PAGNINILAY SA IKAANIM NA WIKA:
"Naganap na!" (Juan 19, 30)
Hanggang sa pinakahuling sandali ng Kanyang buhay dito sa lupa, walang ibang inisip ang Panginoong Hesus kundi ang bawat isa sa atin. Tayong lahat ang laman ng Kanyang puso't isipan sa bawat sandali ng Kanyang buhay dito sa lupa. Walang sandaling lumipas na hindi Niya inisip ang ating kapakanan. Bago pa man Niya tiniis ang matinding hirap at pagdurusa hanggang sa Siya'y mamatay sa krus, ang bawat isa sa atin ay Kanyang inisip. At kahit nakabayubay sa krus, tayo pa rin ang laman ng Kanyang puso't isipan.
Kaya naman, ang wikang ito ay isang mensahe para sa atin. "Naganap na!" Naganap na ang ipinangako ng Diyos sa Matandang Tipan. Ang ipinangakong pagtubos ng Diyos ay naganap na sa pamamagitan ni Kristo. Si Kristo ay dumating sa daigdig bilang Mesiyas at Tagapagligtas ng lahat. Ang Kanyang misyon bilang Mesiyas ay tinanggap at tinupad Niya. Kahit batid Niyang marami Siyang titiising sakit dahil sa Kanyang misyon, ipinasiya pa rin Niyang ganapin ito. Hinayaan Niyang maganap ang ipinangakong pagtubos ng Diyos sa pamamagitan Niya.
Ang mga katagang ito na namutawi mula sa mga labi ni Hesus ang nagpatunay na tayong lahat ay Kanyang iniisip hanggang sa kahuli-hulihan. Tayong lahat ang laman ng Kanyang puso't isipan. Ipinakita Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga ginawa, lalung-lalo na sa ginawang paghahain ng sarili sa Kalbaryo, na wala Siyang ibang inisip kundi ang bawat isa sa atin. Tayo naman kasi ang natatanging dahilan kung bakit ipinasiya Niyang pagdaanan ang lahat ng pagdurusang ito sa mga huling sandali ng Kanyang buhay.
Kung tutuusin, hindi naman kinailangang gawin ng Diyos ang iligtas tayo. Hindi naman Niya kinailangang bumaba mula sa lupa para sa ating kaligtasan. Maaari na lamang Siya magpakasarap at manatili sa langit. Noong nagkasala ang una nating magulang na sina Eba't Adan laban sa Diyos, maaari na lang pinabayaan ng Diyos ang sangkatauhan. May karapatan namang pabayaan ng Diyos ang tao dahil sa pagsuway nila sa Kanya. Sina Eba't Adan nga, kinain ang pinagbabawal na bunga, kahit na labag ito sa utos ng Diyos. Ano pa ba ang kayang gawin ng mga susunod na henerasyon? Para bang wala nang saysay umasa pa.
Bakit ipinasiya ng Diyos na tayo'y iligtas? Dahil sa Kanyang pag-ibig. Sa kabila ng mga kasalanang nagawa ng sangkatauhan, mahal pa rin tayo ng Diyos. Kahit patuloy tayong gumawa ng kasalanan laban sa Diyos, mahal pa rin Niya tayo. Ito ang dahilan kung bakit ipinasiya Niyang bumaba mula sa langit at maging tao katulad natin, liban sa kasalanan, sa pamamagitan ng Bugtong na Anak Niyang si Kristo Hesus. Sa pamamagitan ni Kristo, iniligtas ng Diyos ang lahat mula sa iba't ibang bansa, kultura, at henerasyon.
Tayong lahat ay hindi karapat-dapat maranasan at makinabang sa biyaya at pag-ibig ng Panginoon. Lagi tayong nagkakasala laban sa Kanya; lagi nating sinusuway ang Kanyang kalooban. Kahit ano pang paglaban sa tukso na gawin natin, sadyang may mga pagkakataon sa buhay natin kung saan bumibigay tayo sa pang-aakit ng tukso. Kahit alam nating mali ang mga iyon, kahit alam nating labag ito sa kalooban ng Diyos, bumibigay tayo kadalasan. Walang sinuman sa atin ang makakapagsabing sinunod natin sa lahat ng oras ang kalooban ng Diyos. Kasinungalingan iyan. May mga pagkakataong sumusuway tayo sa Diyos. Batid nating lahat ang katotohanang iyan. Batid ng Diyos na hindi tayo perpekto at sumusuway din sa Kanya.
Subalit, sa kabila nito, hindi nawala o nabawasan man lamang ang pag-ibig ng Diyos para sa ating lahat. Lagi tayong minamahal ng Panginoon. Lumipas man ang panahon, nadagdagan man ang mga kasalanang ginawa ng bawat, patuloy tayong iniibig ng Diyos nang buong katapatan. Nananatiling tapat at mapagmahal sa atin ang Diyos. Walang sandaling hindi tayo inibig ng Diyos.
Ang paghahain ng sarili ng Panginoong Hesukristo sa krus ang katibayan ng pag-ibig ng Diyos para sa ating lahat. Ipinasiya ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo na pagdaanan at tiisin ang lahat ng pagdurusa hanggang kamatayan alang-alang sa ating lahat. Pinatunayan Niya sa pamamagitan ni Kristo na tayong lahat ay lagi Niyang iniisip. Tiniis Niya ang lahat ng hirap at pagdurusa, gaano mang kasakit ito para sa Kanya, para lamang sa ating lahat.
Batid ng Diyos ang tindi ng sakit na Kanyang pagdadaanan kapag ipinasiya Niyang tubusin ang sangkatauhan. Alam Niyang magdudulot lamang ng matinding sakit at hirap para sa Kanya ang pagtubos sa sangkatauhan. Hindi naman Niya kailangang gawin iyon para sa ating lahat. Sino ba naman tayo upang ang Diyos ay pakitaan ng Kanyang dakilang pag-ibig? Pero, hindi ito tanong tungkol sa anumang kailangang gawin. Ito ay tungkol sa kung ano ang gustong gawin. Ninais ng Diyos na maligtas ang lahat ng tao. Kaya, ipinasiya Niyang tiisin at pagdaanan ang lahat ng iyon.
Pinatunayan ng Diyos na hindi Siya pusong bato. Nasasaktan at nagagalit Siya, pero hindi ito nangangahulugang magiging pusong bato ang Diyos. Kahit kailan, kahit minsan, hindi naging pusong bato ang Diyos. Bagkus, ang Puso ng Diyos ay puspos ng pag-ibig at kagandahang-loob para sa bawat isa. Ang puso't loobin ng Diyos ay hindi malamig o matigas. Kung mayroong mga taong nagiging pusong bato, ang Diyos ay hindi nagiging pusong bato. Anuman ang mga kasalanang gawin ng bawat tao sa daigdig, hindi magiging pusong bato ang Puso ng Diyos. Ang Puso ng Diyos ay puno ng katapatan at pag-ibig para sa lahat.
Ipinakita ni Kristo sa pamamagitan ng Kanyang paghahain ng sarili sa krus na ang Diyos ay hindi pusong bato. Kung ang Diyos ay may pusong bato, hahayaan lang ba Niyang mamatay ang Kanyang Bugtong na Anak na si Kristo Hesus para lamang sa kaligtasan ng sangkatauhan? Hindi. Kung ang Puso ng Diyos ay isang pusong bato, hindi Niya papansinin ang tao. Magpapakasarap na lamang Siya sa langit. Papabayaan na lamang Niya mapahamak ang sangkatauhan. Pero, hindi Niya iyon ginawa. Bagkus, ang Kanyang Bugtong na Anak na Siya ring Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo ay Kanyang ipinadala sa lupa upang iligtas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo.
Ang ikaanim na wika ng Panginoong Hesukristo habang nakabayubay sa krus ay isang napakahalagang mensahe para sa ating lahat. Ang mensaheng nais ipaabot ng Panginoong Hesus sa ating lahat sa wikang ito - hindi Siya pusong bato. Bagkus, ang Kanyang Puso'y puspos ng pag-ibig at katapatan para sa ating lahat. Patuloy Niya tayong iniibig nang buong katapatan sa kabila ng ating mga kasalanan laban sa Kanya. Nais Niya tayong makasama sa langit balang araw. Kaya Siya bumaba sa lupa upang maging ating Tagapagligtas. Kaya Niya tayong iniligtas sa pamamagitan ng Kanyang Kabanal-banalang Dugo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento