Biyernes, Disyembre 23, 2016

PAG-IBIG NA DI NAGMAMALIW

24 Disyembre 2016
Ikasiyam na Araw ng Simbang Gabi/Misa de Gallo 
2 Samuel 7, 1-5. 8b-12. 14a. 16/Salmo 88/Lucas 1, 67-79 



Ang tema ng mga Pagbasa ay hango mula sa Salmo. "Pag-ibig Mong walang maliw ay lagi kong sasambitin." Walang katapusan ang pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig ng Diyos ay mananatili magpakailanman. Ang Unang Pagbasa ay tungkol sa isang propesiya. Isa itong propesiya tungkol sa Mesiyas na matagal nang pinananabikan. Ang Ebanghelyo naman ay tungkol sa isang awit-papuri sa Panginoon. Binibigyan ng papuri at karangalan ang Diyos para sa Kanyang pag-ibig sa tanan. 

Ipinahayag ng Diyos sa Unang Pagbasa na isa sa mga anak ni David ang hahalili sa kanya. Isa itong propesiya o hula patungkol sa Mesiyas. Magmumula sa angkan ni Haring David ang Mesiyas na Tagapagligtas. Si Hesus ang tinutukoy sa hulang ito. Nagkatotoo at natupad ang propesiya sa pamamagitan ni Hesus. Si Hesus ang Mesiyas na isinilang sa Betlehem. Si Hesus ang Mesiyas na Anak ni David.  

Sa pamamagitan ni Hesus, ipinahayag sa lahat ang pag-ibig ng Diyos. Ipinamalas ng Diyos ang Kanyang pag-ibig para sa sangkatauhan. At ang pag-ibig ng Diyos ay tunay at hindi nagmamaliw. Walang hanggan ang Kanyang pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos ay tunay at perpekto. Ito'y mananatili magpakailanman. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi magmamaliw. Walang katapusan ang pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig ng Diyos ay tunay at walang maliw.

Sa Ebanghelyo, umawit ng papuri ang ama ni San Juan Bautista na si Zacarias. Si Zacarias ay umawit ng papuri sa Diyos bilang pagbibigay ng papuri at karangalan sa Kanya. Umawit si Zacarias tungkol sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nagmamaliw. Ipinamalas ng Diyos ang Kanyang pag-ibig na walang hanggan sa sangkatauhan noong nagpadala Siya ng Tagapagligtas. Ang Diyos ay nagpadala ng Manunubos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Siya ang nagkaloob ng Tagapagligtas para sa sangkatauhan. Ang Anak ng Diyos na si Hesus, na Siya ring Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo, ang ipinagkaloob na maging Mesiyas at Tagapagligtas ng sangkatauhan. 

Patungkol naman kay San Juan Bautista ang isang bahagi ng awit ni Zacarias. Sa bahaging iyon, isinalarawan ni Zacarias ang magiging bokasyon ng kanyang anak. Ang kanyang anak na si San Juan Bautista ang magiging propeta at tagapagpauna ng Tagapagligtas. Bilang tagapagpauna ng Panginoon, ihahanda ni Juan Bautista ang daraanan ng Panginoon. Ihahanda rin niya ang buong sambayanang nanabik para sa pagdating ng Panginoon na Siyang magliligtas sa Kanyang bayan. 

Walang hanggan ang pag-ibig ng Diyos. Hindi magmamaliw kailanman ang pag-ibig ng Diyos. Ipinahayag ni Hesus sa Kanyang pagdating ang dakilang pag-ibig ng Diyos na hindi nagmamaliw. Ipinagkaloob ng Diyos si Hesus sa sangkatauhan upang ihayag at ipamalas ang Kanyang pag-ibig na walang katapusan. Niloob ng Diyos na Siya'y maging tao sa pamamagitan ni Hesus, ang Pangalawang Persona ng Banal na Santatlo, upang ipahayag ang Kanyang dakilang pag-ibig na walang hanggan. Si Hesus ang pinakadakilang larawan ng dakilang pag-ibig ng Diyos na hindi magwawakas kundi mananatili magpakailanman. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento