Biyernes, Pebrero 20, 2015

PAGNINILAY SA DAAN NG KRUS - IKALABING-TATLONG ISTASYON

ANG IKALABING-TATLONG ISTASYON: Ang Paglilibing kay Hesus 
(Mateo 27, 57-61/Marcos 15, 42-47/Lucas 23, 50-56/Juan 19, 38-42) 



Pagkatapos ng lahat ng pagdurusang dinanas sa araw na yaon, si Hesus ay nagpahinga. Ang Panginoong Hesus ay inilibing pagkatapos ng Kanyang kamatayan. Inilibing si Hesus ni San Jose na taga-Arimatea. Kasama ni Hesus hanggang sa Kanyang huling hantungan sina Santa Maria Magdalena, ang iba pang mga Maria, si San Juan Apostol, at ang Mahal na Birheng Maria. Hinatid nilang lahat si Hesus sa Kanyang huling hantungan. 

Ngunit, hindi magtatapos ang lahat sa kamatayan. Katulad ng sinabi ni Hesus, "Ang Anak ng Tao'y dapat magbata ng maraming hirap, at muling mabubuhay sa ikatlong araw." Habang nakahimlay si Hesus sa Banal na Libingan, hinihintay ng buong daigdig ang muling pagbangon ni Hesus. Magpapahinga muna ang Panginoon, at pagkatapos ng tatlong araw ay babangon muli. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento