12 Disyembre 2017
Paggunita sa Mahal na Birhen ng Guadalupe
Zacarias 2, 14-17/Judith 13/Lucas 1, 39-47
Kung titingnan natin nang mabuti ang larawan o imahen ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, mapapansin natin ang itim na pamigkis na suot ng Mahal na Ina. Sa tradisyon ng mga Azteka, isang grupo ng mga katutubo sa Mexico na namuhay mula 1300 hanggang 1521, tanging mga babaeng nagdadalantao lamang ang nagsusuot ng itim na pamigkis. Ang itim na pamigkis ay tanda ng kanilang pagdadalantao. Ang itim na pamigkis ay isang napakahalagang bahagi ng imahen o larawan sapagkat dinadala ng Mahal na Birhen sa kanyang sinapupunan ang Mesiyas at Tagapagligtas ng tanan na si Hesukristo noong nagpakita siya kay San Juan Diego. Ang Mahal na Birheng Maria ay nagpakita kay San Juan Diego bilang tagapagdala ng Verbong nagkatawang-tao na si Kristo Hesus. Nagpakita ang Mahal na Birhen kay San Juan Diego bilang Kaban ng Bagong Tipan.
Isinalaysay sa Ebanghelyo ngayon kung paanong ang Mahal na Birheng Maria ay buong kagalakang naglakbay nang malayo para dalawin ang kanyang kamag-anak na si Elisabet. Sa kabila ng kanyang pagdadalantao, ipinasiya ni Maria na maglakbay nang malayo para dalawin ang kanyang kamag-anak na si Elisabet na nagdadalantao rin noong kapanahunang yaon. Nais ibahagi ni Maria kay Elisabet ang kanyang kagalakan. Si Maria'y napupuspos ng kagalakan sa mga sandaling iyon dahil sa kahanga-hangang bagay na ginawa ng Diyos para sa kanya. Hangad ni Maria na maranasan rin ni Elisabet ang kagalakang nararamdaman niya sa kanyang puso't kaluluwa. At ang kagalakang iyon ay nagmula sa Diyos.
Kung paanong ibinahagi ng Mahal na Birheng Maria kay Elisabet ang kagalakang tinanggap niya mula sa Diyos sa pamamagitan ng paglalakbay nang malayo para lang dalawin ang kanyang kamag-anak, tulad ng nasasaad sa Ebanghelyo ngayon, ibinahagi ng Mahal na Birheng Maria sa bansa ng Mexico ang kagalakan ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mga aparisyon kay San Juan Diego. Ang pagbabahagi ng kagalakang kaloob ng Diyos ay ginawa ng Mahal na Birheng Maria habang tinataglay niya sa kanyang sinapupunan ang bukal ng tunay na kagalakan na si Hesus, ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao.
Sa Diyos nagmula ang kagalakan ng Mahal na Birhen. Ang Diyos ang tanging nagdudulot ng tunay na kagalakang walang hanggan. Kagalakan ang Kanyang ipinagkakaloob sa lahat ng tao. Ang Kanyang mga salita't gawa ay nagdudulot ng kagalakan sa lahat. Ang Kanyang winika sa Unang Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias ay nagdulot ng kagalakan sa Kanyang bayan. Kaya nga, angkop na angkop ang Salmong Tugunan sa pagdiriwang ngayong araw na ito, "Pinupuri Kang lubusan ng lahat sa ating bayan." (15, 9d) Ititunuro sa atin ng Salmo ngayon na ang Diyos ay nararapat na purihin sapagkat ang Kanyang mga kahanga-hangang gawa ay nagdudulot ng kagalakan sa lahat.
Ang Diyos ang bukal ng lahat ng kagalakan. Ang kagalakang ito'y tunay at walang hanggan. Ang kagalakang ito'y hindi mapapantayan ng kagalakang kaloob ng sanlibutan. Ipinagkakaloob ng Diyos ang kagalakang ito sa lahat. Hindi lamang ito para sa isang partikular o spesipikong grupo. Ang kagalakang ito'y para sa lahat ng tao na tunay Niyang iniibig at inaaruga nang lubos.
Tulad ng Mahal na Birheng Maria, ibahagi natin sa ating kapwa ang kagalakang kaloob ng Diyos. Ang kagalakan nating tinanggap mula sa Diyos ay hindi dapat nating isarili. Ang kagalakang ipinagkaloob sa atin ng Diyos ay dapat nating ibahagi sa ating kapwa sapagkat ito ay para sa lahat. Katulad ng Mahal na Inang si Maria, tayong lahat ay hinirang ng Diyos upang ipalaganap ang kagalakang Kanyang kaloob sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa ating kapwa. Hinirang tayo ng Diyos upang maging Kanyang instrumento sa pagpapalaganap ng Kanyang mga pagpapala sa lahat. May misyong tayo mula sa Panginoon - ang kagalakan at iba pang mga pagpapalang ating tinanggap mula sa Kanya ay dapat nating ibahagi sa iba. Sa gayon, lalong mabibigyan ng kaluwalhatian ang Diyos dahil sa Kanyang mga kahanga-hangang gawa na puspos ng kadakilaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento