27 Disyembre 2022
Kapistahan ni Apostol San Juan, Manunulat ng Mabuting Balita
1 Juan 1, 1-4/Salmo 96/Juan 20, 2-8
This file is a reproduction of the painting St. John and St. Peter at Christ's Tomb (c. 1640) by Giovanni Francesco Romanelli (Italy, Viterbo, circa 1610-1662) from the Los Angeles County Museum of Art Collection, which is in the Public Domain ("No Known Copyright") because it has been released by the Los Angeles County Museum of Art (www.lacma.org) with its "Public Domain High Resolution Image Available" mark. LACMA is unaware of any current copyright restrictions on Content so designated, either because (i) the term of copyright has expired, (ii) no evidence has been found that copyright restrictions apply, or (iii) because LACMA owns copyright but would like to share this Content with the public without exercising control as part of its mission to engage and educate its communities. LACMA does not warrant that the sharing of this Content will not infringe upon the rights of third parties holding rights to these works. For more information see the LACMA Image Library Terms and Conditions.
Sa Unang Pagbasa, si Apostol San Juan ay nagsalita tungkol sa kanyang paraan ng paghahayag ng kanyang katapatan sa Panginoong Jesus Nazareno. Katulad ng mga kapwa niyang apostol ng Mahal na Poong Jesus Nazareno, si Apostol San Juan ay laging nangangaral at nagpapatotoo tungkol sa pag-ibig ng Diyos na inihayag Niya sa tanan sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak at Ikalawang Persona ng Banal na Santatlo na walang iba kundi ang Salita na nagbibigay-buhay na si Jesus Nazareno (1 Juan 1, 1-3). Sa pamamagitan nito, ipinapakilala niya sa lahat kung kanino niya ibinibigay ang kanyang katapatan na dapat ring paglingkuran ng lahat ng mga tao sa mundong ito nang buong katapatan hanggang sa huli - si Jesus Nazareno.
Tampok sa salaysay sa Ebanghelyo ang nakita ni Apostol San Pedro at ng minamahal na alagad ng Poong Jesus Nazareno na si Apostol San Juan noong araw ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Bagamat napapaloob tayo sa panahon ng Pasko ng Pagsilang, inilarawan sa Ebanghelyo ang dahilan kung bakit ang Banal na Sanggol na walang iba kundi si Jesus Nazareno ay isinilang noong gabi ng unang Pasko. Si Jesus Nazareno ay dumating sa mundong ito bilang Banal na Sanggol na isinilang ng Mahal na Inang si Mariang Birhen noong gabi ng unang Pasko upang ang sangkatauhan ay iligtas sa pamamagitan ng Kanyang Krus at Muling Pagkabuhay. Nahayag sa pamamagitan ng gawaing ito ng Poong Jesus Nazareno ang pag-ibig ng Diyos. Ito ang katotohanang laging ipinangaral, pinatotohanan, at ibinahagi sa lahat ng Apostol at Manunulat ng Banal na Ebanghelyo na si San Juan hanggang sa huli nang buong katapatan.
Ang halimbawang ipinakita ni Apostol San Juan hanggang wakas ay dapat tularan ng lahat ng mga deboto ng Mahal na Poong Jesus Nazareno. Kung tunay, tapat, at taos-puso tayo sa ating pagsamba, debosyon, at pamamanata sa Mahal na Poong Jesus Nazareno, magpapatotoo tayo sa kapwa tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng ating mga kilos at salita. Ipapakilala natin Siya sa kapwa. Ibabahagi rin natin ang Kanyang biyaya sa ating kapwa, lalung-lalo na sa mga kapus-palad. Higit sa lahat, ang mga utos at tuntuning ibinibigay Niya sa atin ay ating susundin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento