21 Disyembre 2017
Simbang Gabi/Misa de Gallo - Ikaanim na Araw
Awit 2, 8-14 (o kaya: Sofonias 3, 14-18a)/Salmo 32/Lucas 1, 39-45
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ang pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang kamag-anak na si Elisabet. Parehas na nagdadalantao sina Maria't Elisabet. Nauna lamang ng anim na buwan si Elisabet sa pagdadalantao. Nang marinig ni Elisabet ang tinig ng kanyang kamag-anak na si Maria, hindi lamang siya ang napuspos ng galak at sigla. Pati ang sanggol na dinadala niya sa kanyang sinapupunan, si San Juan Bautista, ay gumalaw sa tuwa nang marinig ang pagbati ni Maria. Tulad ng babaeng napuno ng tuwa't sigla nang marinig ang tinig ng lalaking kanyang sinisinta sa Unang Pagbasa mula sa Awit ni Solomon, si Elisabet at ang sanggol sa kanyang sinapupunan na si Juan Bautista ay napuno ng tuwa't sigla nang marinig ang tinig ng Birheng Maria na bumabati sa kanyang kamag-anak.
Hindi natin batid kung ano nga ba talaga ang mga salitang namutawi mula sa mga labi ng Mahal na Birheng Maria noong binati niya si Elisabet sapagkat hindi naman ito nakasaad sa salaysay ng kanyang pagdalaw sa kanyang kamag-anak. Marahil ay binati niya si Elisabet sa ganitong pamamaraan, "O Elisabet, mahal kong kamag-anak, kumusta ka na?" Maaari niyang binati si Elisabet sa ganung pamamaraan, maaaring hindi. Walang sinuman ang nakababatid sa mga eksaktong salitang ginamit ni Maria noong binati niya ang kanyang kamag-anak na si Elisabet.
Subalit, iisa lamang ang natitiyak natin. Noong nilakbay ni Maria ang napakahabang landasing mula Nazaret patungo sa bayan kung saan nakatira ang kanyang kamag-anak na si Elisabet (na nagdadalantao rin noong kapanahunang yaon) at ang kanyang mister na si Zacarias, dinala niya sa kanyang sinapupunan ang nagkatawang-taong Salita ng Diyos na nagbibigay-buhay ng buhay na walang hanggan (Juan 6, 68). Ang Salita ng Diyos na naghahatid ng kagalakan at ng iba pang mga pagpapala ay nanahan sa sinapupunan ni Maria. Ito ang dahilan kung bakit si Elisabet at ang sanggol na kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan na si Juan Bautista ay napuspos ng galak nang marinig ang pagbati ni Maria.
Ang kagalakang naranasan ni Elisabet at ng sanggol sa kanyang sinapupunan na si Juan Bautista noong sandaling yaon ay hindi nagmula sa tao. Hindi nagmula kay Maria mismo ang kagalakang pumuspos kay Elisabet at sa sanggol. Bagkus, ang kagalakang ito ay nagmula sa Diyos. Sa Panginoon mismo nagmula ang kagalakang naranasan ni Elisabet at ng kanyang anak na si Juan Bautista (na noo'y nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina). Ang Mahal na Birheng Maria ay instrumento lamang ng Panginoong Diyos. Tinanggap niya ang pagpapala ng Diyos at ito naman ay kanyang ibinahagi sa kanyang kamag-anak na si Elisabet. Ang pagpapalang ito ng Diyos ay nagdudulot ng kagalakan sa lahat.
Ibinahagi ng Mahal na Inang si Maria ang kagalakan at pagpapalang hatid ng Diyos sa kanyang kamag-anak na si Elisabet. Kahit nagdadalantao tulad ng kanyang kamag-anak, pinili pa rin ng Mahal na Ina na lakbayin ang malayong landasin mula Nazaret patungo sa bayang tinitirhan ng kanyang kamag-anak at ng kanyang asawa. Hindi naging hadlang para kay Maria ang kanyang pagdadalantao, ang kanyang pagdadala sa Mesiyas at Manunubos na si Hesus sa kanyang sinapupunan, sa pagbabahagi ng kagalakan at pagpapala ng Diyos sa kanyang kamag-anak na nagdadalantao rin katulad niya. Hinahamon tayong lahat na tularan ang halimbawang ipinakita ni Maria sa Ebanghelyo ngayon. Hinahamon tayong lahat na ibahagi ang kagalakan at pagpapalang kaloob ng Diyos sa iba, lalung-lalo na sa mga kapus-palad. Unang ibinahagi sa atin ng Diyos ang mga kaloob Niyang pagpapala't kagalakan, ibahagi naman natin ito sa lahat ng mga kapatid nating nangangailangan, lalung-lalo na ang mga kapus-palad. Iyan ang tunay na diwa ng Pasko na ating pinaghahandaan at pinananabikan. Dapat natin itong isabuhay at isadiwa, ano pa man ang panahong napapalooban natin sa bawat taon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento