28 Abril 2019
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K)
Linggo ng Banal na Awa
Mga Gawa 5, 12-16/Salmo 117/Pahayag 1, 9-11a. 12-13. 17-19/Juan 20, 19-31
Ang mga sugat ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay ang sentro ng atensyon sa tampok na salaysay sa Ebanghelyo. Sa Kanyang unang pagpapakita sa mga alagad, ipinakita ni Hesus ang mga bahagi ng Kanyang Katawan na nasugatan noong Siya'y mamatay. Si Hesus ay nagtamo ng mga sugat sa Kanyang mga kamay at paa dahil sa mga pako samantalang ang sugat sa Kanyang tagiliran ay galing sa sibat ng isang kawal. Siya'y inulos ng nasabing kawal sa Kanyang tagiliran upang tiyaking Siya'y patay na sa mga sandaling iyon. At nang magpakita sa mga apostol matapos Siyang mabuhay na mag-uli, ipinakita ni Hesus ang mga sugat sa bahaging iyon. Ginawa uli ito ni Hesus para kay Apostol Santo Tomas sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga sugat na ito, pinatunayan ni Hesus na tunay nga Siyang nabuhay na mag-uli.
Kaya naman sinabi ni Apostol Santo Tomas na hindi siya maniniwala sa balitang nabuhay na mag-uli ang Panginoong Hesukristo hangga't nakita niya ang mga sugat sa Kanyang tagiliran at sa Kanyang mga kamay at paa. Ang mga sugat lamang ang tanging makakapagpatunay na si Kristo mismo ang kanilang nakita. Iyan ang patunay na Siya'y tunay ngang nabuhay na mag-uli. Iyan ang patunay na hindi multo ang kanilang nakita kundi ang Panginoong Hesukristo na umibig at bumuo sa kanila. Ang mga sugat ang magpapatunay na ang mga balita tungkol sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon ay tunay at hindi kathang-isip lamang. At natupad ang hiling ni Apostol Santo Tomas noong magpakita muli si Kristo. Muling nagpakita si Kristo sa mga apostol para kay Apostol Santo Tomas.
Hindi lamang sa mga pagkakataong iyon pinatunayan ni Kristo na Siya'y muling nabuhay. Patuloy Niya itong pinapatunayan, kahit Siya'y nasa langit. Halimbawa na lamang ang pinagtuunan ng pansin sa Unang Pagbasa. Patuloy na kumilos si Hesus sa pamamagitan ng mga apostol. Sa pamamagitan ng Kanyang mga instrumento, ang mga apostol, si Hesus ay gumawa ng maraming mga kahanga-hangang bagay. Gumaling ang maraming maysakit na lumapit sa mga alagad sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoong Hesukristong Muling Nabuhay.
Sa Ikalawang Pagbasa, inihayag ni Hesus sa pangitain ni Apostol San Juan na nasa bayan ng Patmos na Siya'y namatay ngunit muling nabuhay at mananatiling buhay magpakailanman (1, 18). Tunay ngang nabuhay na mag-uli ang Panginoon. Hindi ito pekeng balita, hindi ito kasinungalingan. Iyan ang totoo, iyan ay tunay na balita. At iyan ang Magandang Balita na ating sinasampalatayanan bilang mga Kristiyano. Patuloy na ipinapangaral at ipinapalaganap ng Simbahan ang Mabuting Balitang ito hanggang sa kasalukuyang panahon upang ang lahat ay manalig at sumampalataya kay Kristong Muling Nabuhay.
Iyan ang nais iparating ng mga Pagbasa, lalung-lalo na ng Ebanghelyo. Muling nabuhay ang Panginoong Hesukristo. Ang Panginoong Hesus na puspos ng awa at pag-ibig ay tunay ngang nabuhay na mag-uli at patuloy na nabubuhay. Ang mga sugat na Kanyang tinamo sa Kanyang pagpapakasakit ang katibayan na tunay ang Kanyang Muling Pagkabuhay. Ang nakita ng mga apostoles sa silid ay hindi isang multo kundi ang Panginoong Muling Nabuhay na Siyang bukal ng awa at pag-ibig. At ang Kanyang awa at pag-ibig ay tunay na dakila at walang kapantay.
Nagpakita rin ang Panginoong Hesukristo kay Santa Maria Faustina Kowalska, ang apostol ng Banal na Awa, upang ihayag sa kanya ang misteryo ng Kanyang awa. Ang lahat ng mga sinabi ni Hesus tungkol sa Kanyang Banal na Awa ay isinulat ni Santa Faustina sa kanyang talaarawan upang sumampalataya ang lahat ng makakabasa nito sa Banal na Awa. Ang Panginoong Hesus na Muling Nabuhay ay nagpakita kay Santa Faustina, tulad ng Kanyang pagpapakita sa mga apostol matapos mabuhay na mag-uli, upang ang lahat ay manalig at sumampalataya sa Kanyang Mabathalang Awa. Ang Mabathalang Awa ay ipinamalas ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay.
Tumingin tayo sa mga sugat ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay. Ang mga sugat na nagpapaalala sa atin ng Kanyang Mabathalang Awa. Dahil sa Kanyang Banal na Awa, nakamit Niya ang kaligtasan para sa ating lahat sa pamamagitan ng Kanyang krus at Muling Pagkabuhay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento