24 Disyembre 2023
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoong Jesus Nazareno
[Pagmimisa sa Bisperas]
Isaias 62, 1-5/Salmo 88/Mga Gawa 13, 16-17. 22-25/Mateo 1, 1-25 (o kaya: 1, 18-25)
This faithful photographic reproduction of the painting (c. 1650s) Nativity (Natividade) by Josefa de Óbidos (1630–1684), as well as the actual work of art itself, is in the Public Domain ("No Copyright") in its country of origin as well as in other countries and areas where the copyright term is the author's life plus 100 years or fewer because the author died in 1684. This work of art is also in the Public Domain in the United States because it was published (or registered with the U.S. Copyright Office) before January 1, 1928.
Mga salitang nagpapalakas, nagpapagaan, at nagpapanatag ng mga puso at loobin ang mga salitang inilahad sa Unang Pagbasa. Inilarawan sa Unang Pagbasa para sa Bisperas ng Pasko ng Pagsilang ng Poong Jesus Nazareno ang pag-ibig ng Diyos para sa bayang Israel. Ang pag-ibig ng Diyos para sa Kaniyang bayang hinirang ay tunay at wagas. Pinahahalagahan, kinalulugdan, at minamahal ng Diyos ang bayang Kaniyang hinirang nang lubusan.
Ang pangaral ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Pagbasa para sa Bisperas ng Pasko ng Pagsilang ng Poong Jesus Nazareno ay nakasentro sa pinakadakilang aguinaldong kaloob mismo ng Diyos sa sangkatauhan. Ipinagkaloob ng Diyos ang aguinaldong ito sa sangkatauhan noong gabi ng unang Pasko. Walang katulad ang aguinaldong ito. Hindi mapapantayan o mahihigitan ang aguinaldong ito. Noong gabi ng unang Pasko, ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ang pinakadakilang aguinaldo na walang iba kundi ang biyaya ng Kaniyang pagliligtas na dumating sa pamamagitan ni Jesus Nazareno. Sa pamamagitan nito, nahayag ang Kaniyang pag-ibig.
Sa Ebanghelyo, inilahad ang angkang kinabilangan ng Poong Jesus Nazareno at ang mga kaganapang kaugnay ng Kaniyang pagsilang. Dumating sa mundong ito noong gabi ng unang Pasko ang Poong Jesus Nazareno dahil sa Kaniyang pag-ibig para sa lahat. Kahit hindi naman Niya kinailangang gawin iyon, ipinasiya pa rin ng Diyos na ipagkaloob sa sangkatauhan ang biyaya ng Kaniyang pagliligtas noong gabi ng unang Pasko sa pamamagitan ng Banal na Sanggol na isinilang ng Mahal na Birheng Maria na walang iba kundi ang Poong Jesus Nazareno. Ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa tanan ay nahayag sa tanan sa pamamagitan ng pinakadakilang aguinaldong si Kristo, ang Banal na Sanggol na isinilang ng Mahal na Inang si Mariang Birhen.
Kung hindi dahil sa pag-ibig ng Diyos, walang Pasko. Walang Pasko kung ang Diyos ay nagpasiyang patigasin ang Kaniyang puso at maging manhid at malamig. Subalit, dahil ipinasiya ng Diyos na ibigin tayo, ipinasiya Niyang lumapit sa atin upang iligtas tayo mula sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng pinakadakilang aguinaldo na walang iba kundi ang Banal na Sanggol na isinilang ng Mahal na Inang si Mariang Birhen na si Jesus Nazareno, ang Kaniyang Bugtong na Anak.
Dahil sa pag-ibig ng Diyos na nahayag sa pamamagitan ng pinakadakilang aguinaldo na walang iba kundi ang Banal na Sanggol na isinilang ng Mahal na Inang si Mariang Birhen na si Jesus Nazareno, ipinagdiriwang natin nang buong saya taun-taon tuwing sasapit ang ika-25 ng Disyembre ang Kapaskuhan. Mayroong Pasko dahil ang Diyos ay nagpasiyang mahalin tayo at lumapit sa atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento