PAGNINILAY SA UNANG WIKA:
"Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa." (Lucas 23, 34)

Sa wakas ng kanyang salaysay ng pagtukso sa Panginoong Hesus sa disyerto sa ikaapat na kabanata ng kanyang Ebanghelyo, isinulat ni San Lucas na ang diyablo'y umalis at naghintay ng pagkakataong tuksuhin muli si Hesus (4, 13). Ang tatlong tukso ni Satanas ay tinutulan at tinanggihan ni Hesus. Kahit apatnapung araw Siyang nag-ayuno sa ilang, kahit tiniis Niya ang kagutuman at kauhawan sa loob ng mahabang panahon, napagtagumpayan ng Panginoong Hesus ang mga tukso't pang-aakit ni Satanas. Mahinang-mahina ang pangangatawan ni Kristo sa mga sandaling iyon nang Siya'y tuksuhin ng demonyo. Pero, napagtagumpayan Niya ang lahat ng iyon. Pero, ayaw tanggapin ng diyablo na natalo siya laban kay Kristo. Kaya, naghintay siya ng pagkakataon upang tuksuhin muli si Kristo.
Hindi dapat maliitin ang katalinuhan ng demonyo. Ang demonyo ay tunay ngang napakatalino. Hindi siya manunukso kapag nakikita niyang malakas ang loob ng isang tao. Alam ng demonyo na matatalo lamang siya kapag tinukso niya ang tao kapag sila'y malakas pa. Hihintayin niya ang sandaling sila'y napakahina. At kapag dumating ang sandaling ang tao'y napakarupok na, saka pa lamang siya mang-aakit at manunukso. Malaki kasi ang posibilidad na mahuhulog sa bitay ng kanyang mga tukso ang bawat tao kapag sila'y mahinang-mahina.
Iyan din ang ginawa ng demonyo kay Hesus. Kahit alam ng demonyo na si Hesus ang Bugtong na Anak ng Diyos, hindi niya pinalampas ang pagkakataong tuksuhin Siya. Layunin ng demonyo na pigilin ang Panginoong Hesukristo sa pagsunod sa kalooban ng Ama. Nais makita ng demonyo na suwayin ni Hesus ang Ama. Kahit tinalo siya ni Hesus sa ilang, humanap pa rin siya ng ibang pagkakataon upang manalo laban kay Hesus. At dumating ang pagkakataong iyon na hinintay ng demonyo sa loob ng mahabang panahon noong si Hesus ay ipinako sa krus.
Mas mahina ang kalagayan ni Hesus sa mga sandaling iyon. Kahit hindi nasasaad sa salaysay ng Mahal na Pasyon, matitiyak nating nakaranas ng panunukso mula sa demonyo si Hesus. Tinukso Siya dahil mahinang-mahina na Siya. Mas matindi ang kahinaan ni Hesus noong Siya'y nakabayubay sa krus kaysa noong Siya'y nag-ayuno at nanalangin sa ilang sa loob ng apatnapung araw. Naghihingalo na si Hesus sa mga sandaling iyon. At para sa demonyo, lalong lumaki ang posibilidad na masilo si Hesus dahil nakabayubay Siya sa krus na walang kalaban-laban.
Ang tukso ng demonyo sa Panginoong Hesus na nakabayubay sa krus - huwag kaawaan at patawarin ang mga taong kumukutya sa Kanya. Mula sa krus, nakita't narinig ni Hesus kung paano Siya nilibak at kinutya ng Kanyang mga kaaway. Ang pangungutya ng mga tao sa Kanya habang Siya'y nakabayubay sa krus na walang kalaban-laban ay nagdulot ng matinding hapdi sa Kanyang Puso. Kaya gayon na lamang ang tukso ng demonyo na hindi mababasa sa salaysay ng Pasyon. Para bang bumulong ang demonyo sa pandinig ni Hesus.
Ginamit ng demonyo ang mga tao laban kay Kristo. Ang mga taong kumukutya kay Kristo. Habang pinagmamasdan ni Kristo ang pangungutya sa Kanya ng Kanyang mga kaaway, maaari nating ilarawan sa ating isipan kung paanong Siya tinukso ng demonyo sa mga sandaling iyon. Maaari nating ilarawan sa ating isipan kung paanong ibinulong ng demonyo kay Hesus na ipagkait sa kanila ang Kanyang awa't kapatawaran. Matapos ang lahat ng mga ginawa ng mga taong iyon laban sa Kanya, nararapat bang sila'y patawarin? Maririnig rin natin sa ating isipan kung paanong ibinulong ng demonyo kay Hesus, "Pagmasdan Mo nang mabuti ang ginagawa nila laban sa Iyo, Hesus. Hindi sila karapat-dapat patawarin. Patatawarin Mo pa ba matapos marinig ang kanilang pangungutya laban sa Iyo habang Ika'y nakabayubay sa krus na iyan na walang kalaban-laban?"
Subalit, kapansin-pansin kung paanong pinagtagumpayan ng Panginoong Hesus ang tukso't pang-aakit ng demonyo. Hindi Niya hinayaang magtagumpay ang demonyo laban sa Kanya. Sa kabila ng Kanyang kahinaan sa mga sandaling iyon, lumaban pa rin si Hesus. Nilabanan at pinagtagumpayan ng Panginoong Hesus ang tukso ng demonyo. Hindi Siya nagpatalo laban sa demonyo. Ito ang ipinapakita ng unang wikang namutawi mula sa mga labi ng Panginoon habang nakapako sa krus.
Kapansin-pansin kung paanong sinabi ng Panginoong Hesus, "Ama, patawarin Mo sila..." Ipinapakita lamang sa wikang ito na si Hesus ay tunay na Diyos at tunay na tao. Nais ni Hesus na patawarin ang Kanyang mga kaaway, gaano pa mang kasama ang kanilang ginawa laban sa Kanya. Ang mga taong lumalait sa Kanya ay gusto Niyang patawarin. Alam naman nating lahat na ang Diyos ay lubos na maawain at mapagpatawad. Subalit, sa sandaling ito, ipinakita ni Hesus na Siya'y tunay na tao. Ipinakita ni Hesus na Siya'y nasasaktan rin tulad ng ibang tao, kahit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Kahit na si Hesus ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo, nasasaktan rin Siya. Hindi naging ligtas si Hesus mula sa mga sakit sa buhay, sa kabila ng Kanyang pagka-Diyos.
Nais patawarin ni Hesus ang mga taong kumukutya sa Kanya habang nakabayubay sa krus na walang kalaban-laban. Subalit, sa mga sandaling iyon, labis ang sakit na Kanyang naramdaman. Hindi lamang nanggaling sa mga naghampas sa Kanya sa haliging bato, sa koronang tinik, sa kabigatan ng kahoy na krus na Kanyang pinasan patungong Kalbaryo, at sa mga pako ang sakit na Kanyang dinanas sa mga oras na iyon. Nanggaling rin sa mga pangungutya ng mga tao ang sakit na Kanyang dinanas. Hindi lamang nasaktan nang labis ang pangangatawan ni Hesus; nasaktan rin ang Kanyang puso't damdamin. Kaya gayon na lamang ang unang ginawa ni Hesus mula sa krus. Nanalangin Siya sa Ama para sa kapatawaran ng Kanyang mga kaaway. Gaano mang kasakit ang kanilang ginawa laban sa Kanya, hinangad pa rin ng Panginoong Hesus na silang lahat ay mapatawad.
Itinuturo ni Hesus sa wikang ito na manalangin sa Diyos para sa mga nagkasala laban sa atin. Batid ni Hesus na hindi madaling magpatawad. Batid rin Niya ang halaga ng oras at panahon para makaranas ng paghihilom ang bawat isa. Hindi basta-basta aalis ang mga sugat agad-agad. Kailangan ng panahon ang bawat isa upang makaranas ng paghihilom na kaloob ng Diyos. Kaya, habang hinihilom tayo ng Diyos, mahalaga rin na ipagdasal ang mga nagkasala laban sa atin. Sa ating pananalangin para sa mga nagkasala laban sa atin, ipinapakita natin sa Diyos na tayong lahat ay nangangailangan ng Kanyang tulong, lalung-lalo na sa mga sandaling tayong lahat ay mahihina. Hindi natin magagawa ang lahat ng bagay nang mag-isa sa lahat ng oras. Hindi naman tayo malakas sa bawat sandali ng ating buhay. May mga oras sa ating buhay kung saan tayo'y mahina. Sa mga sandaling iyon, ang tulong ng Diyos ay kakailanganin natin, lalung-lalo na pagdating sa pagpapatawad sa mga nagkasala laban sa atin.
Batid ng Panginoong Hesus kung gaano kahirap para sa atin ang patawarin ang mga nagkasala laban sa atin. Alam Niyang labis tayong nasasaktan at ang mga sugat dulot ng mga kasalanang ginawa laban sa atin ay hindi basta-basta gagaling. Alam rin ni Hesus na tayo'y tutuksuhing magtanim ng galit at ipagkait sa mga nagkasala laban sa atin ang kapatawaran, lalung-lalo na kapag tayo'y mahinang-mahina. Kaya, ang turo ng Panginoong Hesus sa wikang ito, manalangin sa Ama para sa mga nagkasala laban sa atin. Huwag tayong mahiyang humingi ng tulong mula sa Diyos. Hihilumin ng Diyos ang mga puso nating nasugatan nang labis gawa ng mga pagkakasala ng ating kapwa laban sa atin. Tutulungan rin Niya tayong patawarin ang mga nagkasala laban sa atin.
Tayong lahat ay natutuksong ipagkait ang kapatawaran sa mga nagkasala sa atin, lalung-lalo na sa mga sandaling tayo'y mahinang-mahina. Hindi pa naman madaling magpatawad. Kung madali lang sanang magpatawad, nagawa na natin iyon. Pero, hindi madaling patawarin ang mga nagkasala laban sa atin, lalo na kapag ito'y mabigat. Kaya naman, itinuro sa atin ng Panginoong Hesus kung paano nating mapagtatagumpayan ang tuksong ito - manalangin sa Diyos. Kapag hindi pa tayo handang magpatawad dahil sa sakit dulot ng mga mabibigat na kasalanang ginawa laban sa atin, manalangin tayo sa Diyos.
Sa mga pagkakataong hindi pa tayo handang magpatawad at natutuksong maging mapaghiganti sa mga nagkasala laban sa atin, manalangin tayo sa Panginoon. Hilingin natin sa Panginoon na hilumin tayo mula sa mga sakit na dulot ng mga kasalanang ginawa laban sa atin. Habang hinihilom ng Panginoon ang mga sugat na ito, ipanalangin rin natin ang mga nagkasala laban sa atin. Ipanalangin natin sa Panginoon na sila'y Kanyang patawarin mula sa kanilang mga kasalanang ginawa laban sa atin. Hilingin natin sa Panginoon na tulungan tayong patawarin sila mula sa kanilang mga kasalanan laban sa atin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento