13 Abril 2020
Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Mga Gawa 2, 14. 22-33/Salmo 15/Mateo 28, 8-15
Ang mga Pagbasa para sa araw na ito ay sumasalamin sa kagalakan ng Simbahan sa panahong ito. Ang Simbahan ay patuloy na nagdiriwang nang buong kagalakan dahil sa Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus ang kung bakit ang Simbahan ay nagdiriwang nang buong kagalakan. Ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ay naghahatid ng tuwa at galak sa lahat. Siya'y nagwagi laban sa kasalanan at kamatayan. Iyan ang ipinapaalala ng Kanyang Muling Pagkabuhay.
Sa Unang Pagbasa, nagpatotoo si Apostol San Pedro at ang mga apostol tungkol kay Kristo. Sa patotoo ng mga apostol na pinangunahan ni Apostol San Pedro, ang unang Santo Papa ng Simbahan, inilarawan nila kung paanong ang Panginoon ay muling nabuhay matapos Siyang mamatay sa krus. Si Kristo ay hindi nanatili sa loob ng libingan matapos Siyang mamatay. Bagkus, Siya'y nabuhay na mag-uli sa ikatlong araw. Sa Ebanghelyo, isinalaysay ang pagpapakita ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay sa mga babaeng pumunta sa Kanyang libingan. At ang bilin ni Hesus sa kanila ay ibalita ito sa mga apostol na Siya'y nabuhay at papunta Siya sa Galilea kung saan Siya'y makikita nila (Mateo 28, 10).
Ito ang dahilan ng ating pagdiriwang. Ito ang dahilan kung bakit ang Simbahan ay nagdiriwang nang buong galak sa panahong ito. Si Hesus na ating Panginoon at Manunubos ay namatay sa krus ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw. Si Hesus ay tunay ngang nabuhay na mag-uli. Iyan ang totoo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento