PAGNINILAY SA PITONG HAPIS NG MAHAL NA BIRHENG MARIA - IKAPITO AT HULING HAPIS
Ikapito at Huling Hapis: Ang Paglilibing sa Poong Jesus Nazareno (Mateo 27, 57-61; Marcos 15, 42-47; Lucas 23, 50-56; Juan 19, 38-42)
This faithful photographic reproduction of the painting (c. Between 1626 and 1677) The Entombment of Christ, attributed to Willem van Herp (circa 1613/1614–1677), as well as the actual work of art itself from the Artcurial Paris auction of 13 November 2018 lot 47, is in the Public Domain ("No Copyright") in its country of origin as well as in other countries and areas where the copyright term is the author's life plus 100 years or fewer, including the United States.
Dahil buong araw na nagtiis at nagbata ng maraming hirap, sakit, pagdurusa, hapis, pighati, at dalamhati ang Mahal na Birheng Maria bilang pakikiisa sa pagpapakasakit at pagkamatay ng Mahal na Poong Jesus Nazareno, tiyak na napagod ang Mahal na Birheng Maria sa katapusan ng araw. Buong araw siyang napuspos ng sakit at hapis sapagkat nakita niyang mamatay sa kaniyang harap ang Poong Jesus Nazareno na kaniyang Anak na minamahal na unti-unting namamatay sa Krus. Talagang walang tigil ang hapis at sakit ng Mahal na Birheng Maria noong araw na iyon. Kaya, maaari nating sabihing naubusan ng lakas ang Mahal na Birheng Maria. Sino ba naman ang hindi mauubusan ng lakas kapag naranasan nila ang naranasan ng Mahal na Birheng Maria noong unang Biyernes Santo?
Para sa Mahal na Birheng Maria, maaaring ituring ang Paglilibing kay Jesus Nazareno bilang isang pahabol. Sa mga sandaling inilibing ang Nuestro Padre Jesus Nazareno, hindi maipagkakailang napagod nang lubusan ang Mahal na Birheng Maria. Napagod ang Mahal na Birheng Maria dahil buong araw siyang nagbata ng hirap, pagdurusa, sakit dalamhati, at hapis. Hindi biro ang kaniyang pinagdaanan noong araw na iyon. Katunayan, hindi siya napakapagpahinga ni isang beses man lamang noong araw na iyon. Tila walang tigil ang kaniyang pagbabata ng sakit at hapis. Napakahaba ngang tunay ang unang Biyernes Santo para sa Mahal na Birheng Maria.
Subalit, sa kabila ng kaniyang pagod sa mga oras na iyon, ikinahapis pa rin ng Mahal na Inang si Mariang Birhen ang Paglilibing sa Mahal na Poong Jesus Nazareno. Nang ilibing ang Mahal na Poong Jesus Nazareno, labis na nasaktan ang Mahal na Birheng Maria. Kahit kailan, hindi hinangad ng Mahal na Birheng Maria na makitang inililibing ang Poong Jesus Nazareno. Ramdam ng Mahal na Birheng Maria sa mga sandaling si Jesus Nazareno ay inilibing ang pagkadurog ng kaniyang puso. Durog na durog ang puso ng Mahal na Birheng Maria noong araw na iyon. Kahit pagod na pagod na, hindi tumigil ang Mahal na Birheng Maria sa pagbabata ng sakit at hapis.
Hindi hadlang ang matinding pagod para sa Mahal na Birheng Maria. Kahit pagod na pagod na siya sa mga sandaling inilibing ang Mahal na Poong Jesus Nazareno, hindi tumigil sa pagbabata ng sakit at hapis ng Mahal na Birheng Maria. Bagkus, ang sakit at hapis dulot ng sandaling inilibing ang Panginoong Jesus Nazareno ay ipinasiya pa rin niyang tiisin at batain dahil tunay niyang inibig ang kaniyang Anak na minamahal. Iyan ang pag-ibig ng Mahal na Birheng Maria para sa Poong Jesus Nazareno.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento