Biyernes, Pebrero 20, 2015

PAGNINILAY SA DAAN NG KRUS - IKAWALONG ISTASYON

ANG IKAWALONG ISTASYON: 
Nakasalubong ni Hesus ang Kababaihan ng Jerusalem
(Lucas 23, 27-31) 



Ang mga babaing nakasalubong ni Hesus sa daang patungong Kalbaryo ay tumangis dahil naniniwala sila na inosente si Hesus. Nakikita nila na walang kasalanang ginawa si Hesus. Alam nilang inosente si Hesus at inggit lamang ang dahilan kaya ipapapatay Siya. Para sa kanila, hindi makatarungan ang parusa kay Hesus ng mga autoridad. 

Sa kabila ng Kanyang kahinaan, inaliw pa rin ni Hesus ang mga babaing taga-Jerusalem. Inaliw ng Panginoong Hesus ang mga babaing ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila. Nangaral si Hesus tungkol sa pagsisisi. Sinabi sa kanila ni Hesus na nawa'y ang kanilang pagtangis ay magsilbing daan para sa kanila upang magsisi at magbalik-loob sa Diyos habang may panahon pa. 

Ang mga salita ni Hesus sa kababaihan ng Jerusalem ay hindi lamang para sa kanila. Ito rin ay para sa atin. Tinatawag tayo ni Hesus na magsisi at magbalik-loob sa Diyos habang may panahon pa tayo. Ngayong panahon ng Kuwaresma, ipaghanda natin ang ating sarili para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng pagkukumpisal. Sa Sakramento ng Kumpisal, tayo ay nagsisisi sa ating mga kasalanan at nagbabalik-loob sa maawain at mahabaging Diyos. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento