13 Agosto 2017
Ikalabinsyam na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
1 Hari 19, 9a. 11-13a/Salmo 84/Roma 9, 1-5/Mateo 14, 22-33
Ipinamalas ng Diyos kay propeta Elias sa Unang Pagbasa ang Kanyang pag-ibig na mapagkalinga at mapag-aruga. Inihayag naman ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa mula sa kanyang sulat sa mga taga-Roma kung paanong ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig para sa sambayanang Israel sa pamamagitan ng pakipagtipan at pag-angkin sa kanila bilang Kanyang bayang hinirang. Naranasan ni Apostol San Pedro sa Ebanghelyo ang pagligtas sa kanya ni Hesus mula sa tuluyang paglunod sa dagat sa pamamagitan ng pagsagip sa kanya ng Panginoon.
Naranasan ni Propeta Elias sa Unang Pagbasa ang pag-ibig ng Diyos na umaaruga at kumakalinga sa bawat isa. Ang puso't loobin ni Propeta Elias ay puspos ng takot sa mga sandaling yaon. Natatakot siya sapagkat may banta laban sa kanya si Reyna Jezebel. Batid ng Panginoong Diyos ang nararamdaman ng Kanyang abang lingkod na si Propeta Elias sa kanyang puso't loobin. Kaya, ipinadama ng Panginoong Diyos ang Kanyang presensiya kay Propeta Elias sa pamamagitan ng Kanyang banayad na tinig. Sa pamamagitan ng banayad at mahinahong tinig na ito, binigyan ng Diyos si Propeta Elias ng kapanatagan at katatagan ng loob.
Ipinaliwanag ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa mula sa kanyang sulat sa mga taga-Roma kung paanong ipinamalas ng Diyos ang Kanyang dakilang pag-ibig na walang hanggan sa Kanyang bayang hinirang - ang bayang Israel. Sa dinami-dami ng mga bansa sa daigdig, pinili't hinirang ng Diyos ang sambayanang Israel upang maging Kanya. Nilingap ng Diyos ang bayang Israel sa lahat ng mga bansa sa mundo. Kahit na ilang ulit nilang sinuway at tinalikuran ang Diyos, kahit na sila'y naging suwail, hindi nagmaliw ang pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan. Paulit-ulit Siyang nakipagtipan sa Kanyang bayan upang ipadama ang Kanyang dakilang pag-ibig na hindi magmamaliw kailanman. Humantong ang lahat ng ito sa pagdating ng Diyos Anak na si Kristo Hesus sa sanlibutan. At si Kristo Hesus na ating Mahal na Panginoon at Tagapagligtas ay pumanaog sa sanlibutan upang ipamalas sa lahat ang dakilang pag-ibig ng Diyos na walang hanggan sa pamamagitan ng Kanyang Krus at Muling Pagkabuhay - ang Kanyang Misteryo Paskwal.
Sa Ebanghelyo, sinagip ng Panginoong Hesus si Apostol San Pedro na nagsimulang malunod sa dagat noong sinubukan niyang maglakad sa ibabaw ng tubig, tulad ng Panginoon. Ipinamalas ni Hesus kung gaano katunay at kadakila ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagsagip kay Apostol San Pedro. Kahit pinagsabihan ng Panginoong Hesus si Apostol San Pedro dahil sa kaliitan ng kanyang pananalig, hindi Niya pinabayaang malunod ang Kanyang apostol at kaibigan. Bagkus, sinagip ni Hesus si San Pedro Apostol. Si Apostol San Pedro ay nagpakita ng kakulangan ng pananalig noong sinubukan niyang maglakad sa ibabaw ng tubig tulad ni Hesus, na humantong sa kanyang paglunod. Bilang tugon, nagpakita ng pag-ibig at pagkalinga si Hesus kay Apostol San Pedro sa pamamagitan ng pagsagip sa kanya.
Gaano mang kalaki o kaliit ang pananalig na taglay ng bawat isa, ipapakita't ipapadama pa rin ng Panginoon ang Kanyang tunay at dakilang pag-ibig na walang hanggan. Hindi Niya ipagdadamot ang Kanyang pag-ibig sa mga nagtataglay ng maliliit na pananalig sa Kanya. Kahit maliit ang pananalig na taglay ng bawat tao, iniibig pa rin sila ng Diyos. Mahalaga pa rin sa paningin ng Panginoon ang bawat nananalig sa Kanya, gaano mang kalaki o kaliit ang pananalig na taglay. Ipapakita't ipapadama ng Diyos sa bawat nananalig sa Kanya nang buong puso't kaluluwa ang Kanyang dakilang pag-ibig na kumakalinga at nagdudulot ng kapanatagan ng loob.
Kaya’t tinanong ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.” (Juan 6, 67-68)
Sabado, Agosto 12, 2017
Biyernes, Agosto 4, 2017
PAGPAPAKILALA NG SARILI
6 Agosto 2017
Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (A)
Daniel 7, 9-10. 13-14/Salmo 96/2 Pedro 1, 16-19/Mateo 17, 1-9
Isa sa mga pinakamahalagang sandali sa buhay ng Panginoong Hesukristo (bukod pa sa Kanyang Pasyon at Muling Pagkabuhay) ay ang Kanyang Pagbabagong-Anyo sa Bundok ng Tabor. Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabagong-Anyo, ipinakilala ng Panginoong Hesus ang Kanyang sarili at ang Kanyang misyon sa daigdig na ito.
Sino nga ba ang Nazarenong ito na nagngangalang Hesus? Ano nga ba ang Kanyang pakay noong Siya'y pumanaog sa daigdig na ito? Ang Nazarenong ito na ang Ngalan ay Hesus ang Bugtong na Anak ng Diyos na pumarito sa daigdig upang tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang Pasyong Mahal at Muling Pagkabuhay, ang Kanyang Misteryo Paskwal. Sa pamamagitan ng Misteryo Paskwal, ipinamalas ni Hesus ang Kanyang kadakilaan bilang Diyos.
Mula noong nagsimula ang panahon, ipinamalas ng Diyos ang Kanyang kadakilaan. Sa pamamagitan ng pagpapamalas ng Kanyang kaluwalhatian, ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili. Nagpakilala Siya bilang isang Diyos na puspos ng kadakilaan at kapangyarihan. Hindi mapapantayan o mahihigitan kailanman ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos sapagkat Siya lamang ang tunay at nag-iisang Diyos.
Nasaksihan ng mga manunulat ng mga Pagbasa ngayong Linggo ang kadakilaan ng Dios. Isinalaysay ni propeta Daniel sa Unang Pagbasa ang lahat ng mga naganap sa isang pangitain. Nakita ng propetang si Daniel sa kanyang pangitain kung paanong ipinamalas ng Diyos ang Kanyang kadakilaan. Isinalaysay naman nina Apostol San Pedro at San Mateo sa Ikalawang Pagbasa at sa Mabuting Balita kung paanong ang Panginoong Hesus ay nagbigay ng isang pasulyap sa Kanyang kaluwalhatian bilang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagbabagong-anyo sa Bundok ng Tabor.
Ipinapamalas ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian hindi upang ipagyabang ito kundi upang ipakilala ang Kanyang sarili sa lahat ng nilalang. Nais Niyang magpakilala at mapalapit sa ating lahat. Hindi Niya nais maging malayo o malamig ang Kanyang loob sa sangkatauhan. Nais ng Panginoong Diyos na Siya'y ating makilala, kapitan, lapitan, mahalin, at makapaling sa Kaniyang kaharian sa langit sa katapusan ng ating buhay sa lupang ibabaw.
Ang pinakadakilang pagpapamalas ng kaluwalhatian at kapangyarihan na ginawa ng Diyos ay ang pagsugo Niya kay Kristo Hesus. Isinugo si Hesus upang ihayag sa tanan ang dakilang pag-ibig ng Diyos. Si Hesus ay pumanaog sa sanlibutan bilang Mesiyas at Tagapagligtas ng sangkatauhan. Sa pamamagitan Niya, ipinamalas ang kapangyarihan at kadakilaan ng Dios sa tanan. Ito'y ginawa ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng Kanyang Krus at Muling Pagkabuhay.
Si Hesus ang Anak ng Diyos, ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo. Siya ay pumanaog sa daigdig bilang Mesiyas at Manunubos ng sangkatauhan. Iniligtas Niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang Pasyon at Pagkabuhay. Ang Kanyang Misteryo Paskwal ang nagpamalas ng Kanyang kadakilaan bilang Kataas-taasang Diyos na makapangyarihan, walang hanggan, at walang kapantay.

Sabado, Hulyo 29, 2017
SAPAT NA ANG DIYOS
30 Hulyo 2017
Ikalabimpitong Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
1 Hari 3, 5. 7-12/Salmo 118/Roma 8, 28-30/Mateo 13, 44-52 (o kaya: 13, 44-46)
Ang Suscipe ay isang panalanging kinatha ni San Ignacio de Loyola. Sa panalanging ito, inialay ni San Ignacio de Loyola ang kanyang buong sarili sa Diyos. Inialay niya sa Diyos ang lahat ng ukol sa kanyang sarili - mga kayamanan, hangarin, kalayaan, karangalan, at tagumpay. Pinili niya ang pinakamahalaga sa lahat - ang Diyos. Para kay San Ignacio de Loyola, sapat na ang Diyos. Sapat na ang pag-ibig ng Diyos. Ang Diyos ay sapat na. Ang Diyos ang tunay na kayamanan. Hindi na mahalaga ang mga bagay-bagay dito sa daigdig na ito. Sapat na ang Panginoon. Sapat na ang kalooban ng Panginoon. Sapat na ang pag-ibig ng Panginoon.
Ito ang mensaheng nais ipaabot sa atin ng mga Pagbasa ngayong Linggo. Sapat na ang Diyos. Mapapanatag ng Diyos ang ating mga puso't kalooban. Hindi na nating kailangang maghanap ng iba pa sa mundong ito. Hindi matatapatan o mahihigitan ng mundong ito ang mga kaloob ng Diyos. Sapat na ang Panginoon sa ating buhay. Sapat na ang Kanyang mga pagpapala. Siya ang tunay na kayamanan.
Sa unang dalawang talinghaga ni Hesus sa Ebanghelyo, ipinagbili ng dalawang tao ang lahat mga ari-arian nila kapalit ng mga bagay na itinuturing nilang mga tunay na kayamanan. Ang una'y isang taong nakahukay ng isang kayamanang nakabaon sa isang bukid at ang ikalawa'y isang mangangalakal na nakahanap ng isang perlas na mamahalin. Parehas nilang binenta ang lahat ng kanilang mga ari-arian kapalit ng mga bagay na napakahalaga para sa kanila. Sapat na para sa kanila ang kanilang mga tanging yaman. Hindi mapapantayan o mahihigitan ng iba pang mga bagay sa daigdig na ito ang kahalagahan ng mga kayamanan o perlas na nahanap nila.
Hindi mapapantayan ng mga kaloob ng sanlibutan ang mga kaloob ng Diyos. Ang mga kaloob ng sanlibutan ay pansamantala lamang. Hindi magtatagal ang mga ito magpakailanman. Ang mga handog at bigay ng mundo sa bawat isa sa atin ay may hangganan. Ang bawat tao'y maghahanap na naman ng ibang mga mahahalagang bagay na lilipas rin sa huli. Subalit, ang mga kaloob ng Diyos ay walang hanggan. Ang Kanyang pag-ibig ay walang hanggan. Ang Kanyang mga pagpapala'y walang hanggan. Ang Diyos mismo ay walang hanggan.
Ang Diyos ay sapat na. Sapat na ang Kanyang mga biyaya. Sapat na ang Kanyang pag-ibig. Wala na tayong hahanapin pa. Hindi mapapantayan o mahihigitan ang pag-ibig at mga kaloob ng Diyos. Walang kapantay ang Panginoong Diyos. Wala ring hihigit sa Kanya. Sapat na ang Panginoon. Papanatag at papayapa ang ating mga puso't kalooban sa Kanyang piling.

Sabado, Hulyo 22, 2017
HABANG MAY BUHAY, MAYROONG PAG-ASA
23 Hulyo 2017
Ikalabing-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Karunungan 12, 13. 16-19/Salmo 85/Roma 8, 26-27/Mateo 13, 24-43 (o kaya: 13, 24-30)
Sa pelikulang X-Men: Days of Future Past (2014), nakatagpo ng batang Professor Charles Xavier (James McAvoy) ang kanyang mas matadang sarili sa kinabukasan (Patrick Stewart). Nakita ng batang Professor X ang madilim na kinabukasan para sa mga mutants at pati na rin sa sangkatauhan. Kaya, nang magtagpo ang dalawa, inilabas ng batang Professor Charles Xavier ang lahat ng kanyang mga saloobin at mga hinanakit. Nawala ang lahat sa kanya. Walang-wala na siya. Galit na galit siya sa mundo. Siya'y iniwanan ng mga malalapit sa kanya tulad nina Raven (Mystique) at Erik Lehnessher (Magneto). Sa mga tanong ng batang Professor Charles Xavier sa kanyang matandang sarili, kitang-kita kung gaano kabigat ang mga dinadala at dinidibdib niya sa kanyang puso - lahat ng galit, lungkot, at mga hinanakit.
Sa pag-uusap ng dalawa, isa sa sa mga sinabi ng matandang Professor X sa kanyang batang sarili ay, "Just because someone stumbles and loses their way doesn't mean they are lost forever." Hindi porke't nagkamali ang isang tao at naligaw sa kanyang dinadaanan ay nangangahulugang habambuhay na siyang naliligaw ng landas. May pag-asa para sa bawat tao na magbagong-buhay at magpakabuti habang nabubuhay pa sa mundo. Hindi porket masama ang isang tao ay nangangahulugang mananatili siyang masama habambuhay. Habang nabubuhay pa ang isang tao sa daigdig na ito, mayroon pa siyang pag-asang magbagong-buhay.
Ang temang isinasalungguhit ng mga Pagbasa ngayong Linggo ay pag-asa. Ang pag-asa ay isang biyaya mula sa Diyos. Ang Diyos ang bukal ng pag-asa. Tayong lahat ay binibigyan Niya ng pag-asa. Ang pag-asang ipinagkakaloob ng Panginoong Diyos sa bawat isa sa atin ang nag-uudyok sa puso ng bawat isa na pagsisihan at talikdan ang makasalanang pamumuhay at mamuhay ayon sa kalooban ng Panginoong Dios, ang buhay na puno ng kabanalan. Kung walang pag-asa, hindi mauudyok ang mga puso natin na magbagong-buhay, magpakabuti, at magpakabanal. Kung walang pag-asa, ipagpapatuloy natin ang ating mga makasalanang pamumuhay.
Inihayag sa Unang Pagbasa na binibigyan ng pagkakataon ang bawat makasalanan upang makapagsisi. Hindi agad pinarurusahan ng Diyos ang mga makasalanan. Sa halip na parusahan at lipulin agad ang bawat makasalanan, binibigyan Niya sila ng oportunidad o pagkakataong makapagsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya. Gaano mang kabigat ang kasalanan ng bawat isa, binibigyan sila ng Diyos ng pag-asa na makamit ang Kanyang awa at kapatawaran. Ginagawa iyon ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataong makapagsisi at magbalik-loob sa Kanya ang mga makasalanan.
Inihayag ni Apostol San Pablo na tayong lahat ay tinutulungan ng Espiritu Santo sa ating mga kahinaan sa Ikalawang Pagbasa. Ang Espiritu Santo ang ating Patnubay. Siya ang ipinagkaloob sa atin ng Panginoong Hesus upang maging Patnubay nating lahat. Bilang ating Patnubay,tinutulungan tayo ng Espiritu Santo na magbalik-loob sa Diyos. Tayong lahat ay binibigyan Niya ng pag-asa na pagsisihan at talikdan ang ating mga kasalanan upang makamit ang Awa at Kapatawaran ng Diyos. Binibigyan tayo ng pag-asang makipagkasundo sa Diyos. Ang Espiritu Santo pa nga mismo ang tumutulong sa bawat isa sa ating lahat na makipagkasundo sa Diyos.
Sa Ebanghelyo, inilarawan ni Hesus sa pamamagitan ng talinghaga tungkol sa mga damo sa triguhan kung paanong ang Diyos ay nagbibigay ng pagkakataon sa bawat tao na makapagsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya. Katulad ng inihayag sa Unang Pagbasa, hindi kaagad-agad pinarurusahan at pinupuksa ng Diyos ang makasalanang sangkatauhan. Bagkus, binibigyan Niya ng pagkakataong pagsisihan at talikuran ng bawat tao ang kanilang makasalanang pamumuhay. Ang bawat tao ay binibigyan Niya ng pag-asang magbagong-buhay at magbalik-loob sa Kanya. Sa mata ng Dios, habang nabubuhay ang bawat tao sa mundong ito, meron pang pag-asa para sa kanya na makapagbagong-buhay.
Habang may buhay ang bawat tao sa daigdig na ito, mayroon pang pag-asa para sa bawat tao na makapagbagong-buhay at magbalik-loob sa Panginoon. Gaano mang kabigat at kasama ang kasalanan ng bawat tao, mayroon pang pag-asang magbalik-loob sa Diyos habang nabubuhay pa sa daigdig na ito. Sapagkat ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay hinding-hindi makahihigit sa kadakilaan at kapangyarihan ng Awa't Pagpapala ng Diyos. Ang Awa't Pagpapala ng Diyos ay higit na dakila at higit na makapangyarihan kaysa sa kapangyarihan at kabigatan ng kasalanan.

Sabado, Hulyo 15, 2017
MABUTING LUPA?
16 Hulyo 2017
Ikalabinlimang Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Isaias 55, 10-11/Salmo 64/Roma 8, 18-23/Mateo 13, 1-23 (o kaya: 13, 1-9)
Tampok sa Ebanghelyo ngayon ang Talinghaga ng Manghahasik. Ang mga binhing inihasik ng magsasaka sa talinghaga ni Hesus ay nalaglag sa iba't ibang uri ng lupa. Mayroong mga binhing nalaglag sa tabi ng daraanan, sa kabatuhan, sa dawagan, at sa mabuting lupa. Inilarawan ni Hesus sa parabulang ito kung paanong inihahasik ng Diyos ang Kanyang Salita sa puso ng bawat tao, matuwid man o makasalanan.
Hindi eksklusibo para sa mga mabubuting tao ang Salita ng Diyos. Kung ang Salita ng Diyos ay eksklusibo lamang sa mga matuwid, ang mga katulad nina Apostol San Pablo, San Agustin, at San Ignacio de Loyola'y hindi magiging banal. Bagkus, sila'y mananatiling makasalanan. Subalit, hindi ganun ang Salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay para sa lahat. Inihahasik ng Dios ang Kanyang Salita sa puso ng bawat tao, mabuti man o masama. Hindi pinipili ng Diyos kung sinu-sino ang mga dapat at 'di dapat tumanggap sa Kanyang Salita. Niloob ng Diyos na ibahagi sa lahat ng tao ang Kanyang Salita. Niloob ng Diyos na maging para sa lahat ang Kanyang Salita. Kaya naman kusa Niya itong ibinabahagi sa lahat ng tao.
Inihayag ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa na magaganap ng Kanyang mga salita ang lahat ng Kanyang mga ninanais. Anuman ang Kanyang naisin, tulad ng pagbibigay ng bagong buhay sa bawat makasalanan at pagkakaloob ng mga pangangailangan ng sangkatauhan, ay Kanyang mapangyayari sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
Inihayag ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa ang Mabuting Balita tungkol sa kalooban ng Diyos. Inihayag ng Diyos na niloob Niyang ituring at ampunin ang lahat ng mga tumanggap sa Espiritu Santo bilang unang kaloob ng Diyos sa bawat tao. Niloloob ng Diyos na bigyan tayo ng bagong buhay bilang Kanyang mga anak. Niloob ng Diyos na tayo'y ampunin at tanggapin bilang mga anak Niya. Niloob ng Dios na iligtas at palayain tayong lahat mula sa bitag ng kaalipinan at kasalanan sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo, ang Kanyang Bugtong na Anak.
Niloob ng Diyos na ibahagi sa ating lahat ang Kanyang Salita. Niloob ng Diyos na tanggapin, ampunin, at kalingain bilang mga anak Niya. Niloob ng Dios na bigyan tayo ng bagong buhay bilang Kanyang mga anak. Suriin natin ang ating mga sarili - mabuting lupa ba ako? Tatanggapin at tatalima ba ako sa kalooban ng Diyos?

Linggo, Hulyo 9, 2017
MAAMO AT MABABANG-LOOB
9 Hulyo 2017
Ikalabing-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Zacarias 9, 9-10/Salmo 144/Roma 8, 9. 11-13/Mateo 11, 25-30
Inilalarawan ng mga Pagbasa ngayong Linggo ang kababaang-loob ng Panginoong Hesus. Mahirap mamuhay nang may kababaan ng loob, lalung-lalo na sa panahon ngayon. Itinuturo sa atin ng lipunan na ang kababaang-loob ay tanda ng kahinaan at dapat tayong makipagpaligsahan sa kapwa. Dapat nating gawin ang lahat upang iangat ang sarili, kahit ang kahulugan nito'y pabagasakin ang iba, ang ating kapwa. Subalit, noong si Hesus ay pumanaog sa sanlibutan, sinuway Niya ang pananaw na ito. Bagkus, si Hesus ay nagturo ng isang bagong pananaw na taliwas sa mga turo't aral ng lipunan - ang mamuhay nang may kababaang-loob. Si Hesus rin mismo ang naging tunay na huwaran ng Kanyang mga turo't aral ukol sa kababaang-loob.
Ang Panginoong Hesukristo ang hari na tinutukoy ni propeta Zacarias sa kanyang propesiya sa Unang Pagbasa. Noong pumanaog sa sanlibutan si Hesus, hindi Niya tinaglay ang Kanyang kapangyarihan bilang Diyos. Bagkus, katulad ng inihayag ni Apostol San Pablo sa ikalawang kabanata ng kanyang sulat sa mga taga-Filipos (2, 6-11), hinubad ni Hesus ang Kanyang pagka-Diyos at namuhay bilang alipin. Kusa Siyang nagpakumbaba at niyakap ang buhay ng mga maralita. Ayon rin sa hula ni propeta Zacarias sa Unang Pagbasa, si Hesus ay dumating nang buong kababaang-loob. Hindi Siya nagmataas noong Siya'y nagpakita sa Kanyang bayan bilang hari't mananakop. Buong kababaang-loob na lumitaw at nagpakita si Hesus sa Kanyang bayan bilang Panginoon, Tagapagligtas, at Hari.
Bakit kababaang-loob ang tinaglay ni Hesus noong Siya'y pumanaog sa lupa? Ayon kay Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, "hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman" (8, 12). Bakit hindi na tayo mga alipin ng likas na hilig ng laman? Dahil sa Panginoong Hesus. Ang Panginoong Hesus ang Siyang nagbigay ng kalayaan sa ating lahat. Tayong lahat ay makapamuhay nang malaya bilang mga anak ng Diyos dahil sa kababaang-loob ni Kristo Hesus. Ipinamalas ni Kristo Hesus ang Kanyang kababaang-loob noong inihain Niya ang Kanyang buhay sa krus para sa atin. Dahil sa kababaang-loob ni Kristo, tayong lahat ay nagkaroon ng kalayaan. Tayong lahat ay pinalaya ni Kristo mula sa pagkaalipin sa pita ng laman.
Habilin rin ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, ang mga gawa ng laman ay dapat patayin sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kung tayo'y mabubuhay ayon sa laman, hindi tayo magkakaroon ng buhay na kaloob ng Diyos. Kapag ang mga pita ng laman ay tatanggapin natin, itinatakwil natin ang biyaya ng buhay na kaloob ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Subalit, kung ang mga pita ng laman ay papatayin natin sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tinatanggap natin ang paghahain ng sarili ni Kristo sa krus. Atin ding tinatanggap ang biyaya ng buhay na walang hanggan na kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng krus at Muling Pagkabuhay ni Kristo.
Sa Ebanghelyo, inihayag ni Hesus na Siya'y maamo at mababang-loob. Ipinakita ni Hesus ang Kanyang kaamuan at kababaang-loob noong inanyayahan Niya ang mga napapagal at nabibigatan ng pasanin na lumapit sa Kanya upang makasumpong ng kaginhawaan at kapahingahan sa piling Niya. Hindi malamig ang Kaniyang loob sa lahat ng mga nabibigatan sa kanilang mga pasan. Bagkus, Siya'y puno ng kaamuan at kababaan ng loob. Pinapatunayan ito ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang pag-anyaya sa lahat ng mga lubhang nabibigatan ng pasan. Hindi Niya pinagbabawalan ang lahat ng mga napapagal na makasumpong ng kaginhawaan sa Kanyang piling.
Tinatawag at inaanyayahan tayo ng Panginoong Hesus na lumapit sa Kanya upang makasumpong ng tunay na pahinga at ginhawa sa piling Niya. Sa pamamagitan ng paanyayang ito, ipinapakita sa atin ni Hesus ang Kanyang kaamuan at kababaang-loob. Ang kaamuan at kababaang-loob ni Hesus ang nagdulot ng ating kalayaan at kaligtasan. Ang kaamuan at kababaang-loob ni Hesus ang Siya ring nagdudulot ng tunay na kapanatagan ng loob na masusumpungan lamang natin sa piling Niya.

Linggo, Hulyo 2, 2017
BINIBIYAYAAN NG PANGINOON ANG MGA TUMATANGGAP SA KANYA
2 Hulyo 2017
Ikalabintatlong Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
2 Hari 4, 8-11. 14-16a/Salmo 88/Roma 6, 3-4. 8-11/Mateo 10, 37-42
Sa Ebanghelyo, inihayag ni Hesus sa mga apostol na ang sinumang tumanggap sa isa sa kanila ay Kanyang pagpapalain. Ang pagtanggap sa kahit isa sa mga apostol ni Hesus, ayon na rin mismo sa inihayag ni Hesus, ay pagtanggap rin sa Kanya. At ang pagtanggap kay Hesus ay pagtanggap rin sa Amang nasa langit na nagsugo sa Kanya dito sa lupa. Makakatanggap ng maraming pagpapala mula sa Panginoong Diyos ang mga tumanggap sa Kanya nang buong puso't kaluluwa.
Ito ang ginawa ng isang mag-asawa para kay propeta Eliseo sa Unang Pagbasa. Ang kanilang pagtanggap kay propeta Eliseo na isinugo ng Diyos ang naging daan tungo sa pagpasok ng pagpapala ng Diyos sa kanilang buhay. Dahil sa pagtanggap nila kay propeta Eliseo, sila'y nakatanggap ng isang napakalaking pagpapala mula sa Diyos. Inihayag ni propeta Eliseo sa magkabiyak ng puso na magkakaanak sila sa susunod na taon. Matagal nang walang anak ang mag-asawang ito. Subalit, noong tinanggap at pinatuloy nila sa kanilang tahanan si propeta Eliseo, sila'y nakatanggap ng isang napakalaking gantimpala mula sa Dios. Magkakaanak sa susunod na taon ang mag-asawang ito. Tinanggap nila ang Diyos sa kanilang buhay noong tinanggap nila ang propetang si Eliseo na Kanyang hinirang at sinugo.
Nagsalita si Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa ukol sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ng tao sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sinugo ng Diyos si Kristo Hesus sa sanlibutan upang padaluyin ang Kanyang Awa't pagpapala sa lahat ng tao sa pamamagitan Niya. Pumasok sa sanlibutan ang pagpapala ng Dios na nagliligtas sa lahat sa pamamagitan ng pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Kristo. Ang Awa at pagpapala ng Diyos ay dumating sa lupa sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sinugo ng Diyos si Hesus upang padaluyin ang Kanyang habag at pagpapala sa lahat ng tao sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay.
Ibinubuhos ng Diyos ang Kanyang Awa't pagpapala sa lahat ng mga tumatanggap at nananalig sa Kanya. Hindi Niya ipinagdadamot sa mga tumatanggap sa Kanya nang buong pusong pananalig at pananampalataya sa Kanya. Hindi ipinagkakait ng Dios ang Kanyang habag at pagpapala. Bagkus, kusa Niya itong ibinabahagi at ibinibigay sa lahat ng mga nananalig at sumasampalataya nang buong puso't kaluluwa.
May gantimpalang inilaan ang Diyos para sa lahat ng mga buong pusong tatanggap at mananalig sa Kanya. Pagpapalain at kahahabagan ng Panginoong Dios ang lahat ng mga tatanggap sa Kanya. Lalong mararanasan ng mga tatanggap sa Panginoong Diyos ang Kanyang habag at pagpapalang walang hanggan.
Ang Diyos ay tunay ngang mapagpala at mapagmahal. Hindi Niya ipinagkakait ang Kanyang Awa't biyaya. Bagkus, kusa Niyang ibinabahagi at ibinubuhos ang mga ito sa ating lahat. Sa pamamagitan ng Kanyang habag at biyaya, inihahayag ng Dios sa lahat ang Kanyang pag-ibig na walang hanggan. Lalo nating mararanasan ang Awa at pagpapala ng Diyos na nagdulot ng ating kaligtasan kung buong puso't kaluluwa nating Siyang tatanggapin sa ating buhay at sasambahin magpakailanman.
Sa pamamagitan ng Kanyang Awa't grasya, inihahayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig na walang maliw na dapat lagi nating sambitin. Ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos ang nagligtas sa ating lahat sa pamamagitan ni Kristo Hesus.
Pag-ibig Mong walang maliw ay lagi kong sasambitin. (Salmo 88)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)