8 Disyembre 2017
Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria
Genesis 3, 9-15. 20/Salmo 97/Efeso 1, 3-6. 11-12/Lucas 1, 26-38
Larawan mula sa Official Facebook Page ng Katedral ng Maynila: https://www.facebook.com/manilacathedralbasilica |
Umawit sa Diyos ng awa, ang gawain N'ya'y dakila (Salmo 97, 1a). Ito ang Salmo ngayong Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria. Inihayag ng mang-aawit ng Salmo ang dahilan kung bakit ang Diyos ay nararapat na purihin, sambahin, at awitan nang buong puso't kaluluwa. Ang Diyos na Siyang bukal ng awa't grasya ay nagpasiyang tubusin ang Kanyang bayan sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na si Kristo Hesus. Sa pamamagitan nito'y nahayag ang kadakilaan ng Diyos na nagmamahal sa Kanyang bayan.
Ang Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria ay isa sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos. Namalas ang kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng gawaing ito. Bago pa man iluwal mula sa sinapupunan ng kanyang inang si Santa Ana, naranasan ng Mahal na Ina ang pag-ibig ng Diyos. Iniligtas siya ng Diyos mula sa bahid ng kasalanang mana. Dahil sa pagliligtas sa kanya ng Diyos bago pa man isilang, ang Mahal na Birhen ay isinilang sa daigdig na ito na walang kapintasan.
Kaya naman sa Ebanghelyo ngayon, si Maria'y binati ni San Gabriel Arkanghel nang ganito, "Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos... Sumasaiyo ang Panginoon!" (1, 28) Si Maria'y naging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos sapagkat siya'y walang kapintasan sa Kanyang paningin. Wala siyang bahid ng kasalanan; siya'y napuspos ng grasya ng Diyos. Ang Mahal na Birheng Maria ay napuno ng grasya dahil sa dakilang bagay na ginawa ng Diyos para sa kanya. Siya'y iniligtas ng Diyos mula sa mga pwersa ng kasalanan bago pa man ipanganak sa daigdig na ito.
Nasasaad rin sa Ebanghelyo ang papel na ibinigay ng Diyos sa Mahal na Birheng Maria. Dahil walang kapintasan ang Mahal na Birheng Maria sa paningin ng Diyos, siya'y hinirang Niya para sa isang napakahalagang papel. Si Maria ay hinirang upang maging ina ng Mesiyas at Tagapagligtas ng santinakpan na si Hesus. Sa pamamagitan nito'y natupad ang mga winika ng Diyos sa ahas sa Unang Pagbasa, "Kayo ng babae'y laging mag-aaway, Binhi mo't binhi niya'y laging mag-aaway. Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niya'y ikaw ang tutuklaw." (3, 15) Ang sanggol na dinala ni Maria sa loob ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan ay hindi isang karaniwang sanggol. Ang sanggol na ito ang dudurog sa ulo ng ahas.
Sa pamamagitan ng pagsuway ni Eba sa mga utos ng Diyos, ang mga pwersa ng kasalanan at kadiliman ay pumasok sa daigdig. Subalit, sa pamamagitan ng pagtalima ni Maria sa kalooban ng Diyos, ang dudurog sa ulo ng ahas ay pumasok sa daigdig upang tubusin ang sangkatauhang Kanyang iniirog at kinakalinga nang lubos. Sa pamamagitan ng pagdurog ng binhi ni Maria na si Hesus sa ulo ng ahas, ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan ang biyaya ng Kanyang kaligtasan. Namalas rin sa pamamagitan ng gawaing ito kung paanong kinalinga ng Diyos ang sangkatauhang labis Niyang sinisinta.
Wika ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, "Purihin natin Siya (ang Diyos) dahil sa Kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng Kanyang minamahal na Anak!" (1, 6) Inihayag ng Diyos ang Kanyang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng pagkaloob Niya sa Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo, ang Panginoong Hesukristo na Kanyang Bugtong na Anak, upang maging ating Mesiyas at Tagapagligtas. Ang Panginoong Hesus, ang sanggol na ipinaglihi at iniluwal ng Kalinis-linisang Birheng Inang si Maria, ang dumurog sa ulo ng ahas upang tayong lahat ay maligtas. Sa pamamagitan nito'y nahayag ang kadakilaan ng Diyos at ang Kanyang pagkalinga sa atin. Kaya, nararapat lamang na Siya'y lagi nating purihin, sambahin, pasalamatan, at awitan nang buong puso't kaluluwa.
Isang dakila't kahanga-hangang gawa ng Diyos ang Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria. Ang Mahal na Birheng Maria'y hindi nabahiran ng kasalanan sapagkat tinanggap niya ang biyaya ng pagliligtas ng Diyos bago pa man ipanganak sa daigdig. Sa pamamagitan ng gawaing ito'y nahayag ang kahanga-hangang kadakilaan ng Diyos. Dahil sa dakilang gawaing ito, sinimulan ng Diyos ang Kanyang plano ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng Kanyang pagtubos sa sangkatauhan, inihayag ng Diyos ang Kanyang walang hanggang pag-ibig at pagkalinga sa ating lahat na kahanga-hanga.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento