18 Disyembre 2016
Ika-4 na Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A)
Ikatlong Araw ng Simbang Gabi/Misa de Gallo
Isaias 7, 10-14/Salmo 23/Roma 1, 1-7/Mateo 1, 18-24
Ang mga Pagbasa ngayon ay tungkol sa pangakong binitiwan ng Diyos. Ang Diyos ay nangako sa Kanyang bayan. Nangako ang Diyos na Siya mismo ang magliligtas sa Kanyang bayan. Siya ang magiging Tagapagligtas ng Kanyang bayan. Pumarito ang Panginoon upang maging Tagapagligtas ng Kanyang bayan. Ang Panginoon ay hindi Niya nakalimot sa Kanyang pangako. Lagi naaalala ng Diyos ang pangakong binitiwan sa Kanyang bayan. Paulit-ulit Siyang nagpahayag tungkol sa pangakong ito sa pamamagitan ng mga propeta. Nang dumating ang takdang panahon, ang pangakong ito ay tinupad ng Diyos.
Sa Unang Pagbasa, isang napakahalagang hula ang ating mapapakinggan mula sa aklat ni propeta Isaias. Ipinahayag na isang dalaga'y maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki. Emmanuel ang pangalan ng sanggol na ito. Ang kahulugan ng pangalang Emmanuel ay "Ang Diyos ay sumasaatin." Isa itong propesiya ukol sa pagsilang ng Mesiyas. Isang dalaga, isang birhen, ang magsisilang sa Mesiyas na Tagapagligtas. Ang propesiyang ito ay natupad sa pamamagitan ni Hesus, ang Anak ng Diyos, ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo. Nagmula si Hesus sa sinapupunan ng Kanyang ina si Mariang Birheng Kalinis-linisan.
Ipinahayag ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa mula sa kanyang sulat sa mga taga-Roma na si Hesus ang tinutukoy ng mga propeta ng Lumang Tipan sa bawat hula o pahayag patungkol sa Mesiyas. Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsulat at nagpahayag tungkol kay Hesus. Si Hesus ang Mesiyas na matagal nang hinulaan ng mga propeta. Sa pamamagitan Niya, ang pangakong binitiwan ng Diyos sa Kanyang bayang hinirang. Kay Hesus natupad ang lahat ng mga hula at pahayag tungkol sa Mesiyas na Tagapagligtas.
Sa Ebanghelyo, isang pagliliwanag ng isip ang naganap. Naliwanagan ang kaisipan ni San Jose. Nagkaroon ng liwanag ang isip ni San Jose noong ang isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kanyang panaginip. Sa kanyang panaginip, ang anghel ay nagpaliwanag tungkol sa mga pangyayaring naganap. Ibinunyag ng anghel kay Jose ang tunay na dahilan kung bakit natagpuang nagdadalantao si Maria. Hindi ito kagagawan ni Maria. Ang Diyos ang may kagagawan nito. Niloob ng Diyos na mangyari ito. Si Maria'y naglihi lalang ng Espiritu Santo. Ang sanggol na dinadala ni Maria sa kanyang sinapupunan ay ang Emmanuel na si Hesus, ang Mesiyas na Tagapagligtas. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng katuparan ang hula ni propeta Isaias tungkol sa pagsilang ng Mesiyas.
Kay Hesus natupad ang pangako ng Diyos. Sa pamamagitan Niya, nagkatotoo ang pangakong binitiwan ng Diyos. Si Hesus ay naparito sa sanlibutan upang maligtas ang lahat ng tao. Ang Diyos ay nangakong darating bilang Tagapagligtas ng lahat na kabilang sa Kanyang bayan. Si Hesus ay ang Anak ng Diyos, ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo, na pumarito sa sanlibutan bilang Tagapagligtas ng lahat ng tao. Sa pamamagitan nito, ipinahayag ang walang hanggang paggiliw at pag-irog ng Diyos para sa lahat.
Kaya’t tinanong ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.” (Juan 6, 67-68)
Sabado, Disyembre 17, 2016
Lunes, Disyembre 12, 2016
PATULOY NA KINALULUGDAN AT KINAHAHABAGAN NG DIYOS
17 Disyembre 2016
Ikalawang Araw ng Simbang Gabi/Misa de Gallo
Genesis 49, 2. 8-10/Salmo 71/Mateo 1, 1-17
Sa Unang Pagbasa, itinampok ang hula ni Jacob ukol sa lahi ng kanyang anak na si Juda. Maraming mga anak si Jacob, labindalawang lalaki. Subalit, sa lahat ng mga anak ni Jacob, itinampok ang hula ni Jacob tungkol sa lahi ni Juda. Bakit si Juda? Ayon sa hula ni Jacob, isang makapangyarihang hari ang magmumula sa lahi ni Juda. Ang haring ito ang tunay na hari. Ito ang dahilan kung bakit ang lahi ni Juda ay pinagtutunan ng pansin. Magmumula ang tunay na hari sa angkan ni Juda. Ang propesiyang ito ay natupad sa pamamagitan ng pagsilang ni Hesus.
Itinala ni San Mateo sa Ebanghelyo ngayon ang mga ninuno ng Panginoong Hesus. Kabilang na sa mga ninuno ni Hesus ay sina Abraham at David. Subalit, ang lahat ng mga ninuno ni Hesus ay nagkasala. Nakaranas din sila ng kahinaan. Hindi sila perpekto. Si Hesus ay nagmula sa angkan ng mga makasalanan.
Si Abraham ang ama ng pananampalataya. Subalit, may mga sandali sa kanyang buhay kung saan nakaranas siya ng kahinaan at nagkasala. Dalawang ulit siyang nagsinungaling tungkol sa kanyang relasyon sa asawa niyang si Sara. Nakipagtalik si Abraham kay Agar, ang alipin ng kanyang asawang si Sara. Kahit si Abraham ang ama ng pananampalataya, may mga pagkakataong pinagdudahan niya ang Diyos. Naging mahina ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Nagkasala siya dahil sa kanyang mga kahinaan. Bagamat ilang ulit siyang nagkasala, kinalugdan at kinahabagan ng Diyos si Abraham, ang lingkod na Kanyang hinirang.
Si David ay hinirang ng Diyos bilang Hari ng Israel. Siya ang humalili kay Saul, ang unang hari ng Israel. Subalit, sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hari ng Israel, nagkasala si Haring David laban sa Diyos. Nakiapid si Haring David kay Batseba, nakipagrelasyon siya sa kanya. Pinatay pa niya ang asawa ni Batseba na si Urias. Paano niya pinatay? Sumulat siya ng liham na nagpapautos na patayin si Urias. Inutos rin niya kay Joab na habang lumulusob sila, iwanan nilang si Urias na nakikipaglaban o nakikipagbakbakan sa mga kaaway. Isinubo si Urias sa mga kaaway. Nang mamatay si Urias, tinanggap ni Haring David si Batseba, na naging biyuda dahil sa pagkamatay ni Urias, bilang kanyang asawa.
Ano ang nais ipahiwatig ni San Mateo sa pagtatala ng mga ninuno ng Panginoong Hesukristo? Ano ang nais ipahiwatig ni San Mateo noong sinama niya sa talaan ng angkan ni Hesus ang mga makasalanan?
Nais ipahiwatig ni San Mateo na kinalulugdan at kinahahabagan pa rin ng Diyos ang tao, sa kabila ng kanilang pagiging makasalanan. Kung paanong kinalugdan ng Diyos sina Abraham at David sa kabila ng kanilang mga kasalanan, ganun din ang Kanyang paggiliw sa atin. Kahit mga makasalanan tayo, tayo ay kinalulugdan at kinahahabagan ng Diyos. Pinatunayan ito ng Diyos noong ibinilang Niya ang Kanyang sarili sa angkan ng mga makasalanan sa pamamagitan ni Hesus.
Si Hesus ay napabilang sa angkan ng mga makasalanan bilang pagpapatunay na patuloy tayong nililingap ng Diyos. Patuloy tayong nililingap ng Panginoon dahil sa Kanyang habag. Kahit mga makasalanan tayo, ipinapakita pa rin ng Diyos ang Kanyang habag para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang paglingap sa atin. Dito makikita ang pagkahari ni Hesus. Bilang Hari at Panginoon, si Hesus ay maawain at mahabagin sa lahat ng Kanyang pinaghaharian. Ipinapakita Niya ang Kanyang habag para sa atin sa pamamagitan ng paglingap sa atin, sa kabila ng ating mga kasalanan. Nalulugod Siya sa tao, hindi sa kasalanan.

MAGPURI AT MAGPASALAMAT SA DIYOS NA ATING TAGAPAGLIGTAS
16 Disyembre 2016
Unang Araw ng Simbang Gabi/Misa De Gallo
Isaias 36, 1-3a. 6-8/Salmo 66/Juan 5, 33-36
"Nawa'y magpuri sa Iyo ang lahat ng mga tao." (Salmo 66)
Ang Simbang Gabi o Misa de Gallo ay ang Siyam na Araw na Paghahanda para sa Kapaskuhan. Kumbaga, ito ang Misa Nobenaryo para sa Pasko ng Pagsilang. Ang siyam na araw ng Simbang Gabi ay sumasagisag sa pananahan ng Sanggol na si Hesus sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria. Tayo ay naglalakbay kasama ng Mahal na Ina sa loob ng siyam na araw ng Simbang Gabi. Sa ating paglalakbay ngayong siyam na araw ng Simbang Gabi, tayo ay nagpapuri at nagpapasalamat sa Diyos kasama ang ating Mahal na Inang si Maria.
Isinalarawan ng mga Pagbasa ngayon ang dahilan ng ating pagbibigay papuri at pasasalamat sa Diyos. Tulad ng ating Salmo ngayon, "Nawa'y magpuri sa Iyo ang lahat ng mga tao." Nararapat lamang na ang Diyos ay lagi nating bigyan ng papuri at pasasalamat. Ang Diyos ay dapat purihin at pasalamatan. Marami Siyang mga ginawa para sa atin. Hindi natin mabibilang ang mga pagpapalang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Hindi na natin mabibilang kung ilang ulit tayong kinahabagan, pinagpala, at biniyayaan ng Diyos. Lagi tayong kinahahabagan at binibiyayaan.
Ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa na 'di na magtatagal ang pagdating ng kaligtasan. Hindi na magluluwat at ipagkakaloob ng Diyos ang biyaya ng Kanyang pagliligtas sa Kanyang bayan. Ililigtas ng Diyos ang Kanyang bayan. Darating ang Diyos bilang Tagapagligtas ng Kanyang bayan. Malapit nang tuparin ng Diyos ang Kanyang pangako sa Kanyang bayan.
Sa Ebanghelyo, ipinahayag ni Hesus ang dahilan ng Kanyang pagparito sa lupa. Si Hesus ay naparito sa mundo sapagkat may ipinapagawa sa Kanya. Napakahalaga ng ipinapagawa kay Hesus. Naparito Siya sa sanlibutan upang iligtas ang lahat ng tao. Siya ang ipinangakong Tagapagligtas, ang Mesiyas na ipinangakong darating. Siya ang katuparan ng pangako ng Diyos sa Kanyang bayan. Sa pamamagitan ni Hesus, natupad ang pangako ng Diyos sa Kanyang bayan. Naparito si Hesus para ipagkaloob sa lahat ang pagliligtas ng Diyos.
Hindi nakalimutan ng Diyos ang Kanyang pangako. Naaalala Niya ang Kanyang pangakong binitiwan. Iniligtas Niya ang Kanyang bayan. Ipinagkaloob ng Diyos ang biyaya ng Kanyang kaligtasan sa Kanyang bayan. Si Hesus ang katuparan ng pangako ng Diyos. Nagkatawang-tao ang Diyos sa pamamagitan ni Hesus upang igawad at tuparin ang Kanyang pangakong binitiwan. Sa pamamagitan ni Hesus, ang biyaya ng kaligtasan ay iginawad ng Diyos sa Kanyang bayan.
Maraming ginawa ang Diyos para sa atin. Sa lahat ng Kanyang mga ginawa, ang pinakadakila ay ang pagsusugo kay Hesus. Sa pamamagitan ni Hesus, ang tao'y iniligtas ng Diyos. Nakamit ng tao ang biyaya ng pagliligtas ng Diyos. Si Hesus ang Tagapagligtas, ang Diyos na nagliligtas sa Kanyang bayan. Tayong lahat ay tinubos ng ating Panginoon at Manunubos na si Hesus. Sa pamamagitan din ni Hesus, ipinamalas ang kadakilaan ng Diyos.
Kung ang Diyos ay hindi nagsasawa sa pagkakaloob ng Kanyang awa at pagpapala sa atin, huwag tayong magsawa sa pagbibigay ng papuri at pasasalamat sa Kanya. Ang Diyos ay hindi nagsasawang kahabagan at biyayaan tayo. Nararapat lamang na ang Diyos ay lagi nating purihin at pasalamatan sapagkat walang sawa tayong kinahahabagan at binibiyayaan Niya. Kasama ng ating Mahal na Inang si Maria, magbigay tayo ng papuri at pasasalamat sa Diyos na ating Tagapagligtas.

Linggo, Disyembre 11, 2016
"OO" SA KALOOBAN NG DIYOS
12 Disyembre 2016
Paggunita sa Mahal na Birhen ng Guadalupe
Zacarias 2, 14-17/Judith 13/Lucas 1, 26-38
Ang Mahal na Birhen ng Guadalupe ay kilala bilang Patronesa ng mga Sanggol na hindi pa ipinapanganak. Kung titingnan natin nang mabuti ang imahen o larawan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, may makikita tayong itim na sintas. Sa kultura ng mga Aztek, isang tribo ng mga katutubo sa Mehiko noong kapanahunang iyon, ang itim na sintas ay tanda ng pagdadalantao. Kapag ang isang babae'y nagsuot ng itim na sintas, sa mata ng mga Aztek, siya'y nagdadalantao. Noong nagpakita ang Mahal na Birhen kay San Juan Diego sa isang burol sa Tepeyac, suot niya ang itim na sintas na tanda ng kanyang pagdadalantao. At ang sanggol sa sinapupunan ng Mahal na Birhen ay walang iba kundi si Kristo.
Sa Ebanghelyo, mapapakinggan natin ang salaysay ng pagbabalita ni San Gabriel Arkanghel sa Mahal na Birheng Maria. Sa sandaling ito, ang kalooban ng Diyos ay tinanggap at sinunod ni Inang Maria. Kahit hindi niya ito lubusang maunawaan, kahit napakahirap gampanan ang tungkuling ito, tumalima ang Birheng Maria sa kalooban ng Diyos. Hinayaan niyang matupad ang kalooban ng Diyos. Hinayaan niyang gamitin siya ng Diyos bilang instrumento. Isinantabi ni Maria ang kanyang mga plano sa buhay upang mangyari ang plano ng Diyos.
"Oo" ang sagot ni Maria sa Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang pag-"oo" sa Diyos, nag-"oo" si Maria sa kalooban ng Diyos. "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi." (1, 38) Bilang alipin ng Panginoon, si Maria ay tumalima sa kalooban ng Diyos. Sumunod siya sa anumang niloob ng Diyos. Hindi tumutol o lumabag si Maria sa kalooban ng Diyos. Bagkus, buong kababaang-loob niyang pinahintulutang mangyari ang kalooban ng Diyos. Buong kababaang-loob siyang sumunod sa kalooban ng Diyos. Para kay Maria, mas mahalaga at maganda ang kalooban ng Diyos kaysa ang sariling kalooban. Tumalima si Maria sa kalooban ng Diyos nang buong kababaang-loob at pananalig sa Kanya.
Karamihan sa mga niloloob natin ay iba sa niloloob ng Diyos. Iba ang kalooban ng Diyos sa kalooban ng tao. Subalit, madalas nating pinipilit ipatupad ang ating mga niloloob. Kahit mali ang niloloob natin, pinipilit natin itong gawing tama. Pinipilit nating matupad ang ating mga plano, kahit alam nating mali o sablay iyon. May mga pagkakataong kung saan pinipilit natin gawing tama ang mali. Subalit, hindi natin maipipilit o mababago iyon. Ang tama ay mananatiling tama at ang mali ay mananatiling mali. Hindi magiging tama ang mali kailanman.
Laging tama ang kalooban ng Diyos. Walang mali sa kalooban ng Diyos. Perpekto ang kalooban ng Diyos. Hindi magiging mali ang kalooban ng Diyos kailanman. Kung may mga pagkakataong may kamalian ang kalooban ng bawat isa sa atin bilang tao, walang pagkakataong nagkakaroon ng kamalian sa mga niloloob ng Diyos. Hinding-hindi magiging mali ang kalooban ng Diyos.
Ang pagtalima ni Inang Maria ay isang halimbawang dapat tularan ng lahat. Tulad ni Inang Maria, buong kababaang-loob at pananalig tayong tumalima sa kalooban ng Diyos. Ibigay natin ang ating "oo" sa kalooban ng Diyos. Ibigay natin ang ating "oo" sa Diyos, at hayaan nating matupad ang Kanyang kalooban. Sa pagbibigay ng ating "oo" sa Diyos, binibigyan natin ng papuri at karangalan sa Diyos.

DIYOS ANG NAGPAPALAKAS NG LOOB
11 Disyembre 2016
Ika-3 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A)
(Linggo ng Gaudete/Linggo ng Kagalakan)
Isaias 35, 1-6a. 10/Salmo 145/Santiago 5, 7-10/Mateo 11, 2-11
Gaudete. Kagalakan. Ito ang tema ng Ikatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon. Habang nagpapatuloy tayo sa ating paghahanda at paghihintay para sa pagdating ng Panginoon ngayong panahon ng Adbiyento, tayo ay tinatawag na magalak. Hinihikayat ang lahat na maghanda at maghintay na puno ng kagalakan at pananalig sa Panginoon. Buong galak tayong maghanda, maghintay, at manalig sa Panginoon. Magalak sa Panginoong ating Diyos.
Nais pagtuunan ng pansin ng mga Pagbasa ngayong Linggo ang pagkakaroon ng katatagan ng loob. Ang Diyos ang nagpapatatag ng ating mga kalooban. Alam ng Diyos na bilang tao, tayong lahat ay nakakaranas ng mga pagsubok. Alam din ng Diyos na bilang tao, mayroon tayong mga kahinaan. Nadadapa tayo dahil sa ating mga kahinaan. Kaya, ibinibigay ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin upang tayo'y magkaroon ng lakas at tibay ng loob. Siya ang nagpapatatag ng ating mga loob. Sa Panginoon tayo lumapit upang mapanatag ang ating loob.
Isang napakagandang balita ang ipinahayag ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa. Darating ang Panginoon upang sagipin ang Kanyang bayan. Darating Siya upang ang lahat na kabilang sa Kanyang bayan ay maligtas. Nagpasiya ang Panginoon na maging Tagapagligtas ng Kanyang bayan. Ito ang ipinasiya ng Panginoon dahil sa Kanyang wagas na Awa at Pagmamahal para sa lahat. Awa at Pag-ibig ang dahilan kung bakit ipinasiya ng Diyos na iligtas ang tao. Tiyak na magkakaroon ng lakas at tibay ng loob ang sinumang makakarinig o makakatanggap sa balitang ito.
May himok si Apostol Santiago para sa lahat sa Ikalawang Pagbasa. Ang lahat ay hinihimok maging matiyaga at matatag. Habang naghihintay at naghahanda tayo nang buong sigla at kagalakan para sa pagdating ng Panginoon, kailangan nating maging matiyaga at matatag. Huwag tayong panghinaan ng loob. Lakasan natin ang ating mga loob. Patatagin ang mga loob natin. Paano nating mapapalakas ang ating mga loob? Lumapit sa Diyos. Lumapit tayo sa Kanya upang tayo'y Kanyang tulungang magkaroon ng katatagan ng loob.
Sa Ebanghelyo, ipinadala ang mga alagad ni San Juan Bautista upang magtanong kay Hesus. Nakabilanggo noon si San Juan Bautista. Siya'y ibinilanggo ni Haring Herodes. Ipinadala ni Juan Bautista ang kanyang mga alagad upang ipaabot ang kanyang tanong kay Hesus. Ang tanong ni San Juan Bautista kay Kristo ay tanong ng isang taong nagdurusa. "Kayo po ba ang ipinangakong paririto, o maghihintay pa kami ng iba?" (11, 3)
Kahit hindi nakasaad sa Bibliya, sa Ebanghelyo, maaari nating sabihing labis ang pagdurusa ni San Juan Bautista sa bilangguan. Labis ang kanyang paghihirap sa bilangguan. Hindi lang pisikal ang kanyang paghihirap sa bilangguan. Naghihirap rin siya sa kaloob-looban niya. Dahil sa kanyang pagdurusa sa bilangguan, pisikal at sa kaloob-looban niya, ang tanong ni Juan Bautista kay Kristo, "Kayo po ba ang ipinagakong paririto o maghihintay pa kami ng iba?" (11, 3)
Bilang tugon sa tanong ni San Juan Bautista, isinalarawan ni Hesus ang lahat ng Kanyang mga ginawa. Ang lahat ng mga ginawa ni Hesus ay ipinahayag ng mga propeta ng Lumang Tipan. Hinulaan ng mga propeta ng Lumang Tipan ang mga gagawin ng Mesiyas sa Kanyang pagdating. Tinupad ni Hesus ang lahat ng mga hula ng mga propeta ng Lumang Tipan sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa. Sa pamamagitan ng tugon ni Hesus, pinalakas ang loob ni San Juan Bautista. Si Hesus ang nagpalakas at nagpatibay ng loob ni San Juan Bautista.
Huwag tayong mag-atubiling lumapit sa Diyos upang magpalakas ng loob. Huwag nating hayaang manghina ang ating mga loob. Lumapit tayo sa Diyos nang buong katiyagaan. Maging matiyaga sa paglapit sa Diyos. Tutulungan tayong magkaroon ng lakas at tibay ng loob. Ang Diyos ang magpapalakas at magpapatibay ng ating mga kalooban. Kapag hinayaan nating palakasin ng Diyos ang ating mga loob, ang mga pagsubok sa buhay ay malalampasan at mapagtatagumpayan natin. Walang pagsubok sa buhay ang magtatagumpay laban sa Diyos.

Linggo, Disyembre 4, 2016
MARIA: HINIRANG NG DIYOS; TUMALIMA SA DIYOS
8 Disyembre 2016
Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria (Inmaculada Concepcion)
Genesis 3, 9-15. 20/Salmo 97/Efeso 1, 3-6. 11-12/Lucas 1, 26-38
Ginugunita natin sa araw na ito ang ginawang paghirang ng Diyos sa Mahal na Birheng Maria. Ang Mahal na Birheng Maria ay hinirang ng Diyos para sa isang napakahalagang papel sa salaysay ng ating kaligtasan. Subalit, hinirang ng Diyos si Maria bago pa man siya isinilang. Noong si Maria'y ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang inang si Santa Ana, naranasan niya ang pagliligtas ng Diyos. Iniligtas ng Diyos ang Birheng Maria bago pa man siya ipanganak upang makapasok siya sa mundong ito na walang bahid ng kasalanan.
Bakit ginawa iyan ng Diyos? Napakahalaga ang bokasyong ibibigay ng Diyos kay Maria. Walang katulad ang bokasyon ng Diyos para sa Mahal na Ina. Ang papel o ang bokasyong ibinigay ng Diyos kay Maria ay ang pagiging ina ng Mesiyas na si Hesus. Hinirang ang Mahal na Ina upang dalhin sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan at arugain ang Anak ng Diyos. Nararapat lamang na maging malinis ang tahanang dako ng Anak ng Diyos sa loob ng siyam na buwan. Sa loob ng sinapupunan ni Maria mananahan si Hesus sa loob ng siyam na buwan.
Sa pamamagitan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria, natupad ang pahayag ng Diyos sa Halamanan ng Eden sa Unang Pagbasa. Matapos labagin nina Adan at Eba ang utos ng Diyos na huwag kainin ang bunga mula sa puno ng karunungan, ipinahayag ng Diyos na laging lalaban ang babae at ang ahas, pati na rin ang kanilang binhi. Natupad ang propesiyang ipinahayag mismo ng Diyos sa pamamagitan ni Maria. Si Maria ang babaeng tinutukoy ng Diyos. Ang mortal na kalaban ng demonyo ay si Maria. Si Maria'y kinapopootan ng demonyo sapagkat nagmula sa sinapupunan ni Maria ang dudurog sa kanyang ulo - ang Mesiyas at Tagapagligtas, ang Diyos Anak na si Hesus.
Ipinahayag ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na hinirang ng Diyos ang lahat bago pa man sila isilang. Bago pa man nilikha ang daigdig, tayo ay Kanyang hinirang upang maging Kanyang mga anak. Tulad ng Mahal na Ina, tayong lahat ay hinirang ng Diyos para sa isang napakahalagang bokasyon. Hinirang tayo ng Diyos na maging Kanyang mga anak dahil sa Kanyang pag-ibig. Pag-ibig rin ang dahilan kung bakit iniligtas ng Diyos si Maria mula sa bahid ng kasalanang-mana noong siya'y ipinaglihi sa sinapupunan ng kanyang inang si Santa Ana.
Sa Ebanghelyo, buong kababaang-loob na tumalima ang Mahal na Birheng Maria sa kalooban ng Diyos. Bagamat hindi niya masukat akalain o maunawaan ang mga sinabi ng Arkanghel Gabriel ukol sa paghirang sa kanya ng Diyos, tinanggap pa rin ito ni Maria. Tinanggap at tumalima ang Mahal na Ina sa kalooban ng Diyos. Kung si Eba ay sumuway sa utos ng Diyos sa Halamanan ng Eden, ang Bagong Eba na si Maria ay tumanggap at tumalima sa kalooban ng Diyos. Tulad ni Eba, si Maria ay napuno ng grasya ng Diyos. Subalit, kung si Eba ay naging masuwayin sa utos ng Diyos, si Maria naman ay naging masunurin sa kalooban ng Diyos.
Ang Mahal na Birheng Maria ay hinirang ng Diyos. Hinirang siya ng Diyos upang maging ina ng Panginoong Hesus, ang Mesiyas at Anak ng Diyos. Iniligtas siya ng Diyos bago siya isilang upang siya'y maging karapat-dapat na dalhin sa kanyang sinapupunan ang Anak ng Diyos, ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo. Nilinis ng Diyos si Maria upang magampanan niya ang kanyang bokasyon bilang Bagong Eba at Kaban ng Bagong Tipan.
Kahit hindi lubusang maunawaan ni Maria ang kalooban ng Diyos, tumalima pa rin siya. Sumunod si Maria sa kagustuhan ng Diyos. Hindi nawalan ng pananalig sa Diyos si Maria. Bagkus, buong kababaang-loob at pananalig niyang tinanggap at sinundan ang kalooban ng Diyos. Tulad ni Hesus, ang Mahal na Inang si Maria ay tumalima sa kalooban ng Diyos, gaano mang kahirap ito.
Hinirang ng Diyos. Tumalima sa kalooban ng Diyos. Ang Mahal na Inang si Maria ay hinirang ng Diyos. Bilang Bagong Eba, tumalima si Maria sa kalooban ng Diyos upang maging Kaban ng Bagong Tipan. Dinala niya sa kanyang sinapupunan ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao sa loob ng siyam na buwan. At ang Diyos na Sanggol sa sinapupunan ni Maria ang dudurog sa ulo ng ahas - ang kalaban, ang demonyo. Bagamat hindi ito lubusang maintindihan ng Mahal na Birhen, buong kababaang-loob at pananalig siyang tumalima sa kalooban ng Diyos.
Sabado, Disyembre 3, 2016
KATARUNGAN AT AWA
4 Disyembre 2016
Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A)
Isaias 11, 1-10/Salmo 71/Roma 15, 4-9/Mateo 3, 1-12
Ang mga Pagbasa ngayong Ikalawang Linggo sa Panahon ng Pagdating ay tungkol sa Katarungan at Awa ng Diyos. Ang Katarungan at Awa ng Diyos ay tunay. Hindi ito katulad ng awa at katarungan na ipinapakita ng mundo. Sa mata ng mundong ito, magkahiwalay at magkaiba ang awa at katarungan. Subalit, sa mata ng Diyos, magkarugtong ang Awa at Katarungan. Hindi maaaring paghiwalayin ang Awa at Katarungan ng Diyos. Ang Diyos ay maawain at makatarungan.
Sa Unang Pagbasa, ipinahayag ng Diyos na darating ang isang hari mula sa lahi ni Jesse. Ang haring ito ay kalugud-lugod sa paningin ng Diyos. Tumatalima siya sa kalooban ng Diyos. Ipapakita Niya ang tunay na katarungan at awa mula sa Diyos. Magiging maawain siya sa mga dukha, at parurusahan niya ang mga masasama.
Ipinahayag ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na naparito si Hesus upang iligtas ang sangkatauhan. Dumating si Hesus sa sanlibutan bilang Manunubos ng sangkatauhan. Kaligtasan, hindi kapahamakan, ang nais Niyang idulot sa lahat. Sa pamamagitan ng Kanyang pagparito sa sanlibutan bilang Tagapagligtas, ipinakita ni Hesus sa lahat kung gaano kadakila ang Awa at Katarungan ng Diyos.
Sa Ebanghelyo, isinalarawan ni San Juan Bautista sa kanyang pangangaral sa Ilog Jordan ang Awa at Katarungan ng Diyos. Hinihikayat ni Juan Bautista ang lahat ng kanyang mga tagapakinig na magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan upang ang Awa at Katarungan ng Diyos ay kanilang maranasan. Ito ay bahagi ng kanyang pangangaral tungkol sa paghahanda ng daraanan ng Panginoon. Siya ang tinig na sumisigaw sa ilang. At may pahikayat ang tinig na ito sa mga nakakarinig nito. Hinihikayat ang lahat na magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan.
Isinilarawan din ni San Juan Bautista na makikita ng lahat ang Awa at Katarungan ng Diyos sa pamamagitan ng darating na kasunod niya (na higit pang dakila kaysa kanya). Ayon kay Juan Bautista, ang trigo ay kanyang titipunin sa kamalig at ang ipa ay isusunog niya sa apoy na di mamamatay kailanman. Sa ibang salita, langit ang gantimpala ng mga magsisisi at tatalikod sa kanilang mga kasalanan. Subalit, ang mga hindi magsisisi at tatalikod sa kanilang mga kasalanan ay parurusahan sa impyerno. Ang Mesiyas na si Hesus ang tinutukoy ni San Juan Bautista.
Ang pagdurusa ng mga makasalanan sa impyerno ay labag sa kalooban ni Hesus. Hindi kagustuhan ni Hesus na maparusahan at magdusa ang mga makasalanan sa impyerno. Nais Niyang iligtas ang mga ito. Subalit, wala Siyang magawa kung sasalungatin nila ang Kanyang hikayat. Wala na Siyang magawa kung ayaw nilang makinig sa Kanyang panawagan. Wala Siyang magawa kung ayaw nila sa Kanya. Wala Siyang magawa kung hindi nila tatanggapin Siya. Masakit man sa Kanyang kalooban, kailangang gawin ito ni Hesus.
Nais ng Panginoong Hesus na makinabang tayo sa Kanyang Awa at Katarungan. Kaya, may mga mensahero na Kanyang isinusugo upang mauna sa Kanya. Hatid ng mga mensaherong padala Niya ang Kanyang paghikayat sa atin. Hinihikayat tayong lahat na makibahagi at makinabang sa mga gantimpalang nagmumula sa Kanyang Awa at Katarungan. Subalit, upang maging karapat-dapat na makibahagi at makinabang sa mga pagpapalang nagmumula sa Kanyang Awa at Katarungan, kailangan nating pagsisihan at talikdan ang ating mga kasalanan. Magbalik-loob tayo sa Diyos upang makamit natin ang Awa at Katarungan ng Diyos.
Katarungan at Awa. Ito ang ipinapakita sa atin ng ating Panginoon at Manunubos na si Hesus. Ipinapakita Niya ito sa atin upang akitin tayong magsisi at magbalik-loob sa Kanya. Maaakit nawa tayong lahat sa Awa at Katarungan ng Diyos. Maakit nawa tayo sa ipinapakita ng Panginoong Hesukristo sa atin. Nawa'y maakit tayong magsisi at tumalikod sa ating mga kasalanan. Nawa'y maakit tayong talikuran ang ating mga makasalanang pamumuhay at magbalik-loob sa Diyos upang ang Awa at Katarungan ng Diyos ay ating maranasan at makamtan.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)