12 Abril 2020
Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Mga Gawa 10, 34a. 37-43/Salmo 117/Colosas 3, 1-4 (o kaya: 1 Corinto 5, 6b-8)/Juan 20, 1-9
Higit na natatangi ang Pasko ng Muling Pagkabuhay sa lahat ng mga araw sa buong taon para sa Simbahan. Sa Kalendaryo ng Simbahan, ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ay ang pinakamahalaga at pinakadakilang araw sa buong taon. Kung tutuusin, higit na mahalaga ito sa Pasko ng Pagsilang na ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre. Hindi masusukat ng anumang pagdiriwang o pista sa ibang mga araw ng taon ang kahalagahan at kadakilaan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.
Maitatanong ng karamihan kung bakit ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ay higit na importante o kahalaga kaysa sa ibang mga pista sa isang taon, kabilang na rito ang Pasko ng Pagsilang. Ang sagot ay matatagpuan sa mga Pagbasa para sa dakilang araw na ito. Katunayan, sa pangalan pa lamang ng araw na ito ay malalaman agad ng bawat isa ang dahilan. Sa araw na ito, ang Pasko ng Muling Pagkabuhay, buong kagalakang ipinagdiriwang ng Simbahan ang Muling Pagkabuhay ni Hesus.
Tunay ngang muling nabuhay ang Panginoong Hesus. Hindi Siya nanatili sa loob ng libingan. Hindi Siya nanatiling patay. Bagkus, Siya'y muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad ng Kanyang sinabi nang paulit-ulit. Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus ay pinatotohanan sa mga Pagbasa para sa dakilang araw na ito.
Inilarawan ni Apostol San Pedro, ang unang Santo Papa ng Simbahan, sa kanyang pangaral sa Unang Pagbasa kung paanong ang pagkamatay ni Kristo sa krus ay hindi hudyat ng katapusan ng lahat para sa Kanya. Hindi nagwakas ang lahat para kay Kristo noong Siya'y mamatay sa krus. Bagkus, ito'y naging daan para sa Kanya tungo sa Kanyang Muling Pagkabuhay. Ang Muling Pagkabuhay ni Kristo Hesus ay ang patunay na hindi sa kamatayan nagtapos ang lahat. Ang lahat ng mga sakit at pagdurusang Kanyang binata hanggang sa Kanyang pagkamatay sa krus ay hindi nauwi o nagtapos sa kabiguan at kamatayan.
Katulad ng unang Santo Papa na si Apostol San Pedro sa Unang Pagbasa, si Apostol San Pablo ay nangaral tungkol kay Kristong Muling Nabuhay sa Ikalawang Pagbasa. Sa kanyang unang sulat sa mga taga-Corinto, ipinakilala Niya ang Muling Nabuhay na si Hesus bilang ating Korderong Pampaskuwa (5, 7). Matapos Niyang ibigay ang buo Niyang sarili bilang handog sa krus alang-alang sa sangkatauhan, si Hesus ay muling nabuhay sa ikatlong araw. Sabi rin ni Apostol San Pablo sa sulat sa mga taga-Colosas, ang Panginoong Hesus na Muling Nabuhay ay nakaluklok sa kanan ng Diyos sa langit (3, 1). Si Hesus na nakaluklok sa kanan ng Amang nasa langit ay ang Korderong inihain sa krus alang-alang sa ating lahat. Matapos ialay ang Kanyang sarili sa krus, Siya'y nabuhay na mag-uli. Ang Korderong nag-alay ng sarili sa krus alang-alang sa sangkatauhan ay tunay ngang nabuhay na mag-uli at ngayo'y nakaluklok sa kanan ng Ama.
Sa Ebanghelyo, itinatampok ang libingang walang laman. Ang bangkay ni Hesus ay wala sa libingan. Iyan ang dahilan kung bakit tayo nagdiriwang. Wala nang laman ang libingan dahil ang nilibing ay nabuhay na mag-uli. Si Hesus na nakalibing noon matapos Siyang mamatay sa krus ay muling nabuhay. Sabi sa dulo ng salaysay sa Ebanghelyo na ang minamahal na alagad ng Panginoon na si Apostol San Juan ay naniwala nang makita niya ang kayong lino na nakahiwalay sa panyong binalot sa ulo, bagamat hindi pa nila naunawaan nang mabuti noon (Juan 20, 6-9). Iyan ang dahilan ng ating pagdiriwang ngayon. Si Hesus ay muling nabuhay. Katunayan, tiniklop pa nga yung mga kayong lino at ang panyong pambalot sa ulo. Ibig sabihin lang nito, hindi ninakaw ang bangkay ni Hesus. Muling nabuhay si Hesus.
Ang hatid ng Muling Nabuhay na si Hesus sa bawat isa ay kagalakan. Pinapawi na Niya ang ating kalungkutan, dalamhati, at hapis. Ang dalamhati at hapis na dulot ng Kanyang pagpapakasakit at pagkamatay ay Kanyang pinapawi. Ang panahon ng hapis, pagdadalamhati, at pagluluksa ay hindi Niya pinatagal dahil sa Kanyang Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan ng Kanyang Muling Pagkabuhay, ang hapis, luha, at dalamhati ay pinalitan Niya ng kagalakan at pag-asa.
Binigyan ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay ang bawat isa sa atin ng dahilan upang magdiwang at magalak - ang Kanyang Muling Pagkabuhay. Tunay nga Siyang nabuhay na mag-uli. Siya'y namatay ngunit muling nabuhay. Tunay ang Kanyang Muling Pagkabuhay., ito'y hindi gawa-gawa o kathang-isip lamang. Ito ang totoo. Ito ay tunay at lehitimo. Sa pamamagitan ng Kanyang Muling Pagkabuhay, ang Panginoong Hesukristo ay naghatid ng kagalakan sa lahat.
MALIGAYANG PASKO NG MULING PAGKABUHAY SA ATING LAHAT!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento