10 Disyembre 2017
Ikalawang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B)
Isaias 40, 1-5. 9-11/Salmo 84/2 Pedro 3, 8-14/Marcos 1, 1-8
Si San Juan Bautista ang karakter na laging ipinapakilala ng mga Pagbasa sa Banal na Misa tuwing sasapit ang Ikalawang Linggo ng Adbiyento. Anuman ang Taon sa Kalendaryo ng Simbahan, mapa-Taon A, Taon B, o Taon K, si San Juan Bautista ay laging itinatampok sa mga Pagbasa sa Misa tuwing Ikalawang Linggo ng Adbiyento. Siya ang tinutukoy ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa noong kanyang inihayag sa kanyang propesiya na mayroong isang tinig na sumisigaw mula sa ilang. Ang tinig na ito'y may panawagan para sa lahat ng mga nakakarinig nito - ipaghanda ng isang patag at matuwid na daraanan sa ilang ang Panginoon. Ang talatang ito'y ginamit ni San Marcos Ebanghelista sa pasimula ng Ebanghelyo ngayon bilang pagpapakilala kay San Juan Bautista. Isinaad din ni San Marcos sa Ebanghelyo ang panawagan ni San Juan Bautista sa kanyang tagapakinig. Nanawagan siya sa lahat na pagsisiha't talikdan ang kanilang mga kasalanan at magpabinyag bilang paghahanda ng sarili para sa pagdating ng Mesiyas.
Tiyak na nalalaman nating lahat kung ano ang papel ni San Juan Bautista sa buhay ni Kristo. Siya ang tagapaghanda ng daraanan ng Panginoon. Siya ang unang lilitaw bago ang Mesiyas. Siya ang nagsilbing hudyat sa bayan ng Diyos na nalalapit na ang pagdating ng Mesiyas. Siya ang magbibinyag kay Hesus, ang Mesiyas na hinihintay ng bayang Israel. Subalit, bakit nga ba sinugo ng Diyos si San Juan Bautista para ihatid ang Kanyang mensahe na dapat magsisi't magbalik-loob ang lahat ng tao upang sila'y kahabagan at patawarin Niya?
Nagsalita si Apostol San Pedro sa Ikalawang Pagbasa ukol sa habag at pag-ibig ng Diyos. Wika ni Apostol San Pedro na ang bawat tao'y binibigyan ng Diyos ng pagkakataong magsisi't magbalik-loob sa Kanya sapagkat ayaw Niyang mapahamak sila. Hindi hinahangad ng Diyos na mapahamak ang lahat ng tao. Labis Siyang nasasaktan kapag nakikita Niya ang tao na nagpapaalipin at napapahamak dahil sa kanilang pagkakasala. Nais ng Diyos na makapiling ang tao. Nais ng Diyos na maligtas ang tao. Hinahangad ng Diyos ang kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya naman, ang bawat tao'y binibigyan ng Diyos ng pagkakataong makapagsisi sa kanilang mga kasalanan at manumbalik sa Kanya.
Ito ang mensaheng nais iparating ni San Juan Bautista sa kanyang mga tagapakinig. Ito ang dahilan kung bakit isinugo ng Diyos si San Juan Bautista upang iparating ang Kanyang panawagan na magsisi't tumalikod sa kasalanan. Ayaw ng Diyos na mapahamak ang sangkatauhan. Nais ng Diyos na maligtas ang lahat ng tao sapagkat sila'y lubos Niyang iniibig. Ang pagsugo ng Diyos kay San Juan Bautista sa ilang upang ihatid sa lahat ng makakarinig nito ang Kanyang panawagan sa pagsisisi't pagbabalik-loob ang nagpapatunay na ang Kanyang habag at pag-ibig na hinding-hindi mapapantayan ninuman at walang hanggan.
Ang Diyos ay tunay ngang maawain at mapagmahal. Maaari Niyang hayaan na mapahamak ang sangkatauhan dahil sa pagkakasala. Subalit, mayroon Siyang pakialam para sa atin dahil tayong lahat ay tunay Niyang kinahahabagan at iniibig nang lubos. Hindi Niya hinahangad ang ating kapahamakan. Hinahangad Niya ang ating kaligtasan. Hinahangad Niyang maging sentro ng ating puso, ng ating buhay. Hinahangad ng Diyos na makapiling natin Siya, maranasan ang Kanyang mga pagpapala. Hinahangad Niyang makihati tayo sa Kanyang kagalakan. Ito ang tanging dahilan kung bakit Niya binibigyan ng pagkakataong makapagsisi't makapagbalik-loob sa Kanya ang bawat tao. Ito rin ang dahilan kung bakit Niya isinugo si San Juan Bautista sa ilang upang ihatid sa tanan ang Kanyang panawagan na magsisi't magbalik-loob sa Kanya ang lahat ng tao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento