25 Disyembre 2017
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
[Pagmimisa sa Araw]
Isaias 52, 7-10/Salmo 97/Hebreo 1, 1-6/Juan 1, 1-18 (o kaya: 1, 1-5. 9-14)
Mayroong apat na Misa pagsapit ng Pasko. Ang Misa sa Bisperas ng Pasko, ang Misa sa Hatinggabi ng Pasko, ang Misa sa Bukang-Liwayway ng Pasko, at ang Misa sa mismong Araw ng Pasko. May sariling pangkat ng mga Pagbasa ang mga Misang ito. Subalit, iisa lamang ang nais pagtuunan ng pansin ng mga Pagbasa sa mga Misa para sa Kapaskuhan, anuman ang oras. Pinagtutuunan ng pansin ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Sanggol na si Hesus, ang Sanggol na ipinaglihi't iniluwal ng Mahal na Birheng Maria mula sa kanyang sinapupunan at inihiga sa isang hamak na sabsaban. Ipinasiya ng Panginoong Diyos na Siya'y maging taong katulad natin (maliban sa kasalanan) upang tayo'y iligtas. Sa pamamagitan ng pagyakap at pagtanggap sa ating pagkatao upang mamuhay na kapiling natin, inihayag ng Diyos ang Kanyang habag at kagandahang-loob sa ating lahat, kahit na tayo'y hindi karapat-dapat dahil sa ating paulit-ulit na pagkakasala laban sa Kanya. Kahit paulit-ulit tayong magkasala laban sa Kanya, hindi nauubusan ng habag at kagandahang-loob ang Diyos na higit pang dakila sa kapangyarihan at dami ng ating mga kasalanan laban sa Kanya.
Ang Ebanghelyo para sa araw ng Pasko ng Pagsilang ay hango mula sa kauna-unahang kabanata ng Ebanghelyo ni San Juan. Sinimulan ni San Juan ang kanyang salaysay ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng isang patulang pagsasalarawan sa Panginoong Hesukristo bilang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao. Siya rin ay isinalarawan bilang tunay na liwanag na tumatanglaw sa lahat ng tao. Ang kaliwanagang ito, si Hesus, ang aakay sa lahat ng mga anak ng Diyos na nawawala't naliligaw ng landas pabalik sa yakap ng Ama. Sa pamamagitan ng Bugtong na Anak ng Diyos na si Hesus, ang tunay na liwanag, ang lahat ng tao'y naligtas mula sa mga pwersa ng kadiliman at kasalanan.
Sa patulang pagsisimula ni San Juan sa kanyang salaysay ng Mabuting Balita, inilarawan din Niya ang likas ng tunay na liwanag at Salita ng Diyos na nagkatawang-tao na si Hesus. Wika ni San Juan sa unang bahagi pa lamang na ang Salita ay Diyos (1, 1). Ang Bugtong na Anak ng Diyos na si Hesus, ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao, ay Diyos rin. Si Hesus ang Diyos Anak, ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo. Ang misteryong ito'y dinugtungan ng manunulat ng sulat sa mga Hebreo sa Ikalawang Pagbasa noong kanyang inihayag na nagpakita ang Diyos sa lahat ng tao sa pamamagitan ng Kanyang Anak (1, 2). Sa pamamagitan ni Kristo Hesus, ang Diyos ay nagpakita't nakipamuhay sa ating lahat upang tayong lahat ay tubusin mula sa kapangyarihan ng kadiliman at kasalanan. Sa pamamagitan nito'y inihayag ng Diyos ang Kanyang habag at kagandahang-loob para sa ating lahat. Niloob Niyang tayo'y makapiling muli. Kaya't ipinasiya ng Diyos na bumaba mula sa langit, yakapin at tanggapin ang ating pagkatao, at magpakita sa atin sa pamamagitan ni Hesukristo.
Nagsalita rin si propeta Isaias sa Unang Pagbasa tungkol sa habag at kagandahang-loob ng Diyos na pinatotohanan ni San Juan sa Ebanghelyo at ng manunulat ng sulat sa mga Hebreo sa Ikalawang Pagbasa. Inihayag niya ito sa bayang Israel ilang taong bago isinilang si Kristo, ang ipinangakong Manunubos at Mananakop ipagkakaloob ng Diyos sa lahat ng tao. Inihayag ni propeta Isaias kung ano ang ipapamalas ng Diyos sa pamamagitan ng Mesiyas at Manunubos. Sa pamamagitan ng Mesiyas at Manunubos, ililigtas ng Diyos ang Kanyang bayan. Masasaksihan ng lahat ng nasa daigdig ang kahanga-hangang gawang ito ng Diyos na Kanyang ipinangako. Namalas ng lahat ng tao sa daigdig nang buong mangha ang katuparan ng pangakong binitiwan ng Diyos na inihayag ni propeta Isaias sa pamamagitan ng pagpanaog ng tunay na Liwanag na nagmula sa langit at Salita ng Diyos na nagkatawang-tao na si Kristo Hesus, ang ating Panginoon at Tagapagligtas.
Ang Sanggol na Hesus ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao at Liwanag na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat. Sa pamamagitan Niya, ipinamalas ng Diyos ang Kanyang habag at kagandahang-loob sa sangkatauhan. Kahit na hindi tayo karapat-dapat na tanggapin at maranasan ang biyayang ito dahil sa ating mga pagkakasala, ipinasiya pa rin ng Diyos na bumaba mula sa Kanyang maluwalhating kaharian sa langit at magkatawang-tao sa Kanyang pagpanaog sa lupa sa pamamagitan ng Banal na Sanggol na ipinaglihi't iniluwal mula sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria noong unang Pasko. Ang kahanga-hangang gawa ng Diyos na nagpamalas ng Kanyang habag at kagandahang-loob para sa lahat ay tunay ngang nasaksihan ng bawat tao mula sa iba't ibang lipi, wika, bayan, at bansa. Ang pagsaksi sa espesyal na pangyayari nang buong mangha ay nagdulot ng kagalakan sa sangkatauhan sapagkat nabatid ng sangkatauhan na sa kabila ng kanilang pagkakasala, ang Diyos ay patuloy na nagpapakita ng habag at kagandahang-loob. Ang habag at kagandahang-loob ng Diyos ang tanging dahilan kung bakit ipinasiya Niyang tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo, ang Salitang nagkatawang-tao at Liwanag mula sa kalangitan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento