26 Abril 2020
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)
Mga Gawa 2, 14. 22-33/Salmo 15/1 Pedro 1, 17-21/Lucas 24, 13-35
Kagalakan at kaligtasan ang hatid ng Panginoong Hesus sa bawat isa. Ang mga biyayang ito ay Kanyang ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay, ang sangkatauhan ay Kanyang iniligtas. Sa pamamagitan nito, ang Panginoong Hesus ay naghatid ng kagalakan sa ating lahat.
Ang krus at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ang paksa ng pangaral ng unang Santo Papa ng Simbahan na si Apostol San Pedro sa Unang Pagbasa. Inilarawan niya kung paanong si Hesus ay hindi nanatiling patay matapos Siyang mamatay sa krus. Ipinapatay nga Siya ng mga autoridad, ngunit hindi Siya nanatili sa libingan. Matapos Siyang mamatay sa krus, si Kristo ay muling nabuhay. Ang Panginoong Hesus ay tunay ngang nabuhay na mag-uli.
Tinalakay naman ni Apostol San Pedro sa Ikalawang Pagbasa ang paghahain ng sarili ni Kristo sa krus. Si Kristo'y ipinakilala ni Apostol San Pedro bilang Korderong walang batik o kapintasan (1, 19). Iyan ang dahilan kung bakit namatay sa krus si Hesus. Si Hesus ay naghain ng sarili sa krus alang-alang sa sangkatauhan. Hindi ipinagdamot ni Kristo ang buo Niyang sarili alang-alang sa sangkatauhan. Bagkus, kusa Niyang inalay ang sarili sa krus. Matapos mamatay sa krus bilang handog para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, Siya'y nabuhay na mag-uli. Si Hesus, ang Korderong ipinaslang alang-alang sa sangkatauhan, ay nabuhay na mag-uli.
Ipinaliwanag mismo ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay sa dalawang alagad sa daang patungong Emaus ang dahilan kung bakit kinailangan Niyang tiisin ang lahat ng hirap at pagdurusa. Iyan ang itinatampok sa unang bahagi ng Ebanghelyo. Mismong ang Muling Nabuhay na si Hesus ang nagpaliwanag sa kanila kung bakit kinailangan Niyang magpakasakit at mamatay bago mabuhay na mag-uli. At Siya'y nakilala ng dalawang alagad na ito sa pangalawang bahagi ng Ebanghelyo noong hinati Niya ang tinapay. Sa sandaling iyon, ang dalawang alagad ay napuspos ng galak dahil nakita nila ang Muling Nabuhay na si Hesus.
Ang Muling Nabuhay na si Hesus ay naghatid ng kagalakan sa dalawang alagad sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo. Ang dalamhati at kabiguan sa kanilang mga puso ay pinalitan Niya ng kagalakan. Hindi na dalamhati at sakit ang naghahari sa kanilang mga puso. Hindi na sila litong-lito. Bagkus, sila'y napuspos ng galak dahil sa Kanyang Muling Pagkabuhay. Ang Panginoong Hesus na namatay sa krus ay muling nabuhay. Si Hesus na namatay at nabuhay na mag-uli ang naghahatid ng galak sa ating lahat.
Sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay, si Hesus ay naghatid ng kaligtasan sa lahat. Sa pamamagitan ng pagtubos sa sangkatauhan, si Hesus ay naghatid ng kagalakan sa lahat.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento