Ika-5 Araw ng Simbang Gabi/Misa de Gallo
Isaias 7, 10-14/Salmo 23/Lucas 1, 26-38
Ang Unang Pagbasa ay tungkol sa propesiya ni propeta Isaias tungkol sa kapanganakan ng Mesiyas. May isang dalagang maglilihi at manganganak ng isang lalaki. Ito'y tatawaging Emmanuel na ang ibig sabihin na "Ang Diyos ay sumasaatin." Ang Mesiyas ay magiging anak ng isang birhen.
Ito'y natupad sa Ebanghelyo ngayon. Natupad ang propesiya ito ni propeta Isaias tungkol sa magiging ina ng ipinangakong Tagapagligtas. Isa itong birhen. Sino ang naging ina ng Mesiyas? Ang Mahal na Birheng Maria. Siya po ay kinalugdan ng Diyos, kaya't pinili si Maria na maging ina ng ipinangakong Mesiyas na magliligtas sa sangkatauhan.
Alam ng Mahal na Ina ang lahat ng mga propesiya sa Lumang Tipan patungkol sa Mesiyas. Ang Mesiyas ang magliligtas sa Kanyang bayang Israel. Hindi niya akalain na siya ang magiging ina ng Mesiyas na hinihintay ng bayang Israel. Hindi niya inaasahan iyon. Siguro may mga plano siya para sa kanyang buhay. Marami siyang gagawin sa kanyang buhay. Marami siyang mga plano. Pero, nagbago ang lahat nang magpakita sa kanya ang Arkanghel Gabriel na may magandang balita.
Kaya nga noong binati siya ng Arkanghel Gabriel, nagulat siya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng pagbati na iyon. Hindi rin niya alam kung ano ang espesyal tungkol sa kanyang sarili at binabati siya ng gayon. Bakit ako'y binabati nang ganito? Anong espesyal sa akin? Parang ganon ang tanong sa isip ni Maria noong binati siya ng Anghel. Hindi niya inakalain na magiging espesyal siya sa paningin ng Diyos.
Ipinaliwanag na ng Anghel Gabriel ang lahat ng mga bagay sa Mahal na Birhen. Si Maria'y maglilihi at manganganak ng isang lalaki. Ang lalaking ito'y si Hesus, ang ating Panginoon at Tagapagligtas. Ito'y bilang katuparan sa propesiya ni propeta Isaias sa Unang Pagbasa kung saan sinabi ni Isaias na isang birhen ang manganganak at ang kanyang anak ay ang Mesiyas na hinihintay ng bayang Israel.
Ang mga sinabi ng Arkanghel Gabriel ay nagbigay ng mangha kay Maria. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng Arkanghel. Kamangha-mangha ang mga sinabi niya. Hindi niya akalain na magiging malaki ang kanyang papel sa buhay ng Mesiyas. Hindi niya akalain na manggagaling ang ipinangakong Tagapagligtas sa kanyang sinapupunan. Kaya tinanong niya ang Anghel kung paano ito mangyayari.
May pagkakatulad ang ating Ebanghelyo ngayon sa Ebanghelyo kahapon. Si Anghel Gabriel ay nagpakita rin kay Zacarias, ang magiging ama ni San Juan Bautista. Nagpakita rin siya ngayon sa Mahal na Ina. Ipinahayag sa kanila ni Arkanghel Gabriel ang mabuting balita tungkol sa mga magiging anak nila. Pero, bakit napipi at nabingi si Zacarias nang tanungin niya ang Anghel? Si Maria ay nagtanong rin, pero bakit magkaiba ang napala nila?
Ang tanong ni Zacarias ay para bang isang kahilingan ng tanda. Humihingi siya ng tanda mula sa Arkanghel Gabriel upang siya'y maniwala na totoo nga ang mga bagay na napapakinggan niya. Hindi maniniwala si Zacarias na silang dalawa ni Elisabet ay magkakaroon ng anak sa kabila ng kanilang katandaan. Iyon ang dahilan kung bakit nagduda si Zacarias sa pangako ng Diyos, at dahil doon, siya'y naging bingi at pipi.
Iba naman ang kaso ni Maria. Wala siyang inaasahang malaki. Hindi pa siya nagdasal na sana'y magkaroon siya ng anak. Isa pa, dalaga pa siya. Isa pa siyang birhen. Kaya hindi niya maintindihan ang bawat salita ng anghel. Gusto niyang maintindihan nang mabuti ang papel, ang misyon niya, upang magampanan niya ito ng mabuti. Napakabigat pa naman ang pananagutan ni Maria sapagkat siya ang magiging ina ng Panginoong Hesukristo. Pero, hindi nagduda si Maria.
Ang sagot ng Arkanghel Gabriel sa katanungan ng Mahal na Ina ay lalo pang nagbigay ng mangha sa Mahal na Ina. Siya'y magkakaanak, hindi sa pamamagitan ng sinumang tao, kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo na bababa sa kanya. Liliman siya ng kapangyarihan ng kataas-taasan. Kamangha-mangha. Walang imposible para sa Diyos. Posible ang lahat sa Diyos.
Pagkatapos sagutin ng Anghel ang katanungan ni Maria, isinuko ni Maria ang lahat sa Diyos. Ang lahat ng mga mangyayari sa kanyang buhay, isinuko na niya sa Diyos. Mangyari nawa! Siya'y susunod sa kalooban ng Diyos. Tinanggap niya ang pananagutang ito nang buong pananalig sa Diyos. Kung nagkaroon man siya ng kaunting pagdududa, nananalig siya. Buong pananalig niyang sinunod ang kalooban ng Diyos at tinanggap ang pananagutan ng pagiging ina ni Kristo.
Manalig tayo sa Diyos katulad ni Maria. Kahit na hindi natin maintindihan ni Maria noong una ang mga sinabi sa kanya ng Anghel, nanalig siya sa Diyos. Walang imposible sa Diyos. Huwag tayo magduda. Kahit hindi natin maintindihan ang kalooban ng Diyos, manalig pa rin tayo at sumunod sa kalooban ng Diyos. Anuman ang imposible sa tao, posible sa Diyos. Ang lahat ay kayang mangyari sa Diyos. Tiwala lang.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento