15 Agosto 2016
Pagmimisa sa Araw ng Dakilang Kapistahan ng Pag-Aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria
Pahayag 11, 19a; 12, 1-6a. 10ab/Salmo 44/1 Corinto 15, 20-27/Lucas 1, 39-45
Ang Pag-Aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria ay isa sa apat na dogma ng Simbahan patungkol sa Mahal na Ina. Ayon sa Katesismo ng Simbahan, ang Pag-Aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria ang hudyat ng katapusan ng buhay ng kanyang buhay sa lupa. Nang dumating ang wakas ng kanyang buhay sa lupa, ang katawan at kaluluwa ng Mahal na Birheng Maria ay iniakyat sa langit nang buong-buo. Muling naramdaman ng Mahal na Birheng Maria ang Awa ng Diyos, kahit sa huling sandali ng kanyang buhay sa daigdig.
Katulad ng ipinahihiwatig ng iba pang mga dogma patungkol sa Mahal na Birhen, ang Awa ng Diyos ay kumilos noong iniakyat ang Mahal na Birhen sa langit. Ang Pag-Aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria ay isang gawa ng Awa ng Diyos. Iniakyat ang Mahal na Birheng Maria sa langit sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Awa ng Diyos. Sa pamamagitan ng pag-akyat sa Mahal na Birheng Maria sa langit, muling ipinamalas ng Diyos ang kapangyarihan ng Kanyang Awa.
Sa Ebanghelyo, ipinahayag ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang awit, "At mula ngayon, ako'y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan - Banal ang Kanyang Pangalan!" (1, 48b-49) Ang pahayag na ito ay isang patotoo ng Mahal na Birheng Maria tungkol sa pagkilos ng Awa ng Diyos sa kanyang buhay. Si Maria ay naging saksi ng Awa ng Diyos sa kabuuan ng kanyang buhay sapagkat araw-araw niyang nasaksihan ang pagkilos ng Awa ng Diyos sa kanyang buhay.
Walang sawa ang ginawa ng Diyos para sa Mahal na Ina. Ang Diyos ay hindi nagsawa sa pagpapamalas ng Kanyang Awa sa Mahal na Ina. Hindi tumigil ang Diyos sa pagpapadama ng Kanyang Awa kay Maria. Ang Diyos ay gumawa ng maraming kahanga-hangang bagay para kay Maria upang ipakita at ipadama sa kanya ang Kanyang Awa. Ipinamalas at ipinadama ng Diyos sa Mahal na Birhen ang Kanyang Awa sapagkat siya'y naging kalugud-lugod sa Kanyang paningin.
Paano naging kalugud-lugod si Maria sa paningin ng Diyos? Ang kanyang kamag-anak na si Elisabet ang sumagot sa katanungang ito, "Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!" (1, 45) Nanalig si Maria sa Diyos na Siya ring nagligtas sa kanya noong siya'y ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang inang si Santa Ana. Buong pananalig na tumalima at tumupad si Maria sa Salita ng Diyos na ipinahayag sa kanya. Ibinigay ng Mahal na Birheng Maria ang kanyang buong pusong pananalig sa Awa ng Diyos.
Dahil naging kalugud-lugod ang Mahal na Birheng Maria sa paningin ng Diyos, hindi Niya pinahintulutang mabulok sa libingan ang Mahal na Birheng Maria. Hindi hinayaan ng Diyos na mabulok sa lupa ang katawan ni Maria. Kaya, nang dumating ang huling sandali ng Mahal na Ina sa lupa, iniakyat ng Diyos nang buong-buo ang kanyang katawan at kaluluwa sa langit. Kung paanong iniligtas ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria mula sa bahid ng kasalanang mana bago siya ipaglihi ni Santa Ana, gayon din naman, iniligtas ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria mula sa pagkabulok sa libingan.
Ang Pag-Aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria ay isang Gawa ng Awa ng Diyos. Muling kumilos ang Awa ng Diyos para sa Mahal na Birheng Maria noong iniakyat siya sa langit sa katapusan ng kanyang buhay sa lupa. Ang Mahal na Ina ay iniakyat sa langit dahil sa Awa ng Diyos. Kumilos ang Awa ng Diyos sa kabuuan ng buhay ni Maria dahil sa kanyang buong pusong pananalig. Ibinigay ng Birheng Maria ang kanyang buong pusong pagtitiwala sa Awa ng Diyos hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay sa lupa. Nang sumapit ang huling sandali ni Maria sa lupa, iniakyat siya ng Diyos sa langit nang buong-buo, katawan at kaluluwa.
Kaya’t tinanong ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.” (Juan 6, 67-68)
Linggo, Agosto 14, 2016
MARIA: PINAGPALA DAHIL SUMUNOD AT TUMUPAD SA SALITA NG DIYOS
14 Agosto 2016
Pagmimisa sa Bisperas ng Dakilang Kapistahan ng Pag-Aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria
1 Cronica 15, 3-4. 15-16; 16, 1-2/Salmo 131/1 Corinto 15, 54b-57/Lucas 11, 27-28
Sa Ebanghelyo, ipinahayag ng Panginoong Hesus na higit na mapalad ang mga nakikinig at tumutupad sa Salita ng Diyos. Ito'y matapos isigaw ng isang babae mula sa karamihan na mapalad ang Kanyang Ina sapagkat siya ang nagdala sa Kanya sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa Kanya. Ang pahayag na ito ni Hesus ay isang pagbibigay-pugay sa Mahal na Inang si Maria. Pinarangalan ni Hesus si Maria sapagkat siya'y sumunod at tumupad sa Salita ng Diyos. Hindi lamang nakinig si Maria sa Salita ng Diyos, tinupad niya ito. Hinayaan niyang magkaroon ng katuparan ang Salita ng Diyos sa pamamagitan niya.
Maraming pagkakataon sa buhay ng Mahal na Birheng Maria kung saan siya'y nakinig at tumupad sa Salita ng Diyos. Isa na rito ay noong ibinalita sa kanya ng Arkanghel Gabriel na siya'y hinirang ng Diyos upang maging ina ni Kristo. Hindi tumutol si Maria sa kalooban ng Diyos. Hindi siya nagbingi-bingihan sa Salita ng Diyos. Hindi niya sinalungat ang Salita ng Diyos na ipinahayag sa kanya ni San Gabriel Arkanghel. Bagkus, taos-pusong nakinig, sumunod, at tumalima si Maria sa Salita ng Diyos. Isinantabi ni Maria ang lahat ng kanyang mga plano sa buhay para magkaroon ng katuparan ang Salita ng Diyos. Kahit alam ni Maria na hindi magiging madali ang tungkuling ibinigay sa kanya ng Diyos, tinanggap pa rin niya ito upang magkaroon ng katuparan ang Salita ng Diyos.
Hinangad ng Mahal na Ina na magkaroon ng katuparan ang Salita ng Diyos. Wala siyang ibang hinangad kundi ang kaganapan ng Salita ng Diyos. Isinakripisyo ng Mahal na Ina ang kanyang mga plano sa buhay upang magkaroon ng kaganapan ang Salita ng Diyos. Kahit marami siyang balakin sa buhay, isinakripisyo niya ang lahat ng mga ito upang matupad ang Salita ng Diyos.
Batid ng Mahal na Birheng Maria na hindi madali ang misyong ibinigay sa kanya ng Diyos. Napakalaki at napakabigat ang pananagutan ni Maria sa Diyos. Para sa isang babaeng katulad ni Maria, napakahirap gampanan ang tungkuling ibinigay sa kanya ng Diyos. Hindi pangkaraniwan ang sanggol na ipaglilihi at iluluwal ni Maria mula sa kanyang sinapupunan. Ang sanggol na dadalhin niya sa kanyang sinapupunan ay ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. Mahirap ang responsibilidad na ibinigay ng Diyos sa Mahal na Birheng Maria.
Subalit, kahit napakahirap ang tungkuling iniatas sa kanya ng Diyos, tinanggap pa rin ito ng Mahal na Birhen. Buong pananalig tumalima at tumupad ang Birheng Maria sa Salita ng Diyos. Kahit alam ni Maria na mas madali ang kanyang mga plano sa buhay, isinantabi niya ito upang matupad ang Salita ng Diyos. Ipinasa-Diyos na lamang ng Mahal na Birhen ang lahat ng kanyang mga balakin sa buhay upang magkaroon ng kaganapan ang Salita ng Diyos.
Dahil sumunod at tumalima ang Mahal na Birheng Maria sa Salita ng Diyos na ipinahayag sa kanya ng Arkanghel Gabriel, nakamit niya ang titulong, "Kaban ng Bagong Tipan." Kung paanong dinala ng Kaban ng Tipan ang dalawang tapyas na bato na kinasusulatan ng Sampung Utos ng Diyos, gayon din naman, dinala ng Mahal na Birheng Maria ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao na si Hesus sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Sa Lumang Tipan, dinala ng Kaban ng Tipan ang Salita ng Diyos na nakataga sa bato - ang Sampung Utos ng Diyos. Sa Bagong Tipan, ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao na si Hesus ay nanahan sa sinapupunan ng Bagong Kaban ng Tipan na si Maria.
Sa katapusan ng kanyang buhay, ang katawan at kaluluwa ng Mahal na Birheng Maria ay iniakyat ng Diyos sa langit nang buong-buo. Hindi pumayag ang Diyos na mabulok sa lupa ang katawan ng Mahal na Ina sa katapusan ng kanyang buhay. Nanahan sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria sa loob ng siyam na buwan ang Panginoong Hesukristo, ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi rin dinungisan ng kasalanan si Maria buong buhay niya dahil iniligtas siya ng Diyos mula sa dungis ng kasalanan bago pa siya isilang. Pinagpala ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria, mula pa sa sandaling ipinaglihi siya ng kanyang inang si Santa Ana. Kaya, sa katapusan ng kanyang buhay, iniakyat ng Panginoong Diyos ang katawan at kaluluwa ng Mahal na Birheng Maria sa langit.
Sa Unang Pagbasa, ipinasok sa toldang inihanda ni Haring David ang Kaban ng Tipan. Kung paanong ipinasok ng mga Levita ang Kaban ng Tipan sa lugar na pinaglalaanan ni Haring David para dito, gayon din naman, ang Kaban ng Bagong Tipan na si Maria ay ipinasok ng Diyos nang buong-buo sa kaharian ng Diyos sa langit. Ang Diyos ay naglaan ng isang lugar sa Kanyang kaharian sa langit para sa Mahal na Birheng Maria, ang Kaban ng Bagong Tipan, sa katapusan ng kanyang buhay sa lupa. Nang dumating ang wakas ng buhay ng Mahal na Birheng Maria sa lupa, iniakyat siya nang buong-buo sa langit sa kapangyarihan ng Diyos.
Pinagpala ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria dahil siya'y sumunod at tumupad sa Salita ng Diyos na ipinahayag sa kanya. Ang ginawang pagsunod at pagtupad ng Mahal na Birheng Maria sa Salita ng Diyos ay ang kanyang pagpaparangal sa Diyos. Dahil ipinarangalan niya ang Diyos, ipinarangalan din siya ng Diyos. At sa katapusan ng kanyang buhay, ang Mahal na Birheng Maria ay iniakyat sa langit nang buong-buo dahil pinagpala siya ng Diyos. Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, naranasan ng Mahal na Birheng Maria ang pagpapala ng Diyos.

Sabado, Agosto 13, 2016
SA PANGINOON DAPAT NAKASENTRO ANG ATING BUHAY
14 Agosto 2016
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Jeremias 38, 4-6. 8-10/Salmo 39/Hebreo 12, 1-4/Lucas 12, 49-53
Ang buhay pag-ibig ay isang napakalaking bahagi ng buhay ng tao, lalung-lalo na sa panahon ngayon. Karamihan na po siguro sa atin ang nakaranas nang umibig. Maski nga ang mga kabataan ngayon, nakaranas nang umibig. Kadalasan, kapag tayo ay lumalabas kasama ang mga kaibigan, madalas natin tinatanong ang isa't isa, "Kumusta na ang iyong buhay pag-ibig?" Kinukumusta natin ang buhay pag-ibig ng ating mga kaibigan. At kapag nababalitaan natin na ayos lang ang kanyang buhay pag-ibig, lalung-lalo na kung mayroon na siyang kasintahan, karamihan sa atin ay naiinggit. Mabuti pa sila, mayroong kasintahan. Mabuti pa sila, maganda ang buhay pag-ibig. Samantala, tayo naman, walang kasintahan o walang buhay pag-ibig. Atat na atat nang magkaroon ng kasintahan. Kapag nagkaroon na ng kasintahan, makakaranas sila ng tagumpay at katuwaan.
Maganda ang pakiramdam ng pagkakaroon ng buhay pag-ibig. Maganda ang pakiramdam kapag nagkaroon ng kasintahan. Maganda ang pakiramdam kapag pumasok tayo sa pag-ibig. Masarap talaga sa pakiramdam. Parang nakamit na natin ang tagumpay kapag nagkaroon tayo ng buhay pag-ibig.
Subalit, kapag tayo ay umiibig, hindi na natin alam kung sino ba dapat ang nasa sentro ng ating buhay. Kadalasan, kapag tayo ay umibig, ginagawa nating sentro ng ating buhay ang taong iniibig natin. Ginagawa nating sentro ng ating buhay ang hindi dapat maging sentro ng buhay natin. Isang napakalaking pagkakamali ang gawing sentro ng buhay natin ang iniirog natin. Hindi dapat nating isentro ang ating buhay sa ating mga kasintahan, gaano man natin sila iniirog.
Kapag ginawa nating sentro ng ating buhay ang iniirog natin, anong mangyayari? Mabibigo lamang tayo sa bandang huli. Kapag isinentro natin ang ating buhay sa ating mga kasintahan, tinatahak natin ang landas tungo sa kabiguan at kasawian. Tinatahak natin ang maling landas. Ang hantungan ng maling landas ay kabiguan at kasawian, hindi tagumpay at tuwa.
Sino ang dapat maging sentro ng ating buhay? Ang Diyos. Sa Panginoong Diyos dapat magsentro ang buhay natin. Ito ang tama. Ito ang dapat nating gawin. Dapat nating gawin ito, kahit marami ang hindi sasang-ayon sa atin. Tututulan tayo ng marami, ipagkakaila, tatalikuran ng karamihan sa lipunan dahil dito. Subalit, ito ang tama. Dapat natin isentro ang ating buhay sa Diyos, kahit ang karamihan sa lipunan ay tutol sa atin. Magulo man ang lahat ng bagay sa simula, magkakaroon din ng kaayusan ang lahat ng iyon. Magiging maayos ang lahat sa bandang huli kung ang buhay natin ay nakasentro sa Diyos.
Inilalarawan sa atin ng mga Pagbasa ngayon ang kahalagahan ng pagsesentro ng ating buhay sa Diyos. Kapag isinentro natin ang ating buhay sa Diyos, magiging maayos ang lahat sa bandang huli. Magkakaroon ng kaayusan ang lahat ng bagay, sa tulong ng Diyos. Aayusin ng Diyos ang lahat ng bagay, sa kahuli-hulihan.
Sa Unang Pagbasa, si propeta Jeremias ay inihugos ng kanyang mga kaaway sa balon ni Prinsipe Malquias. Subalit, nanalig si Jeremias na ang Diyos ang Siyang magliligtas sa Kanya. Umasa si Jeremias ng tulong mula sa Diyos. Dahil umasa si Jeremias sa Diyos, dumating ang tulong na kaloob Niya. Nakiusap sa hari si Ebed-melec na kung maaari'y iahon si Jeremias mula sa balon sapagkat maaari siyang mamatay sa gutom. Pinahintulutan naman ng hari ang kahilingan ni Ebed-melec. Iniutos pa nga niya si Ebed-melec na magsama ng tatlong lalaki upang iahon si Jeremias mula sa balon. Sina Ebed-melec at ang tatlong lalaking ipinadala ng hari ay mga kaloob ng Diyos kay Jeremias. Dahil nakasentro ang buhay ni Jeremias sa Diyos, sinaklolohan siya ng Diyos sa oras ng matinding pangangailangan. Inayos ng Diyos ang lahat ng bagay para kay Jeremias.
Tayong lahat ay hinihikayat ng manunulat ng Sulat sa mga Hebreo sa Ikalawang Pagbasa na panatilihin ang Diyos sa sentro ng ating buhay. Kapag ang Diyos ay nanatili sa sentro ng ating buhay, magkakaroon tayo ng lakas upang magtiis sa mga oras ng tiisin. Ang lakas natin sa oras ng mga pagsubok ay magmumula sa Diyos. Ipagkakalooban tayo ng Diyos ng lakas at katatagan ng loob upang magtiis sa mga oras ng pagsubok. Tiyak magiging maayos ang lahat ng bagay sa tulong ng Diyos pagkatapos ng lahat ng mga pagsubok at tiisin sa buhay.
Sa Ebanghelyo, ipinapaalala ni Hesus na magkakaroon pa rin ng pagkakabaha-bahagi, kahit nakasentro ang ating buhay sa Diyos. Masusubukan ang ating tiwala at pananalig sa Diyos. Hindi magiging madali ang lahat ng bagay sa simula. Hindi tayo tatanggapin ng karamihan sa lipunan. Tututulan tayo ng karamihan dahil sa ating paninindigan. Tatalikuran at itatakwil tayo ng karamihan. Tutuksuhin din tayong ibahin ang sentro ng ating buhay. Tutuksuhin tayo ng iba na huwag nang isentro sa Diyos ang buhay natin. Bagkus, ibahin na lang natin ang sentro ng ating buhay. Isentro ang ating buhay sa iba, kahit alam nating mali ito.
Mahirap labanan ang tuksong ibahin ang sentro ng ating buhay. Subalit, huwag nating kalilimutang hindi nagpapabaya ang Diyos. Hindi pinababayaan ng Diyos ang lahat ng tao, lalung-lalo na ang mga taong nakasentro sa Kanya. Tutulungan tayo ng Diyos. Sasaklolohan Niya tayo. Ang Diyos ang sasaklolo sa atin sa panahon ng matinding pangangailangan. Ang Diyos ang tumutulong sa atin sa panahon ng pangangailangan. Magmumula sa Panginoon ang tulong at saklolo na kailangan natin sa panahon ng pangangailangan. At saka, magkakaroon din ng kaayusan ang lahat ng bagay sa bandang huli sa tulong ng Diyos.
Ipanalangin natin na sumentro ang ating buhay sa Diyos at hindi sa iba. Sa Diyos dapat sumentro ang ating buhay. Ito ang dapat nating gawin. Ito ang tama. Ang buhay natin ay dapat nakasentro sa Diyos. Ang tumutulong sa atin ay ang Diyos na puspos ng awa at habag para sa lahat. Sa panahon ng matinding pagsubok at pangangailangan, sasaklolohan tayo ng Diyos. Siya ay laging handang sumaklolo sa atin. Hindi Niya tayo pababayaang magdusa dahil sa mga pagsubok sa buhay. Tutulungan Niya tayo kapag kailangan natin ng tulong. At sa tulong ng Diyos, magkakaroon ng kaayusan ang lahat ng bagay sa bandang huli. Sa kahuli-hulihan, aayusin ng Diyos ang lahat ng bagay dahil sa Kanyang Awa.

Linggo, Agosto 7, 2016
HUWAG NATING SAYANGIN ANG PAGKAKATAONG LUMALIM PA ANG ATING PANANALIG SA DIYOS
7 Agosto 2016
Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Karunungan 18, 6-9/Salmo 32/Hebreo 11, 1-2. 8-19 (o kaya: 11, 1-2. 8-12)/Lucas 12, 32-48 (o kaya: 12, 35-40)
Magtiwala sa Panginoon. Ito ang tema ng mga Pagbasa ngayon. Para sa ating lahat na sumasampalataya sa Panginoon, hinahamon tayo ng mga Pagbasa ngayon na palalimin pa natin ang ating pagtitiwala sa Kanya. Napakahalaga sa ating buhay-espiritwal ang pananalig sa Panginoon. Hindi sapat ang sumampalataya lamang tayo sa Kanya. Walang kabuluhan ang ating pananampalataya sa Diyos kung wala naman tayong tiwala sa Kanya. Kailangan din nating magkaroon ng pananalig sa Diyos. Magkarugtong ang pananampalataya at pananalig sa Diyos. Hindi natin maaaring paghiwalayin ang dalawang ito dahil sa kanilang ugnayan sa isa't isa.
Ang Unang Pagbasa ay tungkol sa gabi ng pagliligtas ng Diyos. Ililigtas ng Diyos ang Kanyang bayan mula sa mga kaaway nito. Sa mata ng mga kaaway ng bayan ng Diyos, ang gabing iyon ay isang gabi ng lagim. Katakut-takot ang mangyayari sa kanila sa gabing iyon. Parurusahan sila ng Panginoong Diyos dahil sa kanilang kasamaan. Subalit, ang mga matutuwid, ang mga kabilang sa bayan ng Diyos, ay maliligtas. Sa kanilang mga mata, ang gabing iyon ay isang gabi ng kaluwalhatian at kaligtasan. Nanalig sila na ang Panginoong Diyos ang kanilang Tagapagligtas. Nanalig sila na ililigtas sila ng Panginoon mula sa kanilang mga kaaway. Dahil sa kanilang pananalig, natupad ang kanilang kahilingan sa Diyos. Iniligtas ng Diyos ang Kanyang bayan mula sa mga kaaway nito.
Isinilaysay sa Ikalawang Pagbasa kung paanong ginantimpalaan ng Diyos sina Abraham at Sara dahil sa kanilang pananalig. Ipinagkalooban Niya ng anak sina Abraham at Sara - si Isaac. Sa kabila ng kanilang katandaan, nagkaroon ng anak sina Abraham at Sara. Nangako rin ang Diyos kay Abraham na siya'y magiging ama ng maraming mga bansa. Sa kanya magmumula ang isang lahing kasindami ng mga bituin sa langit at mga buhangin sa dalampasigan. Pinagpala ng Diyos ang mag-asawang sina Abraham at Sara dahil sa kanilang pananalig.
Sa Ebanghelyo, si Hesus ay gumamit ng talinghaga sa Kanyang pagtuturo upang ipakita ang kahalagahan ng pananalig sa Diyos. Ang unang talinghagang ginamit ni Hesus ay ang talinghaga ng mga alipin. Ang mga alipin ay naghanda para sa pagbalik ng kanilang amo. Ang pangalawang talinghagang ginamit ni Hesus ay ang talinghaga ng puno ng sambahayan. Hindi siya nag-abala o naghanda para sa pagdating ng magnanakaw. Pinabayaan niya na mapasukan ng mga magnanakaw ang kanyang tahanan. Dahil diyan, ninakaw ang lahat ng kanyang ari-arian. Wala ni isa man sa kanyang mga kayamanan ang natira.
Sa unang talinghaga, ang mga alipin ay naghanda para sa pagdating ng kanilang amo bilang pagsunod sa kanyang kalooban. Ipinapakita ng mga aliping ito ang kanilang tiwala at pananalig sa kanilang amo. Nanalig silang babalik ang kanilang amo pagkatapos ng kasalan. Puspusan silang maghahanda para sa pagdating ng kanilang amo. Pag-iigihan nila ang kanilang paghahanda. Nanalig silang maaaring dumating ang kanilang amo kahit anong oras, lalo na sa oras na hindi inaasahan. Alam nilang hindi magtatagal at uuwi rin ang kanilang amo.
Sa pangalawang talinghaga, hindi nanalig ang puno ng sambahayan sa balitang may magnanakaw na maaaring dumating sa kanilang barangay. Pinabayaan na lamang niyang mapasukan ng magnanakaw ang kanyang tahanan. Hindi siya nagtiwala o nanalig sa mga kumakalat na balita at babala laban sa magnanakaw. Hindi siya nanalig na malaki ang posibilidad na may magaganap na pagnanakaw sa kanilang barangay. Ang puno ng sambahayan ay hindi naghanda o nag-abala. Hindi niya pinansin ang mga ito. Bagkus, sinalungat niya ang mga balitang ito. Sa bandang huli, pinagbayaran niya ang kanyang mga ginawa dahil ninakawan ang kanyang tahanan sa oras na di-inaasahan.
Tayong lahat ay binibigyan ng pagkakataong palalimin pa ang ating pananalig sa Diyos. Huwag nating sayangin ito. Isang napakagandang pagkakataon ito upang lalo pang tumibay pa ang ating ugnayan sa Panginoon. Mas lalo tayong magiging malapit sa Poong Maykapal kung mas lalo pa nating palalalimin ang ating tiwala at pananalig sa Kanya. Huwag nating sayangin ang pagkakataong palalimin pa ang ating pananalig sa Diyos. Hayaan nating mas lumalim pa ang ating pananalig sa Diyos upang mas lalo tayong magiging malapit sa Kanya.
Gaano ba kalalim ang ating pananalig sa Poong Diyos? Gaano ba katibay ang ating tiwala sa Panginoon? Suriin natin ang ating sarili, at hayaan nating mas lalo pang lumalim ang ating pananalig sa Diyos. Kapag hinayaan nating lumalim ang ating pananalig sa Diyos, mas lalo tayong mapapalapit sa Kanya.

Sabado, Agosto 6, 2016
ANG KALUWALHATIAN NG DIYOS
6 Agosto 2016
Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (K)
Daniel 7, 9-10. 13-14/Salmo 96/2 Pedro 1, 16-19/Lucas 9, 28b-36
Isang napakahalagang sandali sa buhay ni Hesus ay ang Pagbabagong-Anyo sa Bundok ng Tabor. Ang Pagbabagong-Anyo ng Panginoong Hesukristo ay isang pagsulyap sa kaluwalhatian ng Awa ng Diyos. Ipinasulyap ng Mukha ng Awa ng Ama na si Hesus ang kaluwalhatian na Kanyang makakamit sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus at Muling Pagkabuhay. Ipinasulyap ng Panginoong Hesus ang magiging kalalabasan ng Kanyang pagtanggap sa kalooban ng Ama, ang Kanyang misyon. Kapag natupad na ang lahat ng mga kailangang mangyari sa bandang huli, magtatagumpay si Hesus. Hindi mabibigo si Hesus sa Kanyang misyon. Sa kahuli-huliha'y makakamit ni Hesus ang tagumpay at kaluwalhatian.
Ang mga Pagbasa ngayon ay tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos. Isinalaysay ng mga manunulat ng mga Pagbasa ngayon ang ilang mga sandaling ipinasulyap ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian. Ipinapasulyap sa atin ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian upang palakasin ang ating pananalig sa Kanya. Nalalaman ng Diyos na may mga pagkakataong nasusubukan ang ating pananalig sa Kanya. Sa mga sandaling iyon, ipinapasulyap ng Panginoon sa atin ang Kanyang kaluwalhatian. Sa tulong nito, mapapalakas ang ating kalooban at pananalig sa Kanya.
Sa Unang Pagbasa, nagkaroon ng isang pangitain si propeta Daniel. Namalas niya ang kadakilaan ng isang nabubuhay magpakilanman. Siya'y nakasuot ng puti at nakaupo sa isang tronong nagniningning. Nasa kanya ang lahat ng mga katangian ng isang hari at hukom. Pinaglilingkuran siya ng mga tao mula sa iba't ibang lipi, bayan, at bansa. Sino ang misteryosong taong nasa pangitain ni propeta Daniel? Siya'y walang iba kundi ang Panginoon. Ipinasulyap ng Panginoon kay propeta Daniel sa isang pangitain ang Kanyang kaluwalhatiang walang hanggan.
Ibinahagi ni Apostol San Pedro ang kanyang karanasan sa Bundok ng Tabor sa Ikalawang Pagbasa. Si San Pedro Apostol ay isa sa mga tatlong alagad na isinama ng Panginoong Hesus sa bundok. Ang magkapatid na sina Apostol Santiago at San Juan ay nandoon din kasama nina Hesus at Pedro sa bundok. Nakita nilang tatlo ang Panginoong Hesus na nagbagong-anyo sa kanilang piling. Nakita nila si Hesus taglay ang Kanyang buong kaningningan at kaluwalhatian. Narinig din ng tatlong alagad ang tinig ng Ama mula sa langit. Ipinakilala at ipinagmalaki ng Ama mula sa langit ang Kanyang Bugtong na Anak na minamahal.
Halos walang pinagkaiba ang Ikalawang Pagbasa at Ebanghelyo para sa araw na ito. Ang pinagkaiba lamang ng Ikalawang Pagbasa at Ebanghelyo ay ang nagsulat nito. Magkaiba ang manunulat ng Ikalawang Pagbasa at Ebanghelyo. Subalit, iisa lamang ang nais pagtuunan ng pansin ng mga manunulat ng Ikalawang Pagbasa at Ebanghelyo para sa araw na ito - ang Pagbabagong-Anyo ng Poong Hesus.
Sa Ebanghelyo, nagbagong-anyo si Hesus matapos manalangin nang mataimtim sa Ama. Nasaksihan ng tatlong alagad na kasama Niya sa bundok ang Kanyang pagbabagong-anyo. Namalas nila ang kaningningan at kaluwalhatiang tinaglay ni Kristo. Nakita rin nila ang dalawang dakilang panauhin mula sa Lumang Tipan na sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa Panginoon. Narinig din nila ang tinig ng Amang nagsasalita mula sa langit. Maraming nasaksihan ang mga alagad noong kapiling nila ang Panginoong Hesus sa bundok.
Napakahalaga ang ipinasulyap ng Panginoong Hesus sa Kanyang Pagbabagong-Anyo. Sa Kanyang Pagbabagong-Anyo, ipinamalas ni Hesus ang kaluwalhatian at tagumpay na makakamit Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus at Muling Pagkabuhay. Ipinasulyap ng Panginoong Hesukristo ang kaluwalhatian at tagumpay upang palakasin ang loob ng tanan. Tinitiyak ni Hesus sa lahat na hindi mauuwi sa kabiguan at kamatayan ang Kanyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus. Bagkus, magtatagumpay Siya sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay. Ang krus at Muling Pagkabuhay ni Kristo ay magiging daan tungo sa tagumpay at kaluwalhatiang walang hanggan.

Sabado, Hulyo 30, 2016
ANG KAHIHINATNAN NG MGA SAKIM
31 Hulyo 2016
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Mangangaral 1, 2; 2, 21-23/Salmo 89/Colosas 3, 1-5. 9-11/Lucas 12, 13-21
Ang kasakiman ay isa sa mga Pitong Pangunahing Kasalanan. Ang kasakiman ay isang malalim at matinding paghahangad na makamit ang maraming bagay dito sa mundo, katulad ng kayamanan at kapangyarihan. Pagkauhaw ang katulad nito. Uhaw na uhaw ang mga taong sakim para sa mga pita ng laman. Uhaw na uhaw sila para sa kayamanan at kapangyarihan. Hindi basta mapapawi ang pagkauhaw ng mga taong sakim. Hindi sila makuntento sa kung anong meron sila. Muli silang maghahangad ng lalo pang maraming bagay. Halos kinasaskiman nila ang lahat ng bagay dito sa mundo. Gusto nilang mapunta sa kanila ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan dito sa mundo.
Nakakalungkot, laganap ang kasakiman sa ating lipunan ngayon. Ito nga po siguro ang pangunahing sanhi ng katiwalian (kurapsyon). Nagnanakaw dahil uhaw na uhaw sila para sa kapangyarihan at kayamanan. Gagawin ang lahat para mapawi ang kanilang pagkauhaw para sa kapangyarihan at kayamanan. Gagawin nila ang lahat para makuha ang kanilang mga kinasasakiman. Kahit alam nilang mali ang kanilang ginagawa, gagawin pa rin nila dahil sa kanilang kasakiman. Hindi sila nakukunsensya sa kanilang ginagawa. Hindi sila kinikilabutan sa kanilang mga ginagawa. Umaasal sila na parang walang mga kunsensya.
Ang akala ng mga taong sakim ay makakamtan nila ang tunay na kaligayahan dito sa daigdig. Akala nila na magiging masaya sila kapag napasakanila ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan dito sa mundo. Hindi mapapantayan ang kanilang kaligayahan kapag nakamtan nila ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan dito sa mundo. Mali ang kanilang akala. Hindi nila nalalaman na hindi matatagpuan ang tunay na kaligayahan sa mga kayamanan at kapangyarihan dito sa mundo. Hindi nila makakamit ang tunay na kaligayahan sa pagkamit sa lahat ng mga kayamanan at kapangyarihan dito sa mundo.
Binabalaan tayo ng mga Pagbasa ngayon laban sa kasakiman. Sa Unang Pagbasa, ipinahayag ng Mangangaral na ang mga taong sakim ay mabibigo sa kanilang mga gawain. Hindi sila magtatagumpay sa kanilang mga gawain. Hindi sila magiging tunay na masaya. Bagkus, kabiguan at sakit ng kalooban ang masusumpungan nila. Sa Ikalawang Pagbasa, ipinahayag ni Apostol San Pablo na matatagpuan ang tunay na kaligayahan kay Kristo. Kung hindi pinagsumakitan natin si Kristo at ang mga bagay na makalangit, hindi natin mahahanap ang tunay na kaligayahan. Mabibigo lamang tayo kapag hindi natin pagsumakitan si Kristo at ang mga bagay na nasa langit. Sa Ebanghelyo, isinalarawan ni Hesus sa pamamagitan ng isang talinghaga ang kahihinatnan at kahangalan ng mga taong sakim. Iisa lamang ang isinasalarawan ng mga Pagbasa ngayon - ang kahihinatnan ng mga taong sakim.
Ano ang kahihinatnan ng mga taong sakim? Mabibigo lamang sila. Kabiguan ang makakamtan ng mga taong sakim. Sa kahuli-huliha'y mabibigo lamang ang mga taong sakim. Hindi sila magtatagumpay. Hindi mananaig ang kasakiman. Kung nagtagumpay sila sa kanilang paningin, natalo sila sa paningin ng Diyos. Kung mga panalo ang tingin nila sa kanilang sarili, mga talunan sila sa paningin ng Diyos. Sa kahuli-hulihan, hinding-hindi magtatagumpay ang mga taong sakim. Ang mga taong sakim ay mga talunang hangal sa paningin ng Diyos.
Magaling magbalatkayo ang kasakiman. Iba-iba ang uri ng kasakiman sa panahon ngayon. Binabalaan tayo na mag-ingat sa lahat ng uri ng kasakiman. Marami ang mga mabibiktima ng kasakiman. Huwag tayo magpaloko sa kasakiman. Huwag tayo magpabiktima o magpaalipin sa kasakiman. Huwag tayong magpa-api sa kasakiman. Maaari silang magmukhang maganda at kaakit-akit sa unang tingin. Subalit, mabibigo tayo sa kahuli-hulihan dahil nahulog tayo sa kanilang bitag. Sa kahuli-huliha'y malalaman natin na hindi maganda ang kasakiman. Matutuklasan natin na niloko tayo ng kasakiman. Huwag sanang mangyari iyon.
Nakakatakot maging biktima ng kasakiman. Kaya, binabalaan tayo ng Panginoon na mag-ingat sa lahat ng uri ng kasakiman. Huwag nating salungatin ang babala ng Panginoon para sa ating lahat. Hindi maganda ang kahihinatnan ng mga taong sakim. Hindi magtatagumpay ang kasakiman. Hindi tayo aakayin ng kasakiman patungo sa kaligayahan at tagumpay. Bagkus, aakayin tayo ng kasakiman sa landas patungo sa kabiguan at kahangalan.
Ang Panginoon ang aakay sa atin sa landas patungo sa tunay na kaligayahan at tagumpay. Sa Kanya lamang matatagpuan ang tunay na kaligayahan at tagumpay. Tayong lahat ay tinatawag ng Panginoon na sumunod sa Kanya sa landas patungo sa tunay na kaligayahan at tagumpay. Sumunod tayo sa Kanya upang makamtan natin ang tunay na kaligayahan at tagumpay. Huwag nating salungatin ang tinig ng Panginoon. Tinatawag Niya tayo upang maakay Niya tayo patungo sa tunay na kaligayahan at tagumpay sa Kanyang piling.

Lunes, Hulyo 25, 2016
BAKIT NAKALIMUTAN NA NATIN KUNG ANO ANG TAMA AT MALI?
Isang pagninilay tungkol sa Ikalimang Utos: Huwag Kang Papatay
Puro mga patayan ang laman ng mga balita ngayon. Walang araw na lumilipas na kung saan wala tayong nababalitaan tungkol sa mga patayan. Tila bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay natin ang pagtanggap ng mga balita patungkol sa mga patayang nagaganap sa paligid natin. Nakakalungkot at nakakatakot ang mga balitang inuulat sa atin ngayon. Karamihan sa mga balitang inuulat sa telebisyon, radyo, dyaryo, at marami pang iba, ay tungkol sa mga patayan.
Nakakalungkot, karamihan sa mga pinapatay ay mga pinaghihinalaan lamang. Hindi pa napapatunayang mga kriminal sila. Wala pang lumalabas na ebidensya na nagpapatunay na ang mga taong ito ay talagang gumagawa ng krimen. Wala pang lumalabas na kunkretong ebidensya na nagpapatunay na sila'y mga kriminal talaga. Walang sapat na ebidensya na nagpapatunay na totoo nga ang mga bintang laban sa kanila. Mga inosente pa sila sa mga mata ng batas. Mga pinaghihinalaan pa lamang sila. Wala pang lumalabas na ebidensya laban sa kanila. Hangga't hindi pa napapatunayang gumagawa talaga sila ng krimen, sila'y mga inosente pa.
Nakakalungkot ring isipin na marami sa atin ay natutuwa at nasisiyahan kapag nababalitaan natin ang mga patayan. Paniwala ng marami, mababawasan ang krimen sa ating bansa. Bababa ang bilang ng krimen sa ating bansa. Paniwala ng marami sa atin, dapat lamang sila mamatay. Nararapat silang mamatay. Marapat lamang na pagbayaran nila ang kasamaang ginawa nila. Dapat silang mamatay bilang parusa para sa mga kasamaang ginawa nila.
Ang mga kriminal ay gumagawa ng masama. Subalit, dapat ba nating labanan ang kasamaang ginagawa nila sa pamamagitan ng paggawa ng kasamaan? Maaari ba nating gamitin ang apoy laban sa apoy? Maaari ba nating gamitin ang karahasan laban sa karahasan? HINDI! Mas lalong lalaki ang apoy, mas lalong lalaganap ang karahasan. Kung apoy ang gagamitin natin laban sa apoy, hindi mamamatay ang apoy. Bagkus, lalaki lamang ito. Hindi rin nating magagamit ang karahasan laban sa karahasan sapagkat lalo pang lalaganap ang karahasan sa kapaligiran. Kung gagamitin natin ang masama bilang panlaban sa mga kriminal na gumagawa ng kasamaan, hindi natin makakamit ang tunay na tagumpay.
Huwag kang papatay. Ito ang Ikalimang Utos sa Sampung Utos ng Diyos. Inuutusan tayo ng Diyos na pangalagaan at igalang ang buhay ng tao. Hindi tayo ang may-ari ng ating buhay. Ang buhay natin ay galing sa Diyos. Ang buhay ay isang napakalaki at napakahalagang biyaya mula sa Diyos. Tayo'y mga katiwala lamang ng biyayang ito. Wala tayong karapatan upang bawiin ang sarili nating buhay, o ng buhay ng iba. Ang Diyos lamang ang may karapatang bumawi ng buhay. Kaya, kapag may taong namatay o pumanaw, sinasabi nating, "Binawian ng buhay." Sino ang bumawi ng buhay? Ang Diyos. Kaya, ang buhay natin dito sa lupang ibabaw ay hiniram lang natin mula sa Diyos. Ibabalik din natin sa Diyos ang ating buhay sa ating pagpanaw balang araw.
Subalit, parang nakakalimutan na natin ang utos na ito. Nakalimutan na natin ang mga utos ng Diyos. Ito'y isang nakakalungkot na katotohanan. Nakakalimutan na natin kung ano ang tama at mali. Bakit nakalimutan na natin ang utos ng Diyos? Bakit nakalimutan na natin kung ano ang tama at mali?
Mali ang pagpatay. Anuman ang dahilan o layunin ng pagpatay, mali pa rin iyon. Hinding-hindi magiging tama ang pagpatay, kahit kailan. Ang mga kriminal ay gumagamit ng iba't ibang paraan upang pumatay ng tao, katulad ng karahasan at pagbebenta ng mga pinagbabawal na droga. Kung balak nating patayin ang mga kriminal bilang parusa para sa kanilang mga ginawa, ano ang pinagkaiba natin sa kanila? WALA. Mga kriminal na rin tayo katulad nila. Mga mamamatay-tao rin tayo, katulad nila. Ang bawat kriminal ay mamamatay-tao, sa iba't ibang paraan.
Sinabi ng Panginoong Hesukristo, "Kapag sinampal ka sa iyong kanang pisngi, iharap mo ang kabila." (Mateo 5, 39) Tinuturuan tayo ng Panginoong Hesus kung paano gumanti sa mga masasamang tao. Huwag tayo gumawa ng masama bilang pagganti sa mga gumawa ng masama sa atin. Hindi nating maaaring gamitin ang kasamaan laban sa kasamaan. Lalaganap lamang ang kasamaan kung gagantihan natin ng masama ang isa pang masama. Hindi tayo aakayin ng kasamaan tungo sa katarungan at kapayapaan.
Huwag rin po nating kalimutan, si Kristo ay naging biktima ng di-makatarungang pagpaslang. Hindi makatarungan ang ginawang pagpaslang o pagpatay sa Kanya. Pinatay Siya dahil sa inggit ng Kanyang mga kaaway sa Kanya. Inggit lamang ang nag-udyok sa mga kaaway ni Kristo upang ipasakdal Siya kay Pilato. Hindi naman napatunayan ng mga kaaway ni Kristo ang mga ipinaratang nila laban sa Kanya. Wala silang sapat at kunkretong ebidensya laban kay Hesus. Noong tinanong sila ni Poncio Pilato nang paulit-ulit, "Bakit? Ano ba ang kasalanan Niya?", wala silang naisagot. Bagkus, ang sigaw ng mga tao, "Ipako Siya sa krus!" Hindi nila sinagot ang tanong ni Pilato. Bagkus, ang hiling ng taong-bayan kay Poncio Pilato ay ang kamatayan ni Hesukristo sa krus.
Ang pagpatay ay hindi tama at hindi makatarungan, kahit kailan, anuman ang layunin nito. Hindi tayo ang nagmamay-ari ng buhay. Mga katiwala lamang tayo ng biyayang ito. Ang tunay na may-ari ng buhay ay ang Panginoon. Siya lamang ang may kapangyarihang bawiin ang ating mga buhay. Isang krimen, kasalanan, sa mata ng Diyos ang pagpatay sa kapwa-tao. Tayo ay nagkakasala sa paningin ng Diyos kapag pumatay tayo ng kapwa sa iba't ibang pamamaraan. Kahit gumawa sila ng masama laban sa atin, hindi pa rin tama ang pumatay ng kapwa.
ITIGIL ANG MGA DI-MAKATARUNGANG PAGPASLANG!
HUWAG KANG PAPATAY!
![]() |
| (photo courtesy: Huwag Kang Papatay FB page) |

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)