ANG IKASIYAM NA ISTASYON:
Si Hesus ay hinubaran ng Kanyang mga damit at ipinako sa krus
(Mateo 27, 32-38/Marcos 15, 22-28/Lucas 23, 33-35)
Ang Panginoong Hesus ay ipinako sa krus. Napakasakit ng mga pako na ipinako sa Kanyang mga kamay at paa. Ang pagpapako sa krus ang pinakamasakit na paraan ng kamatayan noong kapanahunan ni Hesus. Dinanas ni Hesus ang pinakamasakit na uri ng kamatayan. Ang pagpapako sa krus ang pinakamasakit at nakakahiyang paraan ng kamatayan.
Ang mga pakong ipinako sa mga palad at paa ni Hesus ay napakasakit. Subalit, hindi sumigaw o humiyaw si Hesus. Bawat pagpako sa Kanya ay tiniis Niya sa katahimikan. Tahimik na dinanas at tiniis ni Hesus ang bawat pakong ipinapako sa Kanyang mga kamay at paa.
Tiniis ni Hesus ang lahat ng ito dahil sa pag-ibig. Pag-ibig ang dahilan kaya pinili ni Hesus ang tiisin ang maraming hirap, sakit at kamatayan sa krus. Napakadakila ng sakripisyong ginawa ni Hesus para sa atin. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang sariling katawan at buhay para sa ating kaligtasan, ipinamalas ni Hesus ang Kanyang dakilang pagmamahal sa ating lahat. Walang pag-ibig na makahihigit pa sa pag-ibig na ipinamalas ng Panginoong Hesukristo noong inalay Niya ang Kanyang sarili alang-alang sa ating kaligtasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento