23 Disyembre 2017
Simbang Gabi/Misa de Gallo - Ikawalong Araw
Malakias 3, 1-4. 23-24/Salmo 24/Lucas 1, 57-66
"Magiging ano nga kaya ang batang ito?" (1, 66) Ito ang katanungan ng mga kapitbahay, mga kamag-anak, at iba pang mga bisita nina Zacarias at Elisabet sa seremonya ng pagtutuli sa kanilang bagong silang na anak na si San Juan Bautista. Pinag-isipan nilang mabuti kung ano nga ba ang magiging tadhana ng batang ito na kapanganganak pa lamang. Kakasilang pa lang ng sanggol na si Juan Bautista, inisip na nila kung ano ang magiging kinabukasan ng batang ito pagdating ng araw. Bakit isinilang si Juan Bautista? Ano ang kanyang magiging papel sa buhay ng bawat tao sa lipunan pagdating ng panahon? Anong epekto ang kanyang idudulot sa buhay ng bawat tao sa lipunan? Ano ba ang kanyang layunin sa buhay? Ano bang meron sa batang ito? Ano bang mangyayari sa batang ito kapag lumaki na siya?
Isang propesiya ang itinampok sa Unang Pagbasa. Sa propesiyang ito, inilarawan kung ano ang magiging papel ni San Juan Bautista sa dakilang plano ng Diyos ng pagliligtas sa Kanyang bayan. Inihayag ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ni propeta Malakias na bago Siya lumitaw ay isusugo Niya ang Kanyang tagapagpauna na maghahanda ng Kanyang daraanan. At sa huling bahagi ng Unang Pagbasa, inihayag na ang sugong yaon ay si Propeta Elias. Pero, hindi literal ang nakasaad sa bahaging ito ng Unang Pagbasa. Hindi nangangahulugang iisang tao lamang si San Juan Bautista at si Propeta Elias. Hindi muling nagkatawang-tao si Elias sa pamamagitan ni Juan Bautista sa kadahilanang siya'y iniakyat sa langit, nakasakay sa isang karwaheng apoy na hila ng mga kabayong apoy, nang magwakas ang kanyang buhay dito sa lupa (2 Hari 2, 11).
Paano nating mauunawaan natin ang propesiyang ito? Paanong nangyaring si San Juan Bautista ang tinutukoy sa propesiyang ito kung hindi naman siya ang literal na Elias? Ang Arkanghel na si San Gabriel mismo ang nagbigay ng paliwanag tungkol dito noong siya'y nagpakita kay Zacarias sa loob ng templo (Isinalaysay ito sa Ebanghelyo para sa ikaapat na araw ng Simbang Gabi/Misa de Gallo). Sinabi ng anghel Gabriel na tataglayin ni Juan Bautista ang espiritu at kapangyarihan ni Elias (1, 17) Ito ang nagpapatibay na siya nga ang tinutukoy sa Unang Pagbasa noong inihayag na mauuna si Propeta Elias ang unang lilitaw upang ihanda ang daraanan ng ipinangakong Mesiyas at Manunubos na matagal nang pinanabikan ng lahat.
Si San Juan Bautista ay isinilang upang magsilbing palatandaan sa bayan ng Diyos na nalalapit na ang araw kung saan tutuparin ng Panginoon ang Kanyang pangako. Ihahayag niya na nalalapit na ang pagdating at paglitaw ng Mesiyas. Ihahayag niya sa lahat ang Magandang Balita ukol sa kagiliwan, kabutihan ng Diyos. Ang pagtupad ng Diyos sa Kanyang pangako ang nagpapatunay na Siya'y tunay na magiliw, tunay na mabuti, tunay na bukal ng tanang kabanalan. Hinding-hindi Niya pinapako ang mga pangakong Kanyang binibitiwan sa lahat ng tao na lubos Niyang iniibig at kinakalingang tunay.
Ang pagsilang ni San Juan Bautista ay isang napakahalagang kaganapan sa kasaysayan ng ating kaligtasan. Ang pagsilang ni San Juan Bautista ang hudyat na nalalapit na ang panahon ng pagpanaog, pagsakop, at pagsilang ng Mesiyas sa sanlibutan, tulad ng ipinangako ng Diyos. Sa pamamagitan nito, nahayag ang kagiliwan at kabutihan ng Diyos sa lahat. Ang katapatan ng Diyos sa Kanyang mga pangako ang nagpapatunay na Siya, ang bukal ng kabanalan, ay tunay na magiliw, mabuti, mapagmahal, at mapag-aruga.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento