9 Abril 2020
Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon
Exodo 12, 1-8. 11-14/Salmo 115/1 Corinto 11, 23-26/Juan 13, 1-15
Sa huling tatlong araw ng mga Mahal na Araw, ginugunita ng Simbahan ang mga pinakamahalagang sandali sa kasaysayan. Lalong binibigyan ng pansin sa tatlong araw na ito ang pinakamahalagang misteryo ng pananampalatayang Kristiyano. At iyon ay walang iba kundi ang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus. Ang mga kaganapang ito ay ang mga pinakamahalagang kaganapan para sa bawat Kristiyano. Sa mga huling sandali sa buhay ni Hesus sa daigdig, naganap ang pagtubos sa sangkatauhan.
Iniligtas ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ni Kristo Hesus hindi lamang upang ipamalas ang Kanyang kapangyarihang walang kapantay. Bagkus, ipinasiya ng Diyos na gawin ito dahil sa pag-ibig. Dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig para sa ating lahat, niloob ng Diyos na Siya ay magbata ng maraming hirap at pagdurusa hanggang kamatayan sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo.
Tampok sa mga Pagbasa ang mga sandaling kung saan ipinamalas ng Panginoon ang Kanyang dakilang pag-ibig. Sa Unang Pagbasa, isinalaysay ang kasaysayan ng Paskuwa. Ang Paskuwa ay ipinagdiriwang ng mga Hudyo dahil inaalala nila ang pag-ibig ng Diyos. Noong gabi ng unang Paskuwa, iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita mula sa huling salot na Kanyang inihatid - ang bawat panganay na lalaki sa buong Ehipto ay papatayin Niya (Exodo 12, 12). Ang Panginoong Diyos rin ang gumawa ng paraan upang makaligtas ang mga Israelita mula sa salot na ito. Ang mga Israelita ay inutusan ng Panginoon, sa pamamagitan nina Moises at Aaron, na lagyan ng dugo ng kordero o kambing ang kanilang mga bahay. Iyon ang magiging palatandaan para sa Panginoon na Israelita ang nakatira sa nasabing bahay. Ang bawat bahay na nilagyan ng dugo ng kordero o kambing ay lalampasan ng Diyos (Exodo 12, 7. 11). Sa pamamagitan nito, iniligtas at pinalaya ng Panginoong Diyos mula sa pagkaalipin sa Ehipto ang mga Israelita. Sa pamamagitan nito, ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig para sa kanila.
Ang pag-ibig ng Diyos na ipinakita Niya sa bayang Israel ay muli Niyang inihayag pagsapit ng takdang panahon sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na si Kristo. Ito ang ginugunita ng Simbahan sa gabi ng Huwebes Santo. Kung tutuusin, sa Huling Hapunan pa lamang ay ipinakita na ni Kristo ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa sangkatauhan. Ipinakita Niya ito sa dalawang bagay ginawa Niya sa Huling Hapunan. Isinalaysay sa Ikalawang Pagbasa at Ebanghelyo ang dalawang bagay na ginawa ni Hesus sa Huling Hapunan. Sa Ikalawang Pagbasa, isinalaysay ni Apostol San Pablo, na hindi kabilang sa mga kasalo ni Hesus sa senakulo nang gabing yaon, ang pagkakatatag sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Itinatag ng Panginoong Hesukristo ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig. Dahil sa Kanyang pag-ibig, ibinigay Niya ang Kanyang Katawan at Dugo upang maging pagkain at inumin ng lahat. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang Katawan at Dugo bilang pagkain at inumin sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, inaaalala rin ng lahat ang pagtubos Niya sa sangkatauhan sa krus. Ang ikalawang bagay na ginawa ni Hesus sa Huling Hapunan ay isinalaysay sa Banal na Ebanghelyo. Sa Ebanghelyo, isinalaysay ang paghuhugas ni Hesus sa paa ng Kanyang mga apostol. Hinugasan ng Panginoong Hesus ang paa ng mga apostol upang ipakita ang Kanyang pag-ibig. Dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig, naging tao si Hesus alang-alang sa atin. Inihayag ng Panginoong Hesus ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang kababaang-loob. Dahil sa Kanyang pag-ibig, buong kababaang-loob na dumating si Hesus sa mundo upang iligtas ang sangkatauhan.
Pag-ibig. Iyan ang dahilan ng lahat. Dahil sa pag-ibig, buong kababaang-loob na dumating ang Diyos sa lupa sa pamamagitan ng Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo na si Kristo Hesus, ang Kanyang Bugtong na Anak. Pinatunayan Niya ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa lahat sa pamamagitan ni Kristo. Kahit na hindi Niya kailangang gawin iyon, ginawa pa rin Niya iyon dahil sa pag-ibig.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento