5 Abril 2020
Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon (A)
Mateo 21, 1-11 [Pagbabasbas ng mga Palaspas]
Isaias 50, 4-7/Salmo 21/Filipos 2, 6-11/Mateo 26, 14-27, 66 (o kaya: 27, 11-54) [Misa]
Tuwing sasapit ang Linggo ng Palaspas taun-taon, pumapasok ang Simbahan sa pinakamahalaga at pinakabanal na panahon na mas kilala natin bilang mga Mahal na Araw. Sa panahong ito, ginugnita natin ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan - ang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Kristo Hesus. Sa pamamagitan nito, ang Misteryo Paskwal ni Kristo, ipinamalas ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan.
Ang mga kaganapan na ating ginugunita sa buong sanlinggong ito ang dahilan kung bakit ang sanlinggong ito ay tinatawag na "Mahal na Araw". Ginugunita natin sa buong sanlinggong ito ang pagpapamalas ng Panginoon ng Kanyang dakilang pag-ibig para sa sangkatauhan. Ang tawag nating mga Pilipinong Katoliko sa mga mahalagang araw na ito bilang mga "Mahal na Araw" dahil inaalala natin ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan. Ginugunita natin sa sanlinggong ito ang mga dakilang gawa ng Panginoon na naghayag ng Kanyang dakilang pag-ibig.
Pag-ibig. Iyan ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang ang mga Mahal na Araw. At ito ang binibigyan ng pansin sa mga Pagbasa sa Misa sa araw na ito. Itinatampok sa mga Pagbasa ang pinakadakilang gawa ng Panginoon na nagpamalas ng Kanyang dakilang pag-ibig para sa sangkatauhan. At ang ginawa ng Panginoong Diyos na naghayag ng Kanyang pag-ibig ay hindi mapapantayan o mahihigitan kailanman.
May dalawang Ebanghelyo sa Misa para sa Linggo ng Palaspas. Ang maringal na pagpasok ni Hesus sa Herusalem ay itinampok sa unang Ebanghelyo. Si Hesus ay sinalubong ng mga taong nagwawagayway ng mga palaspas habang sumisigaw ng "Osana!" Siya'y binigyan ng pugay sa Kanyang pagpasok sa Herusalem. Ang mga tao'y humahanga sa Kanya sa mga sandaling iyon. Subalit, ang kabaligtaran nito ay isinalaysay sa pangalawang Ebanghelyo. Sa pangalawang Ebanghelyo, hindi na binigyan ng pugay si Hesus. Bagkus, Siya'y kinutya at ipinapapatay ng mga tao. Dito natupad ang mga sinabi ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa tungkol sa mga huling sandali sa buhay ng Mesiyas.
Labis na nasaktan ang Panginoong Hesus sa mga sandaling iyon. Noong Siya'y pumasok sa Herusalem, ang sigaw ng mga tao ay "Osana!" Siya'y binigyang-pugay ng mga tao noong Siya'y pumasok sa Herusalem. Subalit, noong Siya'y iniharap sa taumbayan ni Poncio Pilato, iba na ang sigaw nila. "Ipako sa krus!" Hindi na Siya binigyan ng pugay. Gusto nilang patayin si Hesus. Ang sakit nito.
Bakit nga ba pinili ng Panginoong Hesukristo na gawin ito? Hindi ba Niya inasahan na babaliktad na lamang bigla ang mga tao? Hindi ba inasahan ni Hesus na Siya'y tatalikuran? Hindi ba Niya batid na napakasakit ang daang tatahakin Niya?
Oo, alam iyan ni Hesus na mangyayari iyan. Alam ni Hesus na Siya'y tatalikuran ng mga tao. Subalit, pinili pa rin Niyang gawin iyan dahil sa pag-ibig. Iyan ang dahilan kung bakit si Hesus ay tumalima sa kalooban ng Ama nang buong kababaang-loob hanggang sa huli, gaya ng inilarawan ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa. Dahil sa pag-ibig, si Hesus ay nagpakita ng kababaang-loob.
Inihayag ng kababaang-loob ni Hesus ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa ating lahat. Sa kabila ng ating pagiging makasalanan, minahal tayo ni Hesus at patuloy Niya tayong mamahalin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento