8 Abril 2020
Mga Mahal na Araw: Miyerkules Santo
Isaias 50, 4-9a/Salmo 68/Mateo 26, 14-25
Napakasakit pakinggan ang salaysay sa Ebanghelyo para sa araw na ito. Tampok sa Ebanghelyo para sa araw na ito ang pakikipagsabwatan ni Hudas Iskariote sa mga kaaway ng Panginoong Hesukristo. Ipinagpalit niya ang Panginoong Hesus sa tatlumpung piraso ng pilak. Napakalinaw kung paanong hindi niya pinahalagahan ang pinagsamahan nila ng Panginoon. Matagal niyang nakasama ang Panginoon. Katunayan, itinuring pa nga siyang kaibigan ng Panginoon. Subalit, sa isang iglap lamang, ipinagpalit niya ang Panginoong Hesukristo. Hindi na mahalaga para kay Hudas ang kanyang ugnayan kay Kristo. Sa paningin ni Hudas, si Kristo Hesus ay basura at walang halaga kung Siya'y ikukumpara sa salapi.
Masakit para sa Panginoong Hesus na malaman ang katotohanang iyon tungkol sa isang tao na itinuring Niyang kaibigan sa loob ng mahabang panahon. Alam Niyang nakipagsabwatan si Hudas sa Kanyang mga kaaway nang palihim. Alam ni Hesus ang lahat tungkol sa kasunduan ni Hudas Iskariote sa Kanyang mga kaaway. Labis Siyang nasaktan sa ginawa ni Hudas laban sa Kanya. Si Hesus ay ipinagpalit nang gayon na lamang. Si Hesus ay katumbas lamang ng salapi. Hindi biro ang hapdi dulot nito. Salapi lamang ang halaga ng kaibigan. Napakasakit.
Alam ni Hesus na ganyan din ang bawat isa sa atin. Hindi lamang si Hudas ang ganyan. Alam ni Hesus na may mga pagkakataon sa buhay natin dito sa daigdig na tayo'y hindi tapat sa Kanya. Subalit, sa kabila nito, pinili pa rin Niyang maging tapat sa atin. Pinili pa rin Niyang mahalin tayo nang buong katapatan. Ilang beses man nating ipagpalit si Hesus, tayo'y hindi Niya ipagpapalit. Mananatili Siyang tapat sa bawat isa sa atin. Patuloy Niya tayong iibigin nang buong katapatan.
Sabi sa Unang Pagbasa na hindi maghihimagsik o tatalikod sa Panginoong Diyos ang ipinangakong Mesiyas (50, 5). Iyan ang ginawa ng Panginoong Hesukristo sa bawat sandali ng Kanyang misyon sa lupa bilang Mesiyas. Kung paanong naging tapat si Kristo sa kalooban ng Ama, ganyan din Siya pagdating sa Kanyang pag-ibig para sa atin. Mananatiling tapat sa atin si Hesus, tulad ng Kanyang ginawa sa plano ng Ama. Lagi Siyang tapat.
Tunay tayong minamahal ng Panginoon nang buong katapatan. Hindi Niya tayo ipagpapalit kailanman.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento