Ika-3 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon, Linggo ng Gaudete, at Unang Araw ng Simbang Gabi o Misa de Gallo - (K) - Biyoleta, Rosas (o liliya), o Puti
(Sof 3, 14-18/Is 12, 2-3. 4bkd. 5-6/Fil 4, 4-7/Lu 3, 10-18)
Ngayong Linggong ito ay ang tinatawag nating Linggo ng Gaudete (Gaudete Sunday). Ang Linggong ring ito ay ang Unang Araw ng ating Pagsisiyam na tinatawag nating "Simbang Gabi," o kaya, "Misa de Gallo." Ang Gaudete Sunday ay hango mula sa salitang Latin na Gaudete na ang ibig sabihi'y, "magalak." Kaya, kung inyong mapapansin, ang pari ngayong Linggong ito ay nakasuot ng espesyal na kulay na tinatawag nating Rosas. Sa Ingles, ito po ay tawag na pink o kaya rose. Sinisindi po natin ngayon ang Ikatlong Kandila sa ating Koronang Pang-Adbiyento. At ang ikatlong kandila na ito ay ang Kandila ng Kagalakan. Pero, ang tanong, ano ba ang kailangan natin ikagalak ngayong ikatlong Linggo sa Panahon ng Adbiyento pa lamang tayo?
Sa ating Ebanghelyo ngayong Linggong ito, ipinangangaral ni San Juan Bautista ang pagsisisi sa lahat ng mga taong nakikinig sa kanya sa Ilog-Jordan. Ipinaghahanda niya ang lahat ng mga tao upang makasalubong nila ang ipinangakong Mesiyas. Ang bunga nito, ang pag-aakala ng mga tao na si Juan Bautista nga ang pinangakong darating. Inamin ni Juan, siyempre, na hindi nga siya ang pinagakong darating. Ayon nga sa unang kabanata sa Ebanghelyo ni San Juan, sinabi niyang isa lang siyang tinig na sumisigaw mula sa ilang. Ang tanong: bakit siya nagbibinyag? Ang sagot ni Juan? Nagbibinyag lang siya sa pamamagitan ng tubig. Ngunit alam niyang may susunod na sa kanya na mas makapangyarihan pa kaysa sa kanya. Siya ay magbibinyag sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng apoy. Kilala natin kung sino ang tinutukoy ni Juan dito - ang kanyang pinsang si Jesus.
It's never too late to repent. Hindi pa huli ang lahat. Hinihintay palagi tayo ng Diyos na pagsisihan natin ang ating mga kasalanan laban sa kanya. Ang Diyos ay naghihintay sa Sakramento ng Kumpisal. Ikumpisal natin ang ating mga kasalanan. Hindi tayo itatakwil ng Diyos dahil may kasalanan tayo laban sa kanya. Mahal na mahal tayo ng Diyos. Nais niyang tulungan tayo sa ating paghahanda. Part of preparing the Way of Our Lord Jesus Christ is repenting. Bahagi ng paghihintay sa pagdating ng Panginoong Jesukristo ang pagsisisi. Hinihintay tayo ng Panginoong Jesus sa Sakramento ng Kumpisal. Naalala po ba ninyo ang kriminal na si Dimas? Halos huli na ang lahat para sa kanya. Buong buhay niya, siya'y nagkasala laban sa Diyos. Pero, noong nakasama niyang ipinako si Kristo sa krus, ipinagtanggol niya si Kristo at hiniling niya kay Kristo na isama siya sa kanyang kaluwalhatian sa langit. Ano ang sagot ni Kristo? Ang sagot ng Panginoon: "Tunay kong sinasabi sa iyo: sa araw na ito ay makakasama kita sa Paraiso." (Lu 23:43) Isang halimbawa ng pagsisisi si Dimas. Sapagkat si Dimas, kahit mukhang huli na ang lahat at wala na siyang pag-asang makapasok sa langit, humingi siya ng tawad mula kay Kristo at pinatawad siya mula sa kanyang mga kasalanan ng Panginoon.
Ngayon, dumako po tayo sa mga maiinit na usapin ngayong panahon ng Adbiyento: ang RH Bill. Ang RH Bill ay dinedebate sa kongreso magpahanggang ngayon. Nakakalungkot pong pumasok na naman po ang isyung ito ng RH Bill. Bakit? Sapagkat napakaraming mga masasamang epekto ang RH Bill. Naku, ginagawa na lang laruan ang sex ng napakaraming kabataan ngayon kung isasabatas ang RH Bill. Pinapalaganap rin ng RH Bill ang abortion. Ayon nga po kay Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan sa latest pastoral letter ng CBCP (Catholic Bishop's Conference of the Philippines), Contraception is Corruption! Ang Kontrasepsyon ay Katiwalian! Bakit katiwalian ang contraception? Contraception corrupts the soul, sabi nga ni Archbishop Soc. Ang tinatawag nating sex before marriage, ito po ay ayon sa marami ay tama. Pero mali ang sex before marriage. Sex before marriage is not correct, it is wrong. Hindi tama yung makipagtalikan ang isang lalaki at babae nang hindi pa asawa. Ano ba 'yan?
Ay Diyos ko po! Ano pa? Kaya nga tutol ang ating simbahan sa RH Bill. Napakaraming negatibo tungkol sa batas na ito, eh. Napakaraming mga mali, kasinungalingan, at mga masasamang bagay ang nilalalaman ng RH Bill. Noong December 12 nga sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati, pinangunahan ng Mahal na Kardinal ng Maynila, si Luis Antonio Cardinal Tagle ang Fiesta Mass tanghaling tapat. Pero, espesyal yung isinagawang Fiesta Mass nila. Bakit? Sapagkat hindi lamang Fiesta Mass lamang ang Concelebrated Mass na pinangunahan ni Kardinal Chito Tagle, kundi ang Misang iyon ay para sa pagboboto ng RH Bill. Ipinagdadasal ng lahat ng mga Katolikong Pinoy sa lahat ng mga simbahan sa Pilipinas ngayon na ibasura nawa ang RH Bill! Hindi na kailangan ang RH Bill!!! Ibasura ang RH Bill!!!!!! Hindi kalooban ng Panginoon na mamatay ang lahat ng mga sanggol sa sinapupunan ng kanilang mga ina!!! Hindi kalooban ng Panginoon na patuloy maghirap ang mga kapatid nating mahihirap dahil sa RH Bill.
Sa mga tutol sa RH Bill, saludo po kami sa iyo! Sa mga wala pang desisyon tungkol sa RH Bill, nawa'y maliwanagan kayo at panindigan nating lahat ang katotohanan. Ang RH Bill ay hindi makakatulong sa ating bayan; sa halip, ito lamang ang mas magbibigay hirap sa ating bayan. Huwag tayong magpaloko sa RH Bill. Hindi makakatulong ang RH Bill sa mga kapatid nating mahihirap. Ayon nga kay Archbishop Soc, mapapanganib na ang ating bansa kung maisasabatas ang RH Bill. Kaya, liwanagan tayo ni Jesus ngayong panahon na ito. Siya ay para sa mga bata, mga babae, at mga mahihirap, ayon kay Archbishop Soc Villegas. YES TO LIFE, NO TO RH BILL!!!! Magalak tayong lahat!! Malapit na po ang Pasko. Malapit na ang Pagsilang ni Jesus.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento