Ika-6 na Linggo sa
Karaniwang Panahon (A)
Sirak 15, 16-21 (gr. 15-20)/Salmo 118/1 Corinto 2, 6-10/Mateo 5,
17-37
(o kaya: 5, 20-22a. 27-28.
33-34a. 37)
Ang
Unang Pagbasa natin ngayon ay tungkol sa kalayaang ibinigay sa atin ng
Diyos. Bakit tayo binibigyan ng Diyos ng
kalayaan? Upang tayo’y gamitin ito para sa
kabutihan. Ang utos ng Diyos ay gamitin
ang kalayaang ito para sa kabutihan. Ito’y
para sa ating lahat. Kapag sinusundan
natin ang mga utos ng Diyos, ginagamit natin ang kalayaang ito sa wastong
pamamaraan. Huwag tayo’y abusuhin
ito. Hindi dapat abusuhin ang biyayang
ito.
Ang
Ikalawang Pagbasa naman ay tungkol sa karunungan at kalayaan na galing sa
mundong ito. Binababalaan tayo ni Apostol San Pablo na maaaring akayin ng mga
ito patungo sa kapahamakan. May pekeng
kalayaan na ipinapakita ng mundo. Huwag
tayo magpapaloko sa kanila. Ito’y isang
babala mula kay Apostol San Pablo. Huwag
tayong mahulog sa bitay ng kasinungalingan tungkol sa kalayaan mula sa mundong
ito.
Sa
ating Ebanghelyo, ipinapahayag ni Hesus na ang Kanyang misyon dito sa
lupa. Hindi Niya ipapawalang-halaga ang
Kautusan. Bagkus, naparito Siya upang
matupad at bigyan ng halaga ang Kautusan.
Paano Niya tinutupad ang
Kautusan? Sa pamamagitan ng
pag-ibig. Ibinabalik ni Kristo ang tunay
na diwa ng Kautusan. Ano ang tunay na
diwa ng Kautusan? Pag-ibig.
Napakahalaga
ang pagsunod sa batas. Ang dahilan ng
pagsunod sa pisikal na batas ay para sa ating kabutihan natin at ng ating kapwa. Halimbawa, bakit pinapatigil natin ang ating
sasakyan kapag kulay pula ang stop light?
Upang mabigyang daan ang iba pang mga sasakyan at kung sakaling may mga
taong tumatawid sa kalsada, makakatawid sila, lalung-lalo na po kapag
matanda. Nagsasakripisyo tayo ng oras upang
makatulong sa ating kapwa. Walang hari o
reyna ng daan. Kaya, dapat, huwag tayong
magreklamo.
Ang
pisikal na pagsunod sa batas ay hindi sapat para sa Panginoon. Maaaring maging malaya ang isang tao nang
pisikal, pero, ang kanyang puso ay bihag ng kasamaan. Kahit ang pisikal na tao ay malaya, pwede rin
siyang maging bihag ng kasalanan.
Ginamit ng Panginoon ang ika-5, ika-6 at ika-8 na utos upang mailarawan
kung paano ito maging posible. Ang
pakikiapid, ang pagpatay, at ang pagsaksi ng walang katotohanan laban sa kapwa
o ang pagsisinungaling.
Unahin
muna natin ang pagpatay. Kahit hindi
natin pinapatay ang ating kapwa, ang pamumuhay bilang alipin ng galit at poot
ay tumutulong sa pagpatay sa kapwa. Ito ay
nagpaparumi sa ating mga puso. Ang
pamumuhay bilang bihag ng galit at poot ay nagbibigay ng pagnanasa upang patayin
ang ating kapwa. Sa paraang iyon, tayo
ay nagkakasala, kahit hindi natin pinatay nang pisikal.
Ang
pangalawa naman ay tungkol sa pakikiapid.
Paano nakikiapid ang isang tao?
Pagkakaroon ng kabit o kerida, hindi ba?
Iyon ang pinakamasikat na pamamaraan ng pakikiapid. Pero, hindi lang iyon ang nag-iisang paraan
ng pakikiapid. Ano pa ang mga iba pang
pakiapid? Binabanggit na ito ng
Panginoong Hesus. Ang pagtingin sa isang
babaing maganda nang may pagnanasa. Ang
pagiging malisyoso. At kung inaakala ng
mga tao na pag-ibig ang pagtatalik sa hindi mo pa namang asawa o kaya sa labas
ng kasal, nagkakamali sila. Hindi na
iyon pag-ibig. Pangangalunya o
pakikiapid na iyon.
Kakatuwa
lang, coincidentally, noong nakaraang
Biyernes, Valentine’s Day o Araw ng
mga Puso. Ito siguro ang araw ng
kakiligan. Pumasok po tuloy sa aking
isipan ang kanta ni Imelda Pampin. Ang
kantang ito ay “Isang Linggong Pag-Ibig.”
Nagkakilala noong Lunes, nagtapat ng pag-ibig noong Miyerkules at
nagmamahalan noong Biyernes. Maayos ang
pagmamahalan nila mula Lunes hanggang Biyernes.
Pero, nagbago ang lahat noong Sabado.
Bakit? Nagkatampuhan ang
mag-nobyo. At pagsapit ng Linggo, iniwan
na. Nagkahiwalay. Ganyan ba ang pag-ibig na dapat ipakita sa
ating minamahal sa buhay? Isang linggo
lang ang tagal?
Para
kay Hesus, ang pag-ibig ay dapat ipakita natin araw-araw. Hindi lamang isang linggo. Dapat, sa bawat araw ng ating buhay, minamahal
natin ang kapwa. Hindi po romantic love ang tinutukoy dito ni
Hesus. Ang pag-ibig na galing sa Diyos
ay dapat nating ipakita at ipadama sa ating kapwa. Ang Diyos lamang ang umiibig nang wagas. Walang hanggan ang Kanyang pag-ibig sa
atin. Ang Diyos lamang ang may tunay at
perpektong pag-ibig.
Mahirap
pong umiwas na tumingin sa mga babae na maganda Pero, yun nga lang, ang dulot ng pagtingin sa
kanila nang matagal ay pakikiapid.
Hindi ba, napapatulo ang laway ng isang lalaki kapag nakakita siya ng
isang maganda at sexy pa? Kapag tumingin
siya nang matagal, mga isang minuto na siguro, iyan na. Sintomas na iyon ng pakikiapid. Kahit hindi pwede, parang nais magtalik ang
lalaki sa isang babaeng maganda.
Pag-ibig ba iyon? Malaya ba ang
taong iyon? Hindi! Nabubuhay siya bilang alipin ng pakikiapid.
Pangatlo,
ang utos laban sa pagsaksi ng masama laban sa kapwa na mas kilala bilang
pagsisinungaling. Marami pong mga
kasinungalingan sa mundo bawat oras.
Pero, may isa pang paraan ng pagsisinungaling. Alam po ba ninyo yung mga oath taking sa mga opisyal ng
pamahalaan? Gamitin natin ito bilang
isang halimbawa. Bakit magsusumpa ang
isang opisyal ng gobyerno kung sa tingin niya ay hindi niya kaya ang
pananagutan ng pagiging isang opisyal sa pamahalaan? Hindi ba, pagsisinungaling na iyon. Sa pamamagitan nito, niloloko niya ang
kanyang mga kababayan. Hindi niya
ipinapakita ang kanyang pag-ibig sa bayan.
Ibig
sabihin ng pangatlo, magpakatotoo ka.
Kung hindi ka pa handa, aminin mo, hindi ka pa handa at hindi mo pa kaya
ang pananagutang ito. Kung handa ka na,
sabihin mo yung totoo. Siguraduhin mo na
nagpapakatotoo ka. Iyan ang isa pang
hamon mula sa Panginoon. Magpakatotoo sa
sarili at sa kapwa.
Kapag
pinaglingkuran natin ang Diyos, tayo’y makakaranas ng tunay na kalayaan upang
mabuhay. Paano natin mapaglilingkuran
ang Diyos? Iilan lamang sa maraming paraan ay ang pagtanggal, pag-iwas at pagtakwil sa
mga masasamang gawain, katulad ng pagpatay, pakiapid at pagsisinungaling. Kapag sinikap nating umiwas sa kasalanan,
tayo ay nabubuhay sa kalayaang ibinigay sa atin ng Diyos. Ito’y paraan ng paglingkod sa Diyos. Binibigyan tayo ng kalayaan ng Diyos upang
gumawa ng mabuti. Huwag nating abusuhin
ang kalayaang ito. Isa itong biyaya mula
sa Diyos. Huwag tayong maging abusado o
abusada sa biyayang ito mula sa Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento