kong anak..." Dito ipinapakita ni Maria kung paano niya tayong inaaruga at inaalagaan bilang ating ina. Tayong lahat ay tinuturing anak ni Maria sapagkat tayo'y ipinagkatiwala sa kanya ni Hesus.
Ang pagninilay ay hango sa tema ng Piyesta ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Gudalupe sa Guadalupe Nuevo, Lungsod ng Makati. Binibigyang diin ng tema ng Piyesta ng Dambana ng Mahal na Birhen ng Guadalupe na ang Mahal na Birheng Maria Ina ni Hesus at Ina ng Awa. Tinaglay ni Hesus ang Dakilang Awa at Habag ng Diyos noong Siya'y nagkatawang-tao at ipinanganak ni Maria. Kung titingnan natin nang mabuti ang larawan ng Mahal na Ina ng Guadalupe, mayroon siyang bigkis na sinusuot. Ang bigkis, noong kapanahunang yaon, ay isang tanda na ang isang babae'y nagdadalantao. Sa larawang iyon, dinadala ni Maria sa kanyang sinapupunan si Hesus.
Kung titingnan natin nang mabuti, nakatingin ang Mahal na Birheng Maria sa atin. Ang kanyang mata ay puno ng awa. Makikita natin na tinitingnan niya tayo na puno ng awa. Kaya siyang tinatawag na Ina ng Awa, eh. Kapag tayo ay tinitingnan ng Mahal na Ina, punung-puno ng awa ang kanyang pagtingin niya sa atin. Ganun din ang pagtingin ng Panginoong Hesukristo sa atin. Tumitingin sa atin si Hesus na may Banal na Awa. Gayun din si Maria. Maawain ang mga mata ni Maria, katulad ng mga mata ni Hesus. Makikita natin ang awa kapag tumitingin si Hesus at si Maria sa atin.
Parang nagkaroon lang tayo ng replay o rewind sa Ebanghelyo. Narinig na natin ito nitong nagdaang Martes, ang Dakilang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion. Muli nating napakinggan sa Ebanghelyo ngayong Kapistahan ng Nuestra Senora dela Guadalupe ang salaysay ng pagpapakita ng Arkanghel Gabriel sa Mahal na Birhen. Nagpakita si San Gabriel Arkanghel sa Mahal na Ina upang ibalita ang papel ng Diyos para sa kanya. Si Maria'y hinirang ng Diyos na maging ina ni Hesus, ang Mesiyas, ang Diyos na Emmanuel.
Hinirang ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria upang dalhin sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan ang Panginoong Hesus, ang Panginoon at Hari ng Banal na Awa. Sa sinapupunan ni Maria, nanahan ang awa ng Diyos sa loob ng siyam na buwan. Noong dumating ang takdang panahon, iniluwal ni Maria ang Sanggol na Hesus, ang mukha ng Awa ng Diyos. Ang Dakilang Awa ng Diyos ay naranasan ng daigdig sa pamamagitan ng Panginoong Hesus.
Bukod pa sa pagiging Anak ng Diyos, si Hesus ay Anak ng Mahal na Birheng Maria. Si Hesus ang Panginoon at Hari ng Banal na Awa. Dahil dito, si Maria ang Ina at Reyna ng Awa. Dinala ni Maria ang Panginoon at Hari ng Banal na Awa na si Hesus sa kanyang sinapupunan at isinilang noong dumating ang takdang oras. Ang Awa ng Diyos ay dumating sa mundo sa pamamagitan ni Hesus at ng pagtalima ni Maria sa kalooban ng Diyos.
Kapag tinititigan natin nang mabuti ang larawan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, makikita natin na ipinapakita sa atin ng Mahal na Birhen ang kanyang mga maawaing mata. Ibinabaling sa atin ng Mahal na Ina ang kanyang mga matang mawaain. Punung-puno ng awa ang pagtingin sa atin ng Mahal na Ina. Nakadaop din ang mga kamay ni Maria. Ipinapanalangin niya tayo sa kanyang Anak na si Hesus na kaawaan niya tayong lahat, sapagkat si Hesus ang Panginoon at Hari ng Banal na Awa. Ang Awa ng Panginoon ay napakadakila at wagas.

Linggo, Disyembre 6, 2015
KALINIS-LINISANG BIRHENG MARIA: PUNO NG GRASYA AT AWA NG DIYOS
8 Disyembre 2015
Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria (ABK)
Genesis 3, 9-15. 20/Salmo 97/Efeso 1, 3-6. 11-12/Lucas 1, 26-38
Pormal nang sinisimulan ng Simbahan ang Banal na Taon ng Awa sa araw na ito. Binuksan ng Santo Papa Francisco ang Banal na Pintuan ng Awa sa Basilika ni San Pedro Apostol sa Lungsod ng Vaticano bilang pagbubukas sa Hubileyo ng Awa. Sa Pilipinas, bubuksan din ang Pintuan ng Awa ng Katedral-Basilika ng Kalinis-linisang Paglilihi na mas kilala bilang Katedral ng Maynila (Manila Cathedral) kinabukasan. Ang Mahal na Kardinal ng Arkidiyosesis ng Maynila na si Luis Antonio Cardinal Tagle ang magbubukas Banal na Pintuan ng Awa ng nasabing Katedral. Isa lamang ang Manila Cathedral sa mga itinalagang Lugar ng Peregrinasyon para sa Hubileo ng Awa sa Arkidiyosesis ng Maynila. Ang tema para sa isang taong pagdiriwang ng Hubileo ng Awa ay, "Maawain tulad ng Ama."
Maraming siguro ang magtatanong: Bakit sa Kapistahan ng Inmaculada Concepcion binuksan ang Hubileo ng Awa? Bakit hindi na lang noong Unang Linggo ng Adbiyento? Ayon sa Bulla de Iubilaeo Extraordinario Indicendo, Misericordiae Vultus, noong nagkasala sina Adan at Eba laban sa Diyos, hindi ninais ng Diyos na mamuhay bilang mga alipin ng kasamaan at kasalanan. Kaya, pinili ng Diyos si Maria upang maging ina ng Tagapagligtas ng sangkatauhan, ang ating Manunubos at Panginoong si Hesukristo.
Ang Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria ay isa sa mga dinami-daming dakilang gawa ng Diyos. Tugmang-tugma ang Salmo sa araw na ito, "Umawit sa D'yos ng awa, ang gawain N'ya'y dakila." Bago pa siya'y ipinaglihi ni Santa Ana, ang Mahal na Birheng Maria ay iniligtas ng Diyos mula sa kasalanang mana. Kaya, noong isinilang ang Mahal na Ina, hindi siya dinungisan ng kasalanang mana. Bakit ito ginawa ng Diyos? Sapagkat ang Kanyang plano para kay Maria ay di-pangkaraniwan - pinili ng Diyos si Maria na maging ina ni Hesus, ang dakilang Manunubos ng sangkatauhan, ang Diyos na Emmanuel.
Sa Ebanghelyo, maririnig natin ang bati ni San Gabriel Arkanghel sa Mahal na Ina, "Aba, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoon ay sumasaiyo!" (Lucas 1, 28) Pinuno ng Diyos ng Kanyang grasya at awa kay Maria. Naging kalugud-lugod si Maria sa paningin ng Diyos. Si Maria'y puno ng grasya at awa ng Diyos. Dahil sa ginawang pagliligtas ng Diyos kay Maria bago pa siya iluwal ni Santa Ana, siya'y naging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos. Walang dungis ng kasalanang mana. Bagkus, punung-puno ng dakilang awa at grasya ng Diyos si Maria.
Hindi pinayagan ng Diyos na dungisan si Maria ng kasalanang mana. Alam Niya na ang sanggol na dadalhin ni Maria sa loob ng siyam na buwan at iluluwal pagkatapos ng siyam na buwan ay ang Tagapagligtas ng sangkatauhan na si Kristo. Si Kristo ay perpekto at banal, kaya kinakailangang banal at perpekto ang magdadala sa Kanya. Pinabanal ng Diyos ang Mahal na Ina bago pa siya iniluwal ni Santa Ana dahil siya ang magdadala kay Kristo.
Kung si Hesus ang Panginoon at Hari ng Awa, si Maria ay ang Ina at Reyna ng Awa. Ang Panginoong Hesus ay naging anak ng Mahal na Birheng Maria. Ang awa ng Panginoon sa daigdig ang nag-udyok sa Kanya na magkatawang-tao at isilang ng isang babae, katulad natin. Nagkatawang-tao ang Diyos ng Awa, sa pamamagitan ni Hesus. Kaya, ang Mahal na Birheng Maria ay tinatawag din Ina ng Awa sapagkat iniluwal niya ang Panginoong Hesukristo, ang Panginoon ng Banal na Awa. Tinaglay ni Hesus ang Dakilang Awa ng Diyos sa Kanyang pagsilang noong unang Pasko.
Mapalad at kahanga-hanga si Maria! Puno siya ng grasya at awa ng Diyos. Bago pa siya isinilang, iniligtas ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria mula sa dungis ng kasalanang mana. Hindi siya dinungisan ng anumang kasalanan sapagkat iniligtas siya ng Diyos. Pinabanal ng Diyos si Maria upang maging kalugud-lugod sa Kanyang paningin at upang maging karapat-dapat na dalhin si Kristo sa kanyang sinapupunan. Mula sa kalinis-linisang paglilihi sa kanya hanggang sa sandaling siya'y iniakyat sa langit, sa kapangyarihan ng Panginoon, naranasan ng Mahal na Birheng Maria ang dakilang grasya at awa ng Diyos.

MAGHINTAY AT MAGHANDA: MGA PANAWAGAN NG PANAHON NG ADBIYENTO
6 Disyembre 2015
Ikalawang Lingo ng Adbiyento (K)
Baruc 5, 1-9/Salmo 125/Filipos 1, 4-6. 8-11/Lucas 3, 1-6
Tuwing Ikalawang Linggo ng Adbiyento, mapapakinggan natin sa Ebanghelyo ang pangangaral ni San Juan Bautista. Si San Juan Bautista ay isang napakahalagang karakter sa panahon ng Adbiyento. Ayon kay San Juan Bautista at sa mga propeta ng Lumang Tipan, si San Juan Bautista ang "Tinig na sumisigaw sa ilang." Si San Juan Bautista ang tagapaghanda ng daraanan ng Panginoong Hesukristo. Inihahanda niya ang mga Israelita, lalung-lalo na ang mga makasalanan, para sa pagdating ng Mesiyas na si Hesukristo.
Dalawa ang panawagan sa atin ng panahon ng Adbiyento - paghihintay at paghahanda. Kasabay ng ating paghihintay para sa pagdating ng Panginoon ay ang paghahanda. Magkarugtong ang paghihintay at paghahanda sa panahon ng Adbiyento. Tanungin natin ang ating mga sarili: Papaano ba nating pinaghahandaan ang pagdating ng Panginoon?
Sa Ebanghelyo, napakinggan natin na may panawagan si San Juan Bautista sa kanyang mga tagapakinig. Nananawagan si San Juan Bautista na pagsisihan at talikdan ng mga makasalanan ang kanilang mga likong gawain. Ang bayang Israel ay naghintay nang matagal para sa pagdating ng kanilang Manunubos, ang Mesiyas. Nangako ang Diyos na isusugo Niya ang Mesiyas sa bayang Israel upang iligtas sila. Subalit, kinakailangan nilang magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan para sa pagdating ng Mesiyas.
Ang papel ng mga propetang isinugo ng Diyos bago Niya isinugo si Kristo ay maging tagapagsalita ng Diyos. Ipinapahayag ng mga propetang isinugo ng Panginoong Diyos ang mga salita at panawagan ng Diyos sa Kanyang bayan. Si San Juan Bautista ang huling propeta bago dumating si Kristo. Hinirang ng Diyos si San Juan Bautista na maging tagapaghanda ng daraanan ni Kristo. Hinirang ng Diyos si San Juan Bautista upang maging propeta bago dumating ang Panginoon.
"May isang tinig na sumisigaw: Ipaghanda ng daan sa ilang ang Panginoon; isang patag at matuwid na lansangan para sa ating Diyos." (Isaias 40, 3) Ito ang propesiya ni propeta Isaias patungkol sa paglitaw ng Panginoong Hesukristo. Bago lumitaw ang Mesiyas, may isang tinig na nananawagan sa mga tao na ipaghanda ng isang matuwid na daraanan ang Panginoon. Natupad ang propesiyang iyon sa pamamagitan ni San Juan Bautista. Si San Juan Bautista ang tinig na sumisigaw sa ilang. May panawagan ang tinig na ito na sumisigaw sa ilang - ipaghanda at tuwirin ang daraanan ng Panginoon.
Nakakatuwang pansinin na hinirang ng Diyos si San Juan Bautista na nasa ilang. Ang Salita ng Diyos ay dumating kay San Juan Bautista sa ilang. Sa ilang ay tinawag at hinirang ng Diyos si San Juan Bautista upang ipaghanda ang daraanan ni Hesus. Darating na kasunod ni San Juan Bautista si Hesus. Lilitaw si Hesus kasunod ni San Juan Bautista. Si Hesus ang BIDA sa salaysay ng pagliligtas ng Diyos. Tunay ngang napakadakila ang pagliligtas ng Diyos. Niligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mesiyas, si Hesus.
Subalit, nagsalita ba si San Juan Bautista sa ganang sarili? Ang panawagan ng paghahanda at paghihintay ay nanggaling ba kay San Juan Bautista? HINDI. Nanggaling ito sa Diyos. Ang Diyos ay nananawagan sa lahat ng mga makasalanan na pagsisihan at talikdan ang kasalanan bilang paghahanda para sa Kanyang pagdating sa pamamagitan ng ating Emmanuel na si Hesus. Tataglayin ng Mesiyas ang dakilang awa at habag ng Diyos sa Kanyang pagdating.
Ang panahon ng Adbiyento ay isang makabuluhang panahon upang maghintay at maghanda para sa pagdating ng Panginoon. Sa pagdating ng Panginoon, tataglayin Niya ang Kanyang dakilang awa at habag. Nananawagan ang Panginoon na maghintay at maghanda para sa Kanyang pagdating. Ang pagdating ng Panginoon ay pagdating din ng Kanyang dakilang awa. Ang dakilang awa ng Panginoon ang sanhi ng Kanyang pagparito sa daigdig para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)