19 Disyembre 2017
Simbang Gabi/Misa de Gallo - Ikaapat na Araw
Mga Hukom 13, 2-7. 24-25a/Salmo 70/Lucas 1, 5-25
Ang mga Pagbasa ngayong Ikaapat na Simbang Gabi (Misa de Gallo) ay tungkol sa pagpapahayag ng kagandahang-loob ng Diyos sa lahat. Isinalaysay kung paanong ibinalita ng anghel sa dalawang karakter sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo ang kagiliwan ng Diyos. Sa Unang Pagbasa, inihayag ng isang anghel ng Panginoon sa asawa ni Manoa na siya'y maglilihi't manganganak, kahit matagal nang namuhay ang mag-asawa na walang anak. Sa Ebanghelyo, inihayag ni San Gabriel Arkanghel kay Zacarias na ang kanyang kabiyak na si Elisabet ay maglilihi't manganganak ng isang sanggol na lalaki sa kabila ng kanyang katandaan.
Isinalaysay sa Unang Pagbasa kung paanong ipinanganak si Samson. Hindi nagkaroon ng anak sa loob ng mahabang panahon sina Manoa at ang kanyang asawa. Ang asawa ni Manoa ay hindi kayang magkaanak dahil sa kanyang pagkabaog. Nais pa naman nilang magkaroon ng anak, subalit hindi nangyari iyon hanggang sa araw na nagpakita sa asawa ni Manoa ang isang anghel ng Panginoon. Inihayag ng anghel sa asawa ni Manoa na siya'y maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki. Samson ang pangalan ng sanggol na lalaking ipanganganak ng kabiyak ni Manoa. Siya ang itinalaga ng Diyos mula sa kanyang pagsilang upang iligtas ang bayang Israel mula sa mga Filisteo. Isa itong milagro sapagkat ang asawa ni Manoa ay walang kakayahang magdalantao. Subalit, dahil sa kagiliwan ng Diyos, ang mag-asawang ito'y nagkaroon ng anak sa kabila ng pagkabaog ng babae.
Sa Ebanghelyo, isinalaysay naman kung paanong si San Juan Bautista ay ipinanganak. Magkaparehas kung tutuusin ang mga kasong isinalaysay sa Unang Pagbasa at Mabuting Balita para sa araw na ito. Tulad nina Manoa at ang kanyang kabiyak sa Unang Pagbasa, sina Zacarias at Elisabet ay hindi nagkaroon ng anak. Matagal na silang nanalangin nang taimtim sa Diyos na biyayaan sila ng isang anak, subalit walang nangyari sa loob ng mahabang panahong yaon. Matagal nang hindi nagkaroon ng anak ang magkabiyak na ito. At ayon pa sa Ebanghelyo, masyado na silang matanda noong kapanahunang yaon. Kaya, imposible na para sa kanila na magkaroon ng anak. Baog na si Elisabet, hindi na niya kayang magdalantao. Subalit, sa kabila ng kanilang katandaan, inihayag ni San Gabriel Arkanghel kay Zacarias na si Elisabet ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki na tatawaging Juan. Ang matandang magkabiyak na ito ay hinirang ng Diyos upang maging mga magulang ng tagapagpauna ng Mesiyas at tagapaghanda ng Kanyang daraanan na si Juan Bautista. Sa kabila ng kanilang katandaan, sina Zacarias at Elisabet ay biniyayaan ng anak dahil sa kagiliwan ng Diyos.
Dalawang kaso ng pagkabaog ang isinalaysay sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo ngayon. Subalit, dahil sa kagiliwan ng Diyos, ang dalawang magkabiyak ng pusong inakala ng karamihan na wala nang pag-asa para sa kanila na magkakaanak habang sila'y namumuhay dito sa lupa ay nagkaroon ng anak. Isa itong milagro, himala mula sa Diyos. Nakakagulat nga iyon sa mata ng mundo. Subalit, ito'y hindi nakakagulat sa paningin ng Diyos. Sapagkat sa paningin ng Diyos, isa itong pagpapamalas ng Kanyang kagiliwan at kabutihan sa lahat. Ang Kanyang kagiliwan at kabutihan sa lahat ang tanging dahilan kung bakit pinili Niyang yakapin ang ating pagkatao at mamuhay sa ating piling bilang taong katulad natin sa pamamagitan ng Mesiyas at Tagapagligtas na si Hesukristo.
Kaya nga, tulad ng mang-aawit ng Salmo ngayon, lagi nating purihin at sambahin ang iisang Diyos na makapangyarihan. Hindi lamang ipinapamalas ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan sa Kanyang mga kahanga-hangang gawa. Bagkus, ipinapamalas at inihahayag din ng Panginoon ang Kanyang kagiliwan at kabutihan sa pamamagitan ng Kanyang mga kahanga-hangang gawa na walang kapantay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento