Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni Jesus (Araw)
(Is 52, 7-10//Heb 1, 1-6/Jn 1, 1-18 o 1, 1-5. 9-14)
Ang ating Ebanghelyo ngayong umagang ito ay iba sa ating Ebanghelyo kanina. Kaninang hatinggabi, ang Banal na Ebanghelyo ay hango sa ikalawang kabanata ng Ebanghelyo ayon kay San Lucas. Ngayong umaga naman po, ang Banal na Ebanghelyo ay hango sa unang kabanata, ang simula ng Ebanghelyo ayon kay San Juan. Ito po ay tungkol sa Salitang nagkatawang-tao. Hango po sa Juan 1, 14 ang sinasabi natin tuwing dinarasal natin ang Banal na Orasyon: "Ang Salita ay nagkatawang-tao at nakipamayan sa atin."
Sa ating Ebanghelyo, pinapakilala ni San Juan na si Jesus ay ang Salita na nagkatawang-tao. Ang Panginoong Jesus ay ang Salita at ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao. Si Kristo ay sinugo ng Diyos sa lupa, ngunit hindi nakilala siya ng kanyang mga kababayan. Mahirap po yung buhay ni Kristo. Si Kristo na nga yung sinugo ng Diyos, ngunit hindi man lang siya kinilala o kaya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Talagang napakasakit na iyon para sa Panginoong Diyos. Ang Diyos ang lumikha sa lahat ng bagay, lalung-lalo na ang mundo. Ngunit, hindi nakilala o tinanggap ng sanlibutan ang Panginoon.
Nangaral si San Juan Bautista sa ilang at nagpatotoo siya sa lahat ng mga nakikinig sa kanya sa ilang tungkol sa ilaw. Hindi siya ang ilaw, ngunit ang susunod sa kanya ay yung ilaw. Bago pa man isinilang si Juan Bautista, siya'y siya na. Kung sinabi iyan ni Juan na siya nga ang ilaw at ang pinagakong susuguin ng Diyos, nagsisinungaling siya sa gayon. Hindi niya maihahanda ng daan ang Panginoon. Sinugo ng Diyos si San Juan Bautista upang ihanda ang daraanan ng Panginoon. Kinakailangang ihanda ang mga tao para sa Pagdating ng Panginoon. Tapos, ang gagawin lang niya, magsisinungaling sa mga tao na siya nga ang ilaw? Hindi maitutupad ni Juan Bautista ang kanyang misyon at sa pamamamagitan noon, nagyayabang na siya. Inamin ni Juan Bautista ang totoo: hindi siya ang ipinangakong susuguin ng Diyos. Siya'y tagapaghanda lamang.
At noong dumating ang Salita na nagkatawang-tao sa tao ni Jesus, hindi na nakilala o nalaman ng mga tao na nasa mundo na ang Mesiyas. Hindi nila nakilala ang Mesiyas. Ang akala lamang ng mga tao kay Jesus ay isang pangkaraniwang tao lamang siya. Pero, isang simpleng tao si Jesus sapagkat dahil mahal na mahal niya ang lahat ng tao, hinubad niya ang lahat ng pagiging Diyos niya at naging kapantay natin bilang tao. Namuhay siya bilang isang normal na tao, maliban na lamang sa kasalanan.
Ang pagpapakababa ni Jesus ay siyang dapat nating tularan. Noong pumasok siya sa daigdig, ipinaganak siya sa isang sabsaban at lumaki bilang isang mahirap. Napakarhirap ng buhay niya ngunit dahil mahal na mahal niya ang tao, namuhay siya bilang isang mahirap. Mahirap na nga yung Banal na Mag-Anak -- si Jesus, Maria at Jose. Maka-masa talaga si Jesus, masasabi ko lamang po.
Noong pumasok siya sa mundo, hindi ipinagyabang ni Jesus ang kanyang pagiging Diyos. Sa halip, sa tulong ng pagpapakumbaba at dahil siya ay Diyos, ipinahayag niya ang kalooban ng Diyos dahil mahal na mahal niya ang tao. Gusto niyang mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos ang lahat ng tao. May mga nagalit sa kanya, at tuloy, ipinagpatay siya sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Pero, sa ikatlong araw, siya'y muling nabuhay.
Alam po ninyo, sa panahon ngayon, kadalasan nakakalimutan natin ang tunay na bida sa araw ng Pasko. Halos ang bida tuwing Pasko ay si Santa Claus. Si Santa Claus ay cincomersyo, kaya, halos lahat ng mga tao ay naghihintay para sa Pasko. Para makakapag-Christmas shopping, etc. Dahil doon, nakakalimutan ng mga taon ang tunay na dahilan ng Pasko. Si Jesus ang tunay na bida ng Pasko. Ibalik si Jesus sa Pasko. Dahil, tunay ngang ang Panginoong Jesukristo ay ang dahilan kung bakit may Pasko.
Maligayang Pasko po muli sa ating lahat!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento