Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay - (K) - Puti
(Gw 10:34-38/Slm 118/Col 3:1-4 (o 1 Kor 5:6b-8)/Jn 20:1-8)
Ang Panginoong Hesukristo'y muling nabuhay! Aleluya! Isa pong maligayang Pasko ng muling Pagkabuhay ni Hesus muli sa ating lahat! Pinatunayan ni Hesus na kayang pagtagumpayan ang kamatayan! Hindi nagtapos ang lahat sa Biyernes Santo at ang Kanyang kamatayan.
Ang araw na ito ay napakadakila. Ito ang pinakadakilang araw para sa ating lahat, mga mananampalatayang Katoliko. Ito ang pinakadakilang kapistahan ng ating Inang Simbahang Katolika. Napakahalaga ang araw na ito sa kalendaryong panliturhiya ng ating Simbahan. Ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ang siyang hudyat ng ating pananampalatayang Katoliko. Sumasampalataya tayong si Hesukristo'y muling nabuhay sa ikatlong araw.
Ang kapistahan ng araw na ito ay hindi lamang kapistahan ng Diyos; ito'y kapistahan rin ng tao. Bakit? Sapagkat tayong lahat ay nalugmok sa kasalanan. Ngunit, dahil sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo, tayo'y pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan.
Muling nabuhay ang Panginoon! Ang katunayan at ang ebidensya na Siya'y muling nabuhay ay ang libingang walang laman. Wala na ang bangkay ni Kristo sa libingan. Ang naiwan doon ay ang mga kayong lino na ginamit na pambalot sa ulo at katawan.
Napakaraming nagsasabi noon na hindi muling nabuhay ang Panginoon. Isang kalokohan lamang ang pagsasabi na Siya'y muling nabuhay. Ngunit ngayon, naniniwala tayong lumabas mula sa libingan ang Panginoon nang may kaningningan at kaluwalhatian. Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan!
Walang kalaban-laban ang kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa kapangyarihan ni Hesus. Sabi ni Apostol San Pablo sa 1 Korinto 15:55, "Nasaan, o kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, o kamatayan, ang iyong kamandag?" Kahit anumang gawin ng kamatayan kay Hesus, wala pa rin. Talung-talo sila laban kay Hesus. Hindi nila kayang panatilihing patay si Hesus. Kamatayan, wala ka palang kalaban-laban, eh. Natalo ka kay Hesus.
Sabi ng Salmong Tugunan ngayong araw na ito, "Araw ngayon ng Maykapal; magalak tayo't magdiwang." Tanggalin na natin ang kalungkutan. Nagtagumpay na ang Diyos. Ipinamalas ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian. Kahit ang Anak ng Diyos ay namatay, Siya'y muling nabuhay upang patunayan ang Kanyang mga sinasabi noon. Hindi nagkamali ang Panginoong Hesus sa Kanyang mga sinabi. Si Hesus ay mananaig araw-araw at walang tao na kaya Siyang talunin.
Ngunit, hindi maintindihan nina Santa Maria Magdalena, San Pedro at San Juan Apostol na kinailangan pang muling mabuhay si Hesus. Akala nila natapos ang lahat sa Biyernes Santo. Ang akala nina Maria Magdalena at Simon Pedro na ninakawan ang bangkay ng Panginoong Hesus. Ngunit, si Juan ay naniwala nang makita niya ang mga kayong lino. Siya ang unang naniwala na ang Panginoong Hesukristo ay muling nabuhay. May mga mata ng pananampalataya si Juan. Nanalig at nanampalataya siyang nabuhay na mag-uli ang Panginoon nang makita ang mga kayong lino sa libingan.
Pinagtagumpayan ni Hesukristo ang kamatayan at kasalanan. Tayo rin, kaya rin nating pagtagumpayan ang kasalanan at kamatayan. Kung kaya ni Hesus na magtagumpay laban sa kasamaan, kaya rin nating pagtagumpayan ang kasamaan. Tiwala lang. Walang imposible sa Diyos. Sa tulong ng Diyos, kaya nating pagtagumpayan ang kasamaan at kamatayan. Harinawa, makalabas tayo mula sa libingan ng kadiliman, kasamaan, at kamatayan, at tumawid patungo sa kalayaan. Magtagumpay at lumabas tayo ngayon mula sa ating mga libingan kasama ni Hesukristo!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento