IKAPITONG WIKA:
"Ama, sa mga Kamay Mo'y ipinagtatagubilin Ko ang Aking Espiritu!"
(Lucas 23, 46)
Dalawang aral ang ating mapupulot mula sa ikapito at pinakahuling wika ni Hesus bago Siya pumanaw sa krus. Una, ang buhay ay isang biyaya mula sa Diyos. Ang pinagmulan ng buhay ay walang iba kundi ang Panginoong Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit sagrado ang buhay. Pangalawa, ang buhay ng bawat tao sa daigdig ay may hangganan. Iyan ay dahil ito'y ipinaharam lamang ito ng Diyos sa bawat isa sa atin. Hindi permanente ang buhay dito sa daigdig.
Una, ang buhay ay isang biyaya mula sa Diyos. Sabi sa aklat ng Genesis na ang tao'y nilikha ng Diyos mula sa alabok at hiningahan sa ilong (2, 7). Napakalinaw sa mga salitang ito kung saan nagmumula ang buhay. Ang Panginoong Diyos ay ang pinanggalingan ng buhay. Siya ang bukal ng buhay. Siya ang nagbibigay-buhay sa bawat isa sa atin. Siya lamang ang may kapangyarihan gumawa nito. Sabi pa nga sa Banal na Kasulatan na ang Panginoong Diyos ay Diyos ng mga buhay at hindi ng mga patay (Mateo 22, 32; Marcos 12, 27; Lucas 20, 38).
Kaya naman, ang buhay ay dapat nating pahalagahan. Ang buhay ay isang biyaya mula sa Diyos. Siya ang nagkakaloob ng buhay sa atin. Hindi dapat nating kinikitil ang buhay ng bawat tao. Hindi dapat tayo pumatay. Kaya nga, ang ikalimang utos sa Sampung Utos ng Diyos ay "Huwag kang papatay!" (Exodo 21, 13). Napakadali lamang intindihin ito. Diretsong-diretso. Ang buhay ay dapat pahalagahan dahil ito'y isang biyaya mula sa Diyos. Walang karapatan ang sinuman na bawiin ang buhay ng kapwa-tao dahil sa katotohanang ito.
Pangalawa, may hangganan ang buhay natin dito sa daigdig. Bilang mga tao, hindi tayo mamumuhay sa daigdig magpakailanman. Darating din ang takdang panahon kung kailan lilisanin natin ang daigdig na ito. Babawiin sa atin ng Diyos ang buhay natin pagdating ng takdang panahong ito. Kaya nga, sinasabi natin na 'binawian ng buhay' ang isang tao kapag siya'y pumanaw na. Sino ang bumawi sa buhay niya? Walang iba kundi ang Panginoon.
Ang buhay natin dito sa daigdig ay ipinahiram lamang ng Diyos. Kaya naman, kahit hindi halata, pansamantala lamang tayo mamumuhay dito sa daigdig. Hindi natin kayang ipagkaila ang katotohanang ito. Saglit lamang tayo mabubuhay sa daigdig. Darating din ang panahon kung kailan ibabalik natin sa Panginoon ang buhay na ipinahiram Niya sa atin. Babawiin Niya ang ating buhay balang araw. Kailan iyon? Walang sinuman ang nakakaalam. Ang Diyos lamang ang tanging nakakaalam.
Isang biyayang ipinahiram ng Diyos sa atin ang buhay. Saglit lamang ang ating buhay dito sa daigdig. Ipinahiram lamang ito ng Diyos sa atin. Ibabalik din natin ito sa Kanya pagdating ng takdang panahon. Kaya naman, ang tanong na iniiwan sa atin ng ikapito't huling wika ng Panginoong Hesukristo mula sa krus - paano natin ginagamit ang biyaya ng buhay na ipinahiram sa atin ng Diyos?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento