28 Disyembre 2017
Kapistahan ng mga Banal na Sanggol na walang kamalayan, mga martir
1 Juan 1, 5-2, 2/Salmo 123/Mateo 2, 13-18
Sa panahon ngayon, bihira nang isinasagawa't sinusunod ang lumang tradisyong bilang mga Pilipino tuwing sasapit ang araw ng Niños Inocentes. Mayroon daw kaugalian na kapag sasapit ang araw na ito, hihingi o manghihiram ng pera ang ating mga kakilala na walang balak ibalik, bayaran, o isauli ito. Nagiging biktima ng kapilyuhan ng iba ang mga mamimigay ng pera sa araw na ito. Kapag nangyari iyon, sinasabi ng iba, "Na-Niños Inocentes ka!" Kaya, binabalaan ang lahat na huwag mamigay ng pera sa mismong araw na ito sapagkat maaari silang maisahan o maloko ng iba ngayong araw na ito, ang araw ng Niños Inocentes.
Kung bibigyan natin nang pansin ang paksang inilalarawan sa mga Pagbasa ngayon, taliwas ito sa kaugalian natin ngayon. Inihayag ni Apostol San Juan sa Unang Pagbasa ngayon na hango mula sa kanyang unang sulat na tayong lahat ay nilinis ni Kristo Hesus sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang kabanal-banalang Dugo. Sa Ebanghelyo, isinalaysay ni San Mateo ang walang awang pagpaslang sa mga sanggol na lalaki mula dalawang taong gulang pababa, ayon sa utos ni Haring Herodes. Nais ni Haring Herodes na mapatay ang Sanggol na Hesus sapagkat para sa kanya, ang Sanggol na Hesus ay isang malaking banta sa kanyang kaharian. Dapat bang pagbiruhan ang mga ganyang pangyayari? Dapat bang gawing sentro ng kalokohan o mga biro ang mga pangyayari?
Ang hapdi't kirot na dala-dala ng mga ina ng mga sanggol na pinaslang na walang kalaban-laban sa utos ni Haring Herodes ay totoo. Ang hapdi't kirot na taglay ng Mahal na Birheng Maria nang masilayan niya ang kanyang minamahal na Anak, ang iniluwal mula sa kanyang sinapupunan noong gabi ng unang Pasko, na nakabayubay at unti-unting binabawian ng buhay sa kahoy na krus sa Kalbaryo ay totoo. Kaya ba nating gawing pagbiruan ito? Kung tayo'y nasa kalagayan ng mga ina ng mga sanggol na walang awang pinaslang ng mga kawal ni Haring Herodes at ng Mahal na Birheng Maria nang masilayan niya ang pagdurusa't pagkamatay ng kanyang Anak na si Hesus sa krus, ano ang ating mararamdaman kapag nakita natin ang ibang tao na sa kanilang pananaw ay nakakatawa ang mga pangyayaring iyon? Ano ang mararamdaman natin?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento